Kamakailang may nakita akong isang bidyu na sigurado akong marami sa inyong nakakita rin. Isang batang ina ang tinutulak ang kaniyang anak sa isang carriage sa isang kalsada sa isang malaking siyudad sa US. Isang drayber ng kotse ang sinadyang lumiko upang banggain ang babae at ang kaniyang anak. Hindi ninyo makikita ang baby ngunit makikita ninyo ang inang tumilapon na mataas sa hangin, bago bumagsak sa semento. Ang carriage ay natulak sa isang haligi bago natumba sa lupa.
Ito ay kahilahilakbot. Ngunit ang sumunod na nangyari ay sa isang diwa kahanga-hanga. Magtataka ka kung ang ina ay mabubuhay, ngunit mabilis siyang tumayo at tumakbo patungo sa carriage ni baby. Walang sinayang na segundo upang tiyakin kung siya ay may sugat. May nabali ba siyang mga buto? Sa kaniyang galit, hindi ba niya nais ang plaka ng kotseng bumangga sa kaniya at sa kaniyang baby? Hindi mahalaga ang mga bagay na ito. Para sa kaniya ang tangi niyang alalahanin ay ang malapitan ang anak at matiyak na siya ay okey. Kung hindi, gagawin niya ang lahat ng kinakailangan upang maibigay ang pangangalagang kaniyang kinakailangan. Ang kaniyang sariling kundisyon ay ni hindi pumasok sa kaniyang sariling isipan. Malinaw na hangga’t siya ay nabubuhay, tatayo at tatakbo siya sa dalawang