Si Simon ay may magandang tanong:
Gusto ko lang malaman kung paano natin lalapitan ang mga Lordship salvationists. Pakiramdam ko dapat natin silang ituring na mga kapatid kay Kristo. Nakalulungkot makita na ang mga Lordship salvationists ay inaatake ang mga tagatuyod ng Free Grace at vice-versa. Paano natin mapagkakasundo ang dalawa nang hindi inaatake ang bawat isa?
Si Simon ay may tatlong katanungan: 1) Ang mga Lordship salvationists ba ay mga kapatid kay Kristo? 2) Paano tayo makikipagkasundo sa mga Lordship salvationists? 3) Paano tayo magiging tapat sa ating mga pagkakaiba nang hindi inaatake ang bawat isa?
Unang tanong: iminumungkahi ni Simon na “sila ay dapat ituring na mga kapatid kay Kristo,” ako ay di sumasang-ayon. Ngunit ang aking di-pagsang-ayon ay may kaakibat na pagpapaliwanag.
Ang mananampalataya ay tiyak kay Kristo magpakailan pa man sa sandaling siya ay manampalataya kay Kristo para sa buhay na walang hanggan (Juan 3:16; 5:24; 6:35; 11:26). Iyan ay totoo pa rin kahit kalaunan siya ay huminto sa paniniwala sa libreng regalo ng buhay na walang hanggan.
Karamihan sa mga nanghahawak sa Lordship Salvation ay nakarating sa pananaw na iyan pagkatapos nilang manampalataya kay Kristo para sa buhay na walang hanggan. Samakatuwid, sila ay mga kapatid kay Kristo kahit pa hindi na sila nananampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan. Sa halip sila ay nananampalataya na sa kanilang katapatan, pagsunod at pagtitiis.
Ngunit, mayroon, kung hindi man lahat na nanghahawak sa Lordship Salvation ang hindi pa nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan. Kung ganuon, sila ay hindi kapatid kay Kristo.
Pangalawang Tanong: Walang pagkakasundo maliban kung ang mga tagataguyod ng Free Grace ay hindi na maging Free Grace o ang mga tagatuyod ng Lordship Salvation ay tumigil na manghawak sa kanilang posisyon. Walang gitnang posisyon.
Oo, may mga nagpapakilala na Free Grace na gumagawa ng gitnang posisyon. Naniniwala ako na kailangan nilang iwan ang label na Free Grace upang gawin ito. Gayun pa man pinanitili pa rin nila ang label.
Paano nila binago ang Free Grace upang maging katanggap tanggap sa mga Lordship salvationists?
Tumanggap sila ng pananaw ng katiyakan at ng nakapagliligtas na pananampalataya na katanggap tanggap sa Lordship Salvation.
Patungkol sa katiyakan, ayon sa kanila, hindi kailangang manampalataya ang isa kay Jesus para sa walang hanggang buhay. Hindi na kailangang manampalataya na ang kaligtasan ay hindi mababawi. Sumasang-ayon sila sa mga Lordship salvation na hindi tayo dapat tumuon sa Ebangelyo ni Juan para sa mensaheng ebanghelistiko. Sumasang-ayon sila sa kanila na ang Ebanghelyo ni Juan ay hindi sinulat lamang para sa mga hindi mananampalataya. Minumungkahi nila na ang ibang Ebnaghelyo, at ang ibang epistula ay mayroong ebanghelistikong layunin. i
Patungkol sa nagliligtas na pananampalataya, sabi nila ito ay may kalahok na intelek, damdamin at kalooban. ii Dahil sinasama nila ang pagtatalaga bilang bahagi ng nakaliligtas na pananampalataya, iii sila ay yumayakap sa posisyon ng Lordship salvation.
Ang problema rito ay ang Free Grace ang dapat magbago ng kaniyang pananampalataya at hindi ang Lordship Salvation. Ngunit ang label na Free Grace ay nawawalan ng saysay.
Kung ako ay nanghahawak sa Lordship Salvation, sasabihin ko na ang tanging paraan upang makipagkasundo sa mga nanghahawak ng Free Grace ay kung sila ang magbabago ng kanilang paniniwala. Iyan, halimbawa, ang posisyon ni John MacArthur. Dahil sa ako ay nanghahawak sa Free Grace, sinasabi ko na ang tanging paraan upang makipagkasundo sa Lordship salvation ay kung sila ay magbago ng kanilang paniniwala. iv
Ikatlong tanong: Paano tayo magiging tapat sa ating hindi pagkakaunawaan nang hindi inaatake ang bawat isa? Ang aming paraan ay ang maging mapayapa sa aming pagsansala ng mga maling pananaw. Iniiwasan naming ang nangmamaliit na pananalita o mga bansagan. Ngunit hindi natin basta lang babalewalain ang pagkakaiba. Hindi ito binalewala ni Pablo. Basahin mo nag Aklat ng Galatia.
___________
i. Para sa mga puntos na nabanggit sa talatang ito, tingnan ang GraceNotes 79, ni Charlie Bing, na makikita rito. Tingnan din si David Anderson, “Is Belief in Eternal Security Necessary for Justification?” CTS Journal (Spring 2008): 3-17, na makikita rito.
ii. Tingnan, halimbawa, A Defense of Free Grace Theology: With Respects to Saving Faith, Perseverance and Assurance, ed. by Fred Chay (NP: Grace Theology Press, 2017), Chapter 3, “The Faith That Saves,” by David R. Anderson, pp 67-87.
iii. Ayon kay Anderson, na ang willful component ng saving faith ay “commit{ment} to the claims of Christ” (p. 70) at “the surrender of the soul as guilty and defiled to Christ” (p.72). Totoong pinaghiwalay niya ang commitment na ito sa “commit{ment} to obey Christ’s commands” (p. 73) na ayon sa kaniya ay hindi bahagi ng nakaliligtas na pananampalataya. Ito ay tila paghihiwalay na walang pinagkaiba. Tila umaayon siya Grudem (na nanghahawak sa Lordship salvation, bagamat ayaw niya ng label na iyan) that Jesus requires “less than total commitment” (p. 79). Tingnan din ang kaniyang pasimulang komento sa pananaw ni Grudem sa nakapagliligtas na pananampalataya: “Appreciated also is Dr. Grudem’s definition of faith, which goes beyong intellectual assent” (p. 69).
iv. Ako ay sumasang-ayon kay John MacArthur at sa karamihan ng mga Lordship Salvation sa malawak na isyu kabilang na ang inerrancy, sitas sa sitas na pagpapaliwanag ng Bibliya, kasal, pamilya, young earth creationism at eternal conscious torment. Subalit, ang Lordship Salvation na pagkaunawa sa nakaliligtas na pananampalataya ay kasalungat sa malinaw na turo ng Panginoon Jesus at hindi maaaring pag-usapan. Walang gitnang posisyon sa pananampalatya bilang isang simpleng pagkakumbinse laban sa pananampalataya bilang pagtatapat, pagsunod at pagtitiis.