Kamakailan may nabasa akong ilang mga pahayag ni Samuel Harris, isa sa mga pinuno ng tinatawag na New Atheism (Bagong Ateismo).Gaya ng ipinahihiwatig ng label, isa siyang hayag na kritiko ng Biblikal na Cristianismo. May sinabi siya sa kaniyang artikulong umagaw sa aking atensiyon. Sa isang punto, kaniyang hinayag na ang isang Cristiano ay “naniniwalang si Jesus ang Anak ng Diyos a tanging ang mga naglagak ng kanilang pananampalataya kay Jesus ang makasusumpong ng kaligtasan matapos ng kamatayan.” Nasumpungan nila ito dahil sila “ay naniniwalang ang mga proposisyong ito ay totoo” (Sam Harris, Letters to a Christian Nation [New York, Vintage Publishing, 2008], 3.)
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Harris sa titulong “Anak ng Diyos.” Tila nauunawaan niya ito sa parehong paraan ng pagkaunawa sa Ebanghelyo ni Juan- na si Jesus ang Cristo. Anupaman, nasumpungan kong kagilagilalas ang kaniyang mga pahayag. Kinilala niya ang sinabi ng Biblia. Sa pagpahayag niya ng doktrinang Cristiano, sinabi niyang ang isang tao ay nagtatamo ng kaligtasan sa pananampalataya kay Jesus lamang. Malinaw na sa kaligtasan ang pinakahuhulugan ni Harris ay kaligtasan mula sa lawa ng apoy. Pinahayag niya ito sa parehong pahina nang kaniyang sabihing ang mga hindi nanampalataya ay “maghihirap sa walang hanggang apoy” (Mat 25:41). Ang kaligtasan ito ay natamo dahil ang Cristiano ay naniwalang ang ilang “mga proposisyon ay totoo.” Ang mga proposisyong ito ay si Jesus ang Personang maaaring magbigay ng kaligtasang ito at ito ay binigay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kaniya.
Ang makikita rito ay may mas maiging pagkaunawa si Harris sa sinasabi ng Biblia kaysa sa maraming mga ebangheliko ngayon. Totoong hindi natin alam kung ano ang masasabi ni Harris tungkol sa katiyakan ng kaligtasang ito. Ngunit maraming mga ebangheliko ang magsasabing ang kaligtasan mula sa lawa ng apoy ay binigay lamang sa mga nagsisi ng kanilang mga kasalanan, nagtalagang sumunod sa Panginoon, at nagtitiis sa paggawa ng mabubuting mga gawa. Hindi ito resulta ng simpleng pananampalaatya sa ilang “mga proposisyong totoo.” Hindi nga ba’t ito ay isa lamang simpleng pagsang-ayong mental, at ang pagsang-ayong mental ay hindi sapat para makaligtas. Hindi kabilang sa pagsang-ayong mental lamang ang pagsisisi, pagtatalaga at pagtitiis.
Siyempre may ilang magtuturong ang halimbawa ni Harris ay isang dahilan upang atakehin ang Free Grace Theology. Sasabihin nilang nauunawaan niya ang mga proposisyong ito. Ang Free Grace Theology, sasabihin ng mga kritikong ito, ay nagdedeklarang ito ay sapat at si Harris ay nasa kaharian. Nauunawaan ni Harris na ang tao ay kailangang sumang-ayon mental upang maligtas. Sa katotohanan, alam niya ang mga katotohanan.
Ito ay isang maling karakterisasyon ng Free Grace Theology. Oo, tila tama si Harris sa paghayag ng mabuting balita ng buhay na walang hanggan gaya ng prinesenta ng Kasulatan. Ngunit hindi niya ito sinampalatayahan. Sa katotohanan, sa aklat na sinipi sa itaas dinagdag niyang tiyak na hindi siya naniniwala rito. Dinagdag niyang dahil hindi siya naniniwala, siya ay hindi ligtas ayon sa doktrinang Cristiano. Sinasabi niyang anumang debate ay dapat magsimula sa puntong iyan.
Kahit si Harris, ay nakikita ang pagkakaiba ng pagkaunawa ng nagliligtas na mga proposisyon- gaya ni Harris- at ang paniniwala sa mga ito. Kung ang pagsang-ayong mental ay nangangahulugang pagkaunawa ng pinag-uusapang mga proposisyon, ang mental na pagsang-ayon ay hindi naglilgitas. Ngunit kung ang mental na pagsang-ayon ay nangangahulugang ang tao ay naniniwalang ang mga proposisyong ito ay totoo, sa kaso ng mabuting balita ng buhay na walang hanggan, ito nga ay nagliligtas. Ang sinumang tao ay tatanggap ng kaligtasang ito kung sila ay nakumbinseng si Jesus ang Cristong naggagarantiya ng buhay na walang hanggan sa sinumang sumampalataya sa Kaniya para rito.
Nakalulungkot na nauunawaan ni Harris kung ano ang totoo ngunit hindi siya kumbinsido na totoo nga ito. Nakagigilalas na ginawa ng Panginoong simple ang mabuting balita ito upang maunawaan na kahit ang isang radikal na hindi mananampalatayang kaaway ng katotohanan ay makatitingin sa Kasulatan at nauunawaan ang sinasabi ng Panginoon. Subalit, nakalulungkot ding maraming nagsasabing sila ay naghahayag ng katotohanan ngunit hindi taglay ang pagkaunawang ito.