Kamakailan may nabasa akong artikulo ng isang nagpapakilalang nanghahawak sa posisyong Free Grace. Iminungkahi niya na ang pagpapahayag ng katuwiran (justification) at ang pagbabanal (sanctification) ay parehong sa pamamagitan ng pananampalataya, hiwalay sa mga gawa.
Totoo ba ito? Bagama’t ang pagpapahayag ng katuwiran ay sa pamamagitan ng pananampalataya hiwalay sa mga gawa, ang pagbabanal ba ay ganuon rin- pananampalataya hiwalay sa mga gawa?
Ang imungkahi na ang pagpapahayag ng katuwiran at pagbabanal ay pareho kung paano sila naganap ay isang palaisipan sa akin. Nilinaw ni Santiago na ang isang tao ay maaaring sampalatayahan ang Salita ng Diyos ngunit hindi niya ito nasusunod (San 2:14-16). Pananampalataya lamang ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran (Rom 3:20-31). Subalit, hindi ito ang paraan lamang ng pagbabanal. Kailangang ilapat ng isang tao ang kaniyang sinasampalatayahan upang sumunod ang mga gawa. Ang pananampalataya at pagsunod ay kailangan. Ayon kay Santiago, ang pananampalataya na walang gawa ay patay, samakatuwid walang pakinabang (ikumpara ang “papakinabangin: sa 2:14a at 2:16b).
Kung ang pagbabanal ay pananampalataya lamang, hiwalay sa mga gawa, sa punto na ang isang tao ay manampalataya kay Kristo para sa buhay na walang hanggan, siya ay pinabanal na magpakailan pa man. Hindi na siya magkakasala pang muli.
Ngunit ang pagbabanal, hindi gaya sa pagpapahayag ng katuwiran, ay isang proseso. At ito ay nangangailangan ng mabubuting gawa. Kung walang mabubuting gawa, ang kaniyang pananampalataya ay patay.
Iminumungkahi ko na kapag tayo ay nagtuturo ng pagbabanal, kailangan nating bigyan diin ang nagbabagong kapangyarihan ng Salita ng Diyos, habang binibigyan tayo nito ng bagong pananaw. Sabi ni Pablo na tayo ay nag-iiba sa pagbabago ng ating isipan (Rom 12:2). Kinukuha ng Banal na Espiritu ang Salita ng Diyos na ating narinig, at ginagamit ito upang baguhin tayo (2 Cor 3:18). Ngunit paano sa atin nakararating ang Salita ng Diyos? Ito ay sa pamamagitan ng ministeryo ng mga sinangkap na mga guro sa lokal na simbahan (Heb 10:23-25). At ito ay hindi awtomatikong nangyayari. Kailanagan nating magdesisyon na bumangon at dumalo sa isang simbahang solidong nagtuturo ng Bibliya upang tayo ay mabago. Ang pagdalo sa simbahan ay isang gawa. Ang pakikinig sa simbahan ay isang gawa. Ang paglapat ng anumang ating narinig ay isang gawa..
Totoo na ang pagpapahayag ng katuwiran at ang pagbabanal ay parehong naging posible dahil sa biyaya ng Diyos. Kung hindi Niya tayo binigyan ng Salita ng Diyos, mga sinangkap na tagapagturo, at ng Banal na Espiritu upang baguhun tayo, hindi tayo mapapabanal. Ngunit ang katotohanang tayo ay sumasalig sa Kaniyang biyaya para sa pagbabanal ay hindi nangangahulugan na ang pagbabanal ay hiwalay sa mga gawa.