Si Philip ay may tanong:
Ako at ang aking asawa ay may munting anak, at kasalukuyang buntis ang aking asawa sa aming pangalawa. Malaking pagpapala! Sa kasalukuyan ang aming mga anak ay walang kakayahang umunawa ng ebanghelyo, at dahil diyan hindi pa kayang manampalataya. Ano ang mangyayari sa kanilang mga kaluluwa kung ang rapture ay maganap na bukas?
Marami na akong nabasa sa paksang ito ngunit karamihan ay mula sa pananaw ng mga Reformed. Lubos kong pinahahalagahan ang iyong karunungan sa tanong na ito.
Hi, Philip.
Magandang tanong.
Una, alam nating ang sinumang walang kakayahang manampalataya ay hindi parurusahan. Hindi papanagutin ng Diyos ang mga taong walang kakayahang gawin ang Kaniyang hinihingi. Tingnan ang artikulong ito na tumatalakay sa paksang ito pati na rin ang edad ng pananagutan (at mga bata at pati na rin ang rapture). Anuman ang mangyari sa iyong mga anak, hindi sila parurusahan ng Diyos.
Pangalawa, maraming mga Kasultatan na naglalarawan na kapag niligtas ng Diyos ang mga mananampalataya sa nakaambang panganib, nililigtas Niya pati ang kanilang mga anak. Ang mga halimbawang maibibigay ay ang asawa at mga anak na babae ni Lot; ang asawa, tatlong anak na lalaki at tatlong manugang na babae ni Noe; at ang buong pamilya ni Rahab, atbp. Walang espisipikong sitas na direktang nagsasabi na ang mga anak ng mga mananampalataya ay isasama sa Rapture. Ngunit ililigtas din ng Diyos ang mga anak ng mga mananampalataya upang sila may ay hindi dumanas ng kapootan ng Tribulation, kung paanong iniligtas Niya ang mga anak nila Lot, Noe at Rahab.
Pangatlo, hindi mo naitanong ang mas mahahalagang mga tanong. Kung ang iyong mga anak ay mara-Rapture na kasama mo, nangangahulugan ito na sila ay hindi magkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng sarili nilang mga anak, wala silang pagkakataon na maglagak ng walang hanggang gantimpala, at hindi nila mararanasan ang kabuuan ng kanilang pagkabata at pagbibinata o pagdadalaga? Karamihan sa mga tao ay interesado lamang sa kanilang walang hanggang hantungan ngunit ang mga tanong na ito ay mas praktikal.
Ang aking pananaw ay mararanasan nila ang pitong taon na tila ang mga to ay ilan lamang na minuto. Sa
Panginoon ang isanlibong taon ay tila isang araw. Sa isang iglap sila ay nasa Milenyo. Marahil hindi sila maluluwalhati ngunit papasok dito sa kanilang natural na pangangatawan. Sila ay lalaki, mag-aasawa, magkakaanak, at mabubuhay sa katuwiran at katahimikan ng kaharian ng ating Panginoong Jesu-Kristo. Kung sila ay manampalataya kay Kristo, isang malaking posibilidad yamang si Jesus ay presente at naghahari, sila ay ipanganganak na muli at magtitipon ng mga walang hanggang gantimpala.
At alalahanin, na ayon sa Isaiah 65:20-25, ang mga pinanganak sa Milenyo ay mabubuhay nang mahaba gaya ng bago ang Baha. Ang ilang ipinanganak sa pasimula ay maaaring buhay pa pagkatapos ng 1000 taon. Ang iyong mga anak ay hindi mabubuhay nang 80-100 taon ngunit 800-1000 taon! At ang mga taong ito ay mga taong malaya sa sakit.
Ayon sa Juan 3:16 ang buhay na walang hanggan ay para sa mga nanampalataya sa Panginoong Jesu-Kisto, at ayon sa Juan 11:26 ito ay para sa mga taong nanampalataya habang sila ay nabubuhay pa. Oo, maaaring ang Diyos ay gumawa ng isang pagbubukod sa kaso ng Rapture ng mga bata. Ngunit sa aking pananaw, mas makabubuti sa iyong mga anak na magkaroon ng pagkakataon para sa isang buong buhay sa isang halos perpektong kapaligiran at si Satanas ay natatanikalaan ng 1000 taon.i
i Sa tingin ko ang mga batang hindi pa umabot sa edad na 20 ngunit nanampalataya kay Kristo, ang mga ito ay mara-Rapture kasama ng kanilang mga magulang at magkakaroon ng pagkakataong gugulin ang kanilang natitirang buhay sa Milenyo.