Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Ang Mga Judio Ng Panahon Ni Jesus Ay Naghahanap Ng Buhay Na Walang Hanggan- Isang Muling Kunsiderasyon Ng Juan 5:39-40

Ang Mga Judio Ng Panahon Ni Jesus Ay Naghahanap Ng Buhay Na Walang Hanggan- Isang Muling Kunsiderasyon Ng Juan 5:39-40

July 22, 2025 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay. Juan 5:39-40

Dalawampung taon na ang nakalipas, nang magkasama kami sa simbahan, si Vince Deegan, isa kong kaibigan, ay nag-alerto sa akin sa kapangyarihan ng Juan 5:39-40. Kamakailan nagpadala siya sa akin ng maikling karagdagang pagninilay na nagtulak sa akin upang isulat ang blog na ito. Sinulat ni Vince:

Mayroon karagdagang pagninilay sa Juan 5:39-40. Hinayag ni Jesus nang napakalinaw, na ang buhay na walang hanggan ay hindi bagong kaisipan para sa mga Judio. Sa halip, ang buhay na walang hanggan ay isang kumon na kaisipan (at layon), at ang pinakadahilan upang sila ay magsaliksik ng Kasulatan. Dahil dito, ang katotohanang ang mga Judio ay naghahanap ng buhay na walang hanggan marahil ang dahilan kung bakit hindi Niya espisipikadong sinabing manampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggang kanilang hinahanap. Naghahanap na sila ng buhay na walang hanggan. Ang hindi lamang nila sinasampalatayahan ay Siya ang tanging Personang makapagbibigay nito sa kanila gaya ng Kaniyang nilinaw sa Juan 5:39-40.

Kapag ang Panginoong Jesus ay nagbabanggit ng buhay na walang hanggan, ito ay pangkasalukuyang pag-aaring magtatagal kailan pa man. Hindi ito maiwawala.

Ngunit hindi ito ang hinahanap ng mga legalistikong Judio. Ang hinahanap nila ay ang tinatawag ng maraming Calvinistang pinal na kaligtasan. Sa kanilang isipan, hindi matatamo ng isang tao ang buhay na walang hanggan malibang sila ay makatiis hanggang sa katapusan ng buhay sa pagtupad ng mga kautusan ng Diyos. Nakapokus sila sa dalawang pinakadakilang kautusan, ang ibigin ang Panginoon, at ibigin ang kaniyang kapwa. Iniisip nilang lahat ng mabuting Judio ay tatamo ng buhay na walang hanggan sa kanilang kamatayan.

Sila ay mali sa dalawang punto: 1) iniisip nilang ang pagtupad sa kautusan, hindi ang pananampalataya kay Cristo, ang paraan upang magtamo ng buhay na walang hanggan, at 2) iniisip nilang ang buhay na walang hanggan ay hindi magsisimula hanggang sa sila ay mamatay.

Malinaw na tinama sila ng Panginoon sa unang punto. Sinabi Niyang, “At ayaw kayong magsilapit sa akin [ie., manampalataya sa Kaniya]i, upang kayo’y magkaroon ng buhay.”

Napapaisip ako kung baka tinatama Niya rin sila sa ikalawang punto. Nang Kaniyang sabihing, “upang kayo’y magkaroon ng buhay,” ang implikasyon ay nagsisimula ang buhay  sa sandali ng pananampalataya. Ito ay malinaw sa mga sitas gaya ng Juan 3:16; 5:24; 6:35, 37, 39, 47; 11:25-27; at 20:31. Ngunit, kahit sa Juan 5:39-40, nauunawaang ang sinumang manampalataya sa Kaniya ay may buhay na walang hanggan.

May ilang iskolar ng Bibliang nagsasabing walang konsepto ng buhay na walang hanggan sa Hebreong Kasulatan. Ngunit pinakikita ng Juan 5:39-40 na ito ay mali. Kinakausap ng Panginoon ang mga taong may malalim na kaalaman ng LT. ito ay bago ipinanganak ang simbahan. Tinutukoy Niya ang Hebreong Kasulatan at sinabing sinaliksik nila ito upang sa mga ito ay masumpungan ang buhay na walang hanggan. Hindi sila tumutol dahil totoong naghahanap sila ng buhay na walang hanggan sa Tanakh.

Mula nang ituro ako ni Vince sa Juan 5:39-40, sila ay ilan sa pinakapaborito kong sitas sa aking kahong ebanghelistiko. Tumutulong sila sa aking magpokus sa biyaya.

___________

i Tinumbas ng Panginoon ang paglapit sa Kaniya sa pananampalataya sa Kaniya sa Juan 6:35: “Sa kanila’y sinabi ni Jesus, Ako ang tinapay ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma’y hindi mauuhaw.” Ikumpara ang Juan 7:37 at Mat 11:28. Ang pagsunod sa likuran Niya ay isang isyung pagkaalagad: “Ang sinumang nagnanais na sumunod sa Aking likuran, ay magtakwil ng kaniyang sarili, pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa Akin.” Tingnan din ang Lukas 14:27. (Siya nga pala, ang Mat 11:29 ay isang sitas ng pagkaalagad sapagkat ang Panginoon ay nagbabanggit ng pagbuhat ng Kaniyang pamatok at pagkatuto mula sa Kaniya, na parehong mga konseptong pagkaalagad.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Recently Added

December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...
December 4, 2025

What Is Annihilationism and What Is Universalism?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling will continue the topic of Eschatology. More specifically, this episode focuses on...
December 3, 2025

Disunity: Not a Minor Problem 

Israel was at war. The Midianites and their allies had severely afflicted the nation for seven years (Judg 6:1). However, God raised up Gideon to defeat those enemies...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram