Si Elwyn ay may magandang tanong:
Maari bang talakayin mo ang isyung makikita sa Gawa 15:5. Paano ang mga Judaiser na ito naging mananampalataya kung kanilang pinaghahalo ang kautusan at biyaya? Ang lumalabas ay hindi sila mananampalataya sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang.
Ang dahilan kung bakit ito ay isang magandang katanungan ay dahil tinawal ni Lukas ang mga itong mananampalataya (“Ngunit ilan mula sa sekta ng mga Pariseo na nanampalataya [dinagdagan ng paghihilis] ay tumayo…”). Ganuon pa man, kaniyang inulat na ang mga ito ay nagsabing, “Kailangang tuliin sila [mga Gentil] at utusan silang sumunod sa kautusan ni Moises” (Gawa 15:5).
Ang misteryo ay masosolusyunan kung ating ikukumpara ang v5 at v1. Ang ilang mga Judio ay nagsasabing, “Malibang kayo ay matuli ayon sa kautusan ni Moises, hindi kayo maliligtas” (dinagdagan ng paghihilis).
Ang mga Judiong bumaba mula Judea patungong Antioco ay nagsasabing kailangan ang pagtutuli at pagsunod sa kautusan upang maligtas.
Ang ilang sa mga mananampalatayang Judio na dumalo sa konseho sa Jerusalem ay nagsasabing ang pagtutuli at pagsunod sa kautusan ay kailangan upang mapabanal.
May malaking pagkakaiba.
Pareho silang mali. Ngunit ang isang grupo ay napakamali na hindi ito naniniwala o nagpapahayag ng pangako ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Ang isa ay naniniwala sa pangako ngunit pinasok nila ang legalismo sa Cristianong pamumuhay.
Sa The Grace New Testament Commentary, sinulat ni Al Valdes, “Dalawang pangunahing puntos ang naghihiwalay sa pagtutol na ito mula sa nabanggit sa v1 na nagresulta sa paglalakbay na ito. Una, nilarawan ni Lukas ang mga lalaking ito bilang mga mananampalataya. Ikalawa, hindi gaya ng mga lalaki sa v1 ang mga lalaking ito ay hindi nagsasabing ang pagtutuli ay kailangan para sa kaligtasan. Sila ay nagkakamali patungkol sa sanktipikasyon, hindi pag-aaring-matuwid” (p 560).
Subalit, pansinin na karamihan sa mga komentarista ay hindi nagbabanggit ng pagkakaiba sa pagitan ng mga pahayag sa v1 at 5. Sa katotohanan, may ilang nagsasabing ang dalawang grupo ay pareho lamang ang sinasabi. Sinulat ni Gill, “[ang mga mananampalatayang Pariseo ng v5 ay nagsabing] kailangang tuliin sila: ang mga Gentil na nanampalataya: at utusan silang sumunod sa kautusan ni Moises; parehong moral at seremonyal, na ang pagtupad sa mga ito ay binibilang nilang ganap na kailangan para sa kaligtasan” (An Exposition of the New Testament, Vol 2, p. 282).
Gayon din, si Fitzmyer ay sumulat patungkol sa v5, “[Sinabi nila] ‘Kailangan nilang tuliin at utusang tumupad sa kautusan ni Moises.’ Ang mga dating Pariseo’y nagpipilit na ang mga Cristianong Gentil ay kailangan munang maging proselitong Judio (tingnan ang NOTE sa 2:11). Ang rason ng kanilang pamimilit ay ipinakita sa 15:1: ang pagtutuli at pagtupad sa kautusan ni Moises ay mga kundisyong kailangan para sa kaligtasan” (Acts, pp. 545-546).
Sa DTS kumuha ako ng kurso sa Gawa na tinuro ni Zane Hodges. Pinunto niya ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng v1 at v5. Pinansin niyang sinabi ni Lukas na ang mga Pariseo sa v5 ay nanampalataya. Ang isyu ay hindi na nagsasabi lamang silang nananampalataya. Nilinaw ng kinasihang Kasulatan na sila ay nanampalataya.
Hindi natin mababali ang Kasulatan. Kung sinabi ni Lukas na sila ay nanampalataya, sila ay nanampalataya.
Ang katotohanang ang isang tao ay nanampalataya sa libreng regalo ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, hiwalay sa mga gawa, ay hindi nangangahulugang siya ay tama sa lahat ng kaniyang iniisip. Ang Konseho sa Jerusalem ng Gawa 15 ay patunay nito.