Sa Mga Hukom 5, may isang awit ng tagumpay. Tinawag ng Diyos ang Kaniyang bayang lumaban sa kanilang mga kaaway. Ipinangako Niyang bibigyan Niya sila ng tagumpay kung gagawin nila ito. Ang ilan ay tumugon sa tawag. Ang iba ay hindi.
Sa awit, na isinulat ng propetang si Debora, pinupuri niya ang mga tapat at sinaway ang mga hindi tapat. Ang Anghel ng Panginoon ay tumutukoy kay Jesucristo. Sinasabi ni Deborang isinumpa Niya ang Meroz, isang lunsod na hindi tumulong sa kung ano ang ginagawa ng Panginoon (Huk 5:23). Ang sumpa ay hindi tumutukoy sa pagpunta sa lawa ng apoy. Sa halip, ang lungsod na iyon ay hindi makatatanggap ng mga biyayang nagmumula sa tagumpay. Makakaranas ito ng kahihiyan at pagkatalo.
Ang mga tapat na Israelita ay pinagpala. Binanggit ni Debora ang isang babaeng nagngangalang Jael. Pinuri siya para sa kaniyang katapangan at katapatan sa gitna ng labanan (5:24-27).
Isang Israelita ang maaaring tumanggap ng papuring natanggap ni Jael. Nang tawagin siya ng Diyos na maging matatag, hindi siya handa—sa simula. Bilang resulta, nawala sa kaniya ang ilan sa kaluwalhatiang maaari sana niyang tinamo (4:8-9).
Malinaw na hindi lahat ng mga Judiong lumaban sa Hukom 5 ay mga mananampalataya. Gayunpaman, ang Israel ay ang bayan ng Diyos, at sinabi Niya sa kanilang ang mga masunurin ay pagpapalain, habang ang mga suwail ay hindi pagpapalain. Ang mga pinakamasunurin ay tumanggap ng mas dakilang kaluwalhatian; ang mga hindi pinakamasunurin ay nawalan ng kaluwalhatiang maaari sana nilang matamo.
Hindi ba’t ganito ang mangyayari sa Hukuman ni Cristo? Ang Hukom 5 ay anino ng araw na iyon. Ang Isang Siyang Anghel ng Panginoon sa LT ay huhusga sa mga mananampalataya kapag sila ay tumayo sa harap Niya. Magbibigay Siya ng mga pagpapala at pagsaway para sa katapatan at kawalang katapatan. Ang isang mananampalataya ay hindi kailanman mawawalan ng buhay na walang hanggan, ngunit kung paano siya mamuhay ngayon ang magtatakda ng kaluwalhatiang kaniyang matatanggap sa araw na iyon.
Ngunit ang Hukom 5 ay hindi lamang isang anino. Sa tingin ko, naunawaan ni Deborang ang mga pagpapala at sumpa na ibinigay sa mga tapat at di-tapat na tao ng Diyos ay ibibigay din kapag itinatag ng darating na Cristo ang Kaniyang walang hanggang kaharian. Ito ay makikita sa huling pangungusap ng kaniyang awit ng tagumpay.
Deborah ay umaawit:
“Nguni’t yaong mga umiibig sa kaniya ay maging parang araw
pagka lumalabas sa kaniyang kalakasan” (v 31).
Kalaunan, isusulat ng propetang si Daniel ang tungkol sa mga gagantimpalaan sa kaharian ni Cristo. Sinasabi niyang sila ang mga matatalinong magliliwanag “Tulad ng liwanag ng kalangitan” (i.e. ang araw; Dan 12:3). Gagamitin ng Panginoon ang katulad na wika upang ilarawan ang mga namumuhay nang matuwid kapag pumasok sila sa Kaniyang kaharian. Sinabi Niyang sila ay “…mangagliliwanag ang mga matuwid na katulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama” (Mateo 13:43).
Ang lahat ng mga mananampalataya ay papasok sa kaharian. Ngunit ang mga kumikilos nang may karunungan sa pamamagitan ng tapat na pagsunod sa mga utos ng Panginoon ay pagpapalain sa kahariang iyon. Dakilang kaluwalhatian ang naghihintay sa kanila. Ang mga mananampalataya ngayon ay dapat maging tapat sa gawain ng Panginoon sa pakikibaka laban sa sanlibutan, kay Satanas, at sa laman. Si Daniel at ang Panginoon ay tiyak na nagpropesiya tungkol sa mga bagay na ito. Ang labanan noong panahon ni Debora ay isang tipo ng mga katotohanang ito.





