Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Bookstore
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Ang Mga Mananampalataya Ba Ngayon Ay Nasa Ilalaim Ng Bagong Tipan?

Ang Mga Mananampalataya Ba Ngayon Ay Nasa Ilalaim Ng Bagong Tipan?

March 23, 2023 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Isang kaibigang pastor na tatawagin nating Dave ang kamakailan ay pinag-aaralan ang Bagong Tipan. Mayroon kaming ilang mahusay na pag-uusap tungkol dito. Naisip kong ibahagi ang ilan sa mga kaalaman dito.

Ang Bagong Tipan ay isang walang hanggang tipan (Is 61:8-9; Ezek 16:60; 37:26) na gagawin sa Israel sa hinaharap gaya ng pinapahiwatig ng maraming propeta ng LT (tingnan lalo na ang Jer 31:31-34). Tingnan ang artikulong ito mula sa Israel My Glory.

Kung hindi binanggit ng BT ang Bagong Tipan, matitiyak nating ang Bagong Tipan ay hindi epektibo ngayon. Ito, kung tutuusin, ay isang tipang gagawin ng Diyos sa Israel.

Ngunit ang BT ay nagbabanggit ng Bagong Tipan. Mamaya tingnan natin ang ilang reperensiya sa BT.

Ito ay nagresulta sa maraming paraan ng paliwanag kung ano ang relasyon ng mananampalataya sa panahon ng iglesia sa Bagong Tipan.

Unang opsiyon: Mayroong isang Bagong Tipang orihinal na binigay para sa Israel ngunit nilipat sa Iglesia dahil sa kawalang katapatang ng Israel.

Ikalawang opsiyon: Mayroong dalawang Bagong Tipan, isa para sa Israel at isa pang hiwalay para sa Iglesia.

Ikatlong opsiyon: Mayroong isang Bagong Tipan para sa Israel sa hinaharap at para sa Iglesia sa ngayon.

Ikaapat na opsiyon: Mayroong isang Bagong Tipan para sa Israel; subalit ang mga mananampalataya sa panahon ng iglesia ay naglilingkod sa liwanag ng darating na tipang ito.

Ang unang opsiyon ay tinuro ng covenant theology, na Reformed theology. Ang Reformed theology ay nagtuturong ang Iglesia ay kahalili ng Israel bilang bayan ng Diyos (=replacement theology).

Ang ikalawa hanggang ikaapat na mga pananaw ay mga pananaw dispensational. Ang mga pananaw na ito ay nagtuturong ang Israel ang hinirang na bayan ng Diyos, at si Jesus ang maghahari sa mundo mula sa nananampalatayang Israel sa panahon ng milenyo, at mula sa Bagong Jerusalem sa bagong lupa.

Tingnan natin ang ilang ebidensiya mula sa BT.

Sa Huling Hapunan, sinabi ng Panginoon na ang alak ay kumakatawan sa “dugo ng bagong tipan” (Mat 26:28; Marcos 14:24; Lukas 22:20; 1 Cor 11:250. Maraming iniisip na ang sinasabi Niya ay ang Bagong Tipan ay maitatatag nang Kaniyang binubo ang Kaniyang dugo sa krus.

Sa 2 Cor 3:6, sinabi ni Pablo na siya ang kaniyang mga kapwa apostol ay mga “ministro ng bagong tipan.” Iminumungkahi ni Lowery na ang “iglesia ngayon ay kabahagi sa aspetong soteriolohikal ng tipang iyan, na natatag ng dugo ni Cristo para sa lahat ng mananampalataya [cf. Heb 8:7-13])” (“2 Corinthians,” BKC, p. 561).

Kinukumpirma ng Hebreo 8:7-13 na ang Bagong Tipan ay nasa hinaharap pa at ito ay sa “sambahayan ng Israel at sambahayan ng Juda” (v8), ngunit ang pasahe ay nagbabanggit din ng ilan sa mga pagpapala ng Bagong Tipan, kabilang ang 1) ang pagkakaroon ng mga kautusan ng Diyos “sa kanilang isipan,” 2) pagiging bayan Niya, 3) pagkakilala sa Panginoon, at 4) pagkakaroon ng kapatawaran ng mga kasalanan (vv10-12). Maraming mga dispensationalista kabilang ang aking kaibigang si Dave, ang nagmumungkahing dahil sa ang apat sa mga pagpapalang ito ay tinatamasa rin ng mga mananampalataya sa panahon ng iglesia, ang Bagong Tipan ay para rin sa kanila.

Ito ang kabuuan ng ebidensiya: Ang nabubong dugo ni Jesus sa krus ay ang dugo ng Bagong Tipan. Ang mga apostol ay mga ministro ng Bagong Tipan, at marahil tayo rin. Apat sa mga pagpapala ng Bagong Tipan ay nararanasan din ng mga mananampalataya ngayon.

