Higit tatlumpung taon na ang nakaraan, narinig ko si Dr. Craig Blomberg na magpresenta ng kaniyang papel sa pambansang pagtitipon ng Evangelical Theological Society. Ito ay may pamagat na “Degree of Reward in The Kingdom of Heaven?” (Digri ng Gantimpala sa Kaharian ng Langit?) Ang papel ay kalaunang nilathala sa Journal of The Evangelical Theological Society.
Ayon kay Dr. Blomberg walang digri ng gantimpala sa kaharian ni Jesus. Tinawag niya itong “nakakadepres at nakasisirang nosyon” (p. 172). Bakit? Sapagkat sa kaniyang pananaw, lahat ng mananampalataya ay tapat. Ang mga hindi tapat ay “mapapahamak sa buong eternidad” (p. 172). At bagamat may digri ng bunga sa mga tunay na mananampalataya, “walang mananampalatayang makakaabot sa pamantayan ng kabanalan ng Diyos anupa’ti sila ay bibigyan ng walang hanggang gantimpalang iba sa kanilang kapwa Cristiano” (p. 172).
Isang bagay sa kaniyang sinabi ang umagaw sa aking isipan. Sinabi niya,
“Ang pananaw na ang mga gantimpala ay maghihiwalay sa atin sa milenyo ngunit hind isa eternidad ay balewala sa akin, dahil ginagawa nito ang parehong layong aking pinaglalaban. Maging ang isanlibong taon ay napakaikling bahagi ng impinidad at mawawalang saysay paglipas nito. Ngunit wala akong masumpungang suportang tekstuwal sa pananaw na ito” (p. 171, n. 50).
Ito ang aking paksa sa GES Dallas Regional Conference sa Oktubre 25-26. Sa blog na ito, ibabahagi ko ang limang patunay na ang mga gantimpalang eskatolohikal ay magtatagal kailan pa man, hindi lamang isanlibong taon.
Una, sinabi ni Pablo na ang mga mananampalataya ay nakikibaka para sa “putong na hindi nasisira.” Ang parehong salita ay ginamit sa 1 Cor 15:52, “ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan.” Hindi ito nangangahulugang tayo ay magiging mortal tayo pagkatapos ng milenyo. Ibig sabihin nito ay mananatili tayong imortal magpakailan pa man. Ang bawat gamit ng BT sa salitang ito ay patungkol sa isang permanenteng bagay (cf. Rm 1:23; 1 Tim 1:17; 1 Ped 1:4, 23; 3:4).
Ikalawa, sinabi ng Panginoong Jesus na dapat nating ituon ang ating mga puso sa hindi nasisirang kayamanan: “Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo’y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo’y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw” (Mat 6:20). Tinutukoy Niya ang kayamanang permanente at sigurado.
Ikatlo, sinabi ni Pedro na ang mga tapat na mananampalataya ay mayroong masaganang pagpasok. “Sapagka’t sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo” (2 Ped 1:11). Ang masaganang pagpasok na ito ay pagpasok sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon. Ang Milenyo ay ang unang isanlibong taon ng walang hanggang kaharian. Kapag ito ay nalipat na sa Bagong Lupa, ito ay mananatiling parehong walang hanggang kaharian (Pah 21-22).
Ikaapat, gaya nang sinabi ni Blomberg sa kaniyang nota sa ibaba, ang isanlibong taon sa liwanag ng eternidad ay napakaikli. Sinabi ni Pedro na sa Panginoon, ang “isanlibong taon [ay] isang araw” (2 Ped 3:8). Ang Panginoong Jesus ay maghahari magpakailan man. Ganuon din ang mga maghaharing kasama Niya (Rm 2:!7; Heb 1:9; Pah 2:26; 22:12-14).
Ikalima, hindi lahat ng mananampalataya ay mananagumpay. Tingnan ang Talinhaga ng Mga Mina (Lukas 19:11-27) at ang Parabula ng Matuwid at Hindi Matuwid na Lingkod (Mat 25:1-13). Tingnan din ang 1 Cor 9:27; 2 Tim 4:6-10; Pah 2-3. Hindi lamang mayroong digri ng paghahari sa bahagi ng mananagumpay (hal Lukas 19:17, 19), ngunit may digri rin ng kayamanan para sa parehong mananagumpay at hindi mananagumpay. Kung wala, si Pablo ay nagsisinungaling nang kaniyang sabihing, “Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka’t ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya” (Gal 6:7).
Kinukunsidera ng Focused Free Grace Theology ang lahat ng Kasulatan. Samantalang ang buhay na walang hanggan ay isang regalong tinanggap sa sandaling manampalataya ang isang tao kay Jesus para rito, may akawntabilidad ngayon at sa huling araw. Ang eternal na seguridad ay hindi lisensiya para magkasala. Ito ay oportunidad upang magkamit ng walang hanggang kayamanan at hindi nasisirang putong.
Manatiling nakapokus sa biyaya.
__________________________
i Ang binabanggit ni Blomberg ay ang bagay na hindi niya maunawaan. Ngunit kung ito ay may saysay sa Panginoong Jesus at sa Kaniyang mga apostol- at mayroon- kung ganuon kailangan nating baguhin ang ating mga isipan (Roma 12:2).