Tanungin mo ang kahit na sinong may pagkaunawa sa Biblia tungkol sa pariralang “ang daliri ng Diyos”, maaaring banggitin niya ang pagsulat ng Diyos ng Sampung Utos gamit ang Kanyang sariling daliri (Exodus 31:18) o sa mahimalang mga daliri ng isang tao na lumitaw mula sa kung saan at sumulat ng isang mahimalang mensahe sa haligi sa Dan 5:5, 24.
Ngunit maraming mga Kristiyano ang hindi nagbigay nang maiging pag-iisip sa pariralang “daliri ng Diyos”.
Kamakailan habang nababasa ang parirala sa NT, napagtanto kong mas kailangan ko itong bigyan nang maiging pag-iisip. Ang artikulong ito ay resulta ng mas maiging pag-iisip sa paksang ito.
Ang Daliri ng Diyos ay Sumulat ng Sampung Utos Nang Makalawang Beses (Exodus 31:18)
Ang sabi ni Moises, “At kaniyang binigay kay Moises, pagkatapos na makipagsalitaan sa kaniya sa ibabaw ng bundok ng Sinai, ang dalawang tapyas ng patotoo,na mga tapyas na bato, na sinulatan ng daliri ng Dios” (Exod 31:18, may dagdag diin). Natual, walang daliri ang Diyos Ama. Ganuon din ang Diyos Espiritu Santo. Ito ay tumutukoy sa daliri ng Diyos Anak, ang ikalawang miyembo ng Trinidad.
Sinulat ng Panginoong Jesus ang Sampung Utos nang makalawa. Bakit? Sapagkat winasak ni Moises ang orihinal na tapya nang makita niya ang mga tao na naghihimagsik laban sa Diyos habang siya ay wala (Exod 32:19). Dahil dito sinulat ng Panginoong Jesus and Sampung Utos nang makalawa sa dalawang bagong tapyas ng mga bato (Exod 34:1ff).
Sa kasong ito ang daliri ng Diyos ay tumutukoy sa kapangyarihan ng Diyos at sa kapangyarihan Niyang magpahayag. Hindi lamang Siya dakila at makapangyarihan, Siya rin ay nagpapahayag ng Kaniyang kalooban sa sangkatauhan, sa pagkakataong ito, sa Kaniyang piniling bayan, ang Israel.
Ang Panginoong Jesus ay Makalawang Sumulat sa Lupa Gamit ang Kaniyang Daliri (Juan 8:6)
Utang ko kay Ken Yates ang aking pagkaunawa ng halaga ng pagsulat ni Jesus nang makalawa gamit ang Kaniyang daliri sa kwento tungkol sa babaeng nahuli sa pangangalunya (Juan 7:53-8:11). Narinig ko si Ken na nangaral tungkol ditto. Iminungkahi niya na kaya hindi sinabi ni Juan ang laman ng Kaniyang sinulat ay sapagkat hindi ito ang punto ng kwento. Ang punto ng kwento ay ang katotohanan na Siya ay sumulat sa lupa ng Kaniyang daliri at ginawa Niya ito nang makalawa.
Ang mga punong panrelihiyon ng Isael ay sinusubukang hulihin si Jesus sa isang imposibleng sitwasyon. Alam nilang Siya ay mabiyaya at mapagpatawad. Dahil dito napagtanto nila na hindi hahatulan ni Jesus ang babaeng nahuli sa pangangalunya. Ngunit ang Kautusan ni Moises ay nag-uutos na ang sinumang mahuli sa pangangalunya ay dapat batuhin. Pakiramdam ng mga pinuno nahuli nila si Jesus na lalabag sa Kautusan ni Moises.
Natural, pakiramdam nila nilalabag ni Jesus ang Kautusan ni Moises sa tuwing Siya’y nagpapagaling pag Sabbat. Ngunit ang sitwasyong ito ay mas madaling maibenta sa masa bilang paglabag sa Kautusan ni Moises.
Pansinin ang tatlong element ng kwento: 1) Si Jesus ay nagsulat gamit ang Kaniyang daliri, 2) makalawa itong ginawa ni Jesus, at 3) ginawa ito ni Jesus sa isang usapin tungkol sa Kautusan ni Moises.
Ayon kay Ken na sa pagsulat gamit ang Kaniyang daliri sa lupa, ang Kanyang tagapakinig ay dapat maunawaan na Siya ang sumulat ng Sampung Utos gamit ang Kaniyang daliri. Dapat maintindihan natin ito. Samakatuwid sinusubok nila ang Persona na nagbigay sa kanila ng Kautusan. Si Jesus bago sa Kaniyang pagsasalaman ang nakipagkita kay Moises sa Sinai. Siya ang sumulat nito minsan sa dalawang tapyas ng mga bato. At nang basagin ni Moises ang mga tapyas ng bato, sa ikalawang pagkakataon sinulat Niya ang Sampung Utos.
Ang daliri ng Diyos sa Juan 8:6,8 ay tumutukoy sa katotohanan na si Jesus, Diyos sa laman, ay ang Persona na naghayag ng Kautusan. Siya ang Tagabigay ng Kautusan. Ang pagpapahayag, otoridad at ang kapangyarihan ay nagmula sa Kaniya. Ang kalabanin Siya ay ang kalabanin ang Kautusan ni Moises, nauunawaan man nila ito o hindi.
Ang Sampung Salot ng Egipto Bilang Daliri ng Diyos (Exodo 8:19)
Nagawang gayahin ng mga mahikong Egipcio ang sampung salot na pinadala ng Diyos sapamamagitan ni Moises at Aaron. Ngunit hindi nila magaya ang salot ng kuto. Sa pagkakataong ito nabanggit ng mga mahiko, “Ito ay daliri ng Diyos” (Exod 8:19). Siguradong alam ng mga mahikong Egipcio na ang lahat ng mga salot ay daliri ng Diyos. Ngunit nang hindi nila magaya ang salot na ito, napaamin sila, “Ito ay daliri ng Diyos.”
Ang ideya ay dakilang kapangyarihan. Mas malaki ang kapangyarihan sa daliro ng Diyos kaysa sa buong katawan ng tao o kahit sa buong bansa gaano man kakapangyarihan.
Ang daliri ng Diyos ay larawan ng dakilang kapangyarihan.
Nagpalayas ng mga Demonyo si Jesus Gamit ang Daliri ng Diyos (Lukas 11:20)
Nang magpalayas si Jesus ng mga demonyo, Siya ay inakusahan na ito ay Kaniyang nagawa sa kapangyarihan ng prinsipe ng mga demonyo, hindi sa kapangyarihan ng Diyos (Lukas 11:15). Bilang bahagi ng Kaniyang kasagutan, ang Panginoong Jesus ay nabigay ng pahayag, ”Nguni’t kung sa pamamagitan ng daliri ng Dios ay nagpapalabas ako ng mga demonio, dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios” (Lukas 11:20). Minsan pa ang daliri ng Diyos ay larawan ng walang hanggan kapangyarihan ng Diyos.
Kabalintunaan ng mga konklusyon ng karamihan sa Kaniyang tagapakinig, ang mga mapagmasid na Judio ay dapat makita na sa Kaniyang pagpapalayas ng mga demonyo, ang katunayan na “ang kaharian ng Diyos ay dumating na sa kanila.” Ni minsan walang nabanggit ang Lumang Tipan (OT) na isang sinaniban ng demonyo o iniwan ng mga ito. Malinaw na ito ang unang beses sa kasaysayan na may sinaniban ng mga demonyo at ang mga ito ay napalayas. Ito ay dapat magpakita na si Jesus nga ang Mesiyas at Siya ay nag-aalok ng kaharian sa henerasyong iyan ng mga Judio.
Ang Sulat Kamay sa Haligi sa Daniel 5 (Dan 5:5, 24)
Hindi nabanggit kung ito ay kamay ng Diyos o kung ito Kaniyang daliri. Ang tanging nabanggit ay “mga daliri ng kamay ng isang tao” (Dan 5:5) at ‘’ang bahagi nga ng kamay” (Dan 5:24). Bagama’t sinabi ni Daniel ang “mga daliri ng kamay ay sinugo mula sa Kaniya (i. e. mula sa Diyos)”, hindi nangangahulugan na ito ay mga daliri ng Diyos.
Sa tingin ko hindi maganda na ipilit ang sitas na ito upang magturo ng parehong larawan. Ang kamay ay maaaring kamay na walang dugtong na katawan na tila pinahihiwatig ng Kasulatan. O ito ay maaaring kamay ng isang anghel (alalahanin na ang mga anghel ay madalas magpakita bilang mga tao sa Lumang Tipan), at ang natitirang bahagi ng kaniyang katawan ay hindi nakikita. Ang ipilit na ito ay kamay ng Diyos (i. e. ni Jesu-Kristo bago magsalaman) ay pagbibigay kahulugan nang labas sa Kasulatan. Malinaw na ang mensahe ay mula sa Diyos. Ngunit hindi nangangahulugan na ito ay isa pang sitas tungkol sa daliri ng Diyos.
Pagbubuod
Ang daliri ng Diyos ay isang pangunahing larawan ng hindi nasusukat na kapangyarihan ng Diyos. Ang Kaniyang mga daliri ay higit na makapangyarihan kaysa sa lahat ng mga tao sa buong mundo, kaysa sa lahat ng mga nahulog na anghel at mga demonyo, kaysa sa anumang kapangyarihan sa sansinukob. Ang daliri ng Diyos ay larawan ng Kaniyang soberanya.
Sa Sinai at sa kwento ng babaeng nahuling nangangalunya sa Juan 8, ang daliri ng Diyos ay tumitingin sa Kanyang kapangyarihang magpahayag. Ang Anak ng Diyos ay ang ilaw ng sanlibutan, at sa ganuon ay inihayag Niya ang Kautusan ni Moises sa Israel at muli Niya itong pinaliwang sa Kaniyang tagapakinig na Judio nang unang siglo.
Kakunti lamang ang mga sitas ng Kasulatan na nagbabanggit ng daliri ng Diyos. Ngunit ang ilang nabanggit ay nagtuturo sa atin ng paggalang sa kapangyarihan at kadakilaan ng Diyos.