Sa kaniyang komentaryo sa Mateo, iminumungkahi ni John Nolland na ang Bagong Tipan ay isang reperensiya sa darating na kaharian ni Jesus:

Si Jesus ay hindi gumagamit ng lenggwahe ng tipan ngunit sa kabila ng pagkakaiba ng paglalarawan, ang magbanggit ng pagtatag ng Diyos ng kaniyang tipan kasama ng kaniyang bayan ay walang pagkakaiba sa pagbabanggit ng darating na kaharian ng Diyos. Kapansin-pansing ang ibang kasabihan ni Jesus mula sa kaniyang huling pagkain, Mat 26:29, ay nag-aabang sa darating na kaharian. Ang background nito ay ang karanasan sa Pagkatapon, ang lenggwahe ng tipan sa Mat 26:28 ay mayroon ding koneksiyon sa mga pagpapala ng Mat 5:3-10 at sa mensahe nito ng sariwang pag-asa sa mga dinisiplina ng kahihiyan ng ‘pagkatapon’ (tingnan ang talakayan sa 5:3-10) (Matthew, p. 1080, dinagdag ang paghihilis).

Sa madaling salita, ang pagiging ministro ng Bagong Tipan ay maaaring maunawaan bilang isang pagpapahayag ng nalalapit na pagbabalik ni Cristo upang itatag ang Kaniyang kaharian. Ito ay lumalapat sa mungkahi ni Lowery na ang mga apostol ay nagpapahayag ng pangako ni Jesus ng buhay na walang hanggan, na nagresulat sa mga mananampalataya sa Kaniya na maging mamamayan ng darating na kaharian (Ef 2:19; Fil 3:20).

Sa tingin ko ang ebidensiya ay hindi nagmumungkahing ang Bagong Tipan ay natatag nang ibubo ni Cristo ang Kaniyang dugo sa krus. Kung ito ay natatag nang panahong iyoan, ang kaharian sana ni Jesus ay natatatag na. (Ito ay isang pananaw na laganap ngayon. Ito ay tinatawag na oo na, ngunit hindi pa. Sang-ayon kay Dr. Stan Toussaint na nagsabi sa aming taunang kumperensiya mga sampung taon na ang nakalipas, “Ang kaharian ay wala pa. At ang kaharian ay wala pa.”) Ang kaharian ay nangangailan ng dugo ni Cristo. Walang kaharian hiwalay sa dugo ng tipan. Ngunit ang kaharian ay wala pa rito.

Ang apat na pagapapala ng Heb 8:7-12 ay bahagyang naranasan ng mga mananampalataya sa panahon ng iglesia. Una, ang mga mananampalataya sa panahong ito ay hindi awtomatikong may mga kautusan ng Diyos sa kanilang mga isipan. Kung sila ay uupo sa ilalim ng solidong turo ng Biblia, ang kanilang mga isipan ay mababago (Roma 12:2; 2 Cor 3:18). Ikalawa, samantalang ang mga Cristiano ay bayan ng Diyos, hindi sila ang bansang Israel na siyang paksa ng Bagong Tipan. Ikatlo, may diwang ang mga mananampalataya sa panahon ng iglesia ay kilala ang Panginoon. Ngunit ang Bagong Tipan ay nangangako ng isandaang porsiyentong mga nasa edad na Judiong makakakilala sa Kaniya. ikaapat, ang kapatawaran ng mga kasalanan ay totoo sa lahat ng dispensasyon at hindi tangi lamang sa Bagong Tipan.

Nanghahawak ako sa ikaapat na opsiyon. Ang Bagong Tipan ay para sa Israel sa hinaharap. Ang Bagong Tipan ay hindi epektibo ngayon. Ngunit tayo ay naglilingkod sa liwanag ng darating na tipan, at tinatamasa natin ang ilang sa mga pagpapalang tatamasahin ng Israel sa kaharian. Sa praktikal na usapan, ang ikalawa at ikatlong opsiyon ay magkahawig, bagamat ang ikatlong opsiyon ay nagpapahiwatig na ang kaharian ay narito na sa diwa na sa paniniwala ko ay hindi totoo.

P. S. Matapos malathala ang blog na ito, naalala ni Dix Winston ang isang mahusay na artikulong diyornal noong 2008 ni Dr. Steve Lewis na may titulong, “The New Covenant: Enacted or Ratified?” Tingnan dito ang artikulong iyan na may parehong pananaw sa akin.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Cart

Recently Added

June 1, 2023

Don’t People Who Believe in “Once Saved, Always Saved” Promote Sinful Living?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Bob Wilkin and David Renfro are responding to the accusation that Free Grace Theology promotes sin and licentious...
June 1, 2023

What About Micaiah? (1 Kgs 22:1-28)

In any venture, everybody knows the name of the star. For example, Michael Jordan is considered by most basketball experts to be the greatest basketball...
May 31, 2023

Aren’t People Who Believe in Works Salvation Saved?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Bob Wilkin and David Renfro are answering why works systems will not and do not bring eternal salvation....

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen to Stitcher

Listen on Spotify

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Bookstore Specials

  • The Epistle of James $15.00 $10.00
  • The Gospel Under Siege: Faith and Works in Tension $16.00 $10.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Hardcover) $13.95 $5.00
  • Romans: Deliverance from Wrath $24.99 $15.00
  • Turn and Live: The Power of Repentance $15.00 $10.00
Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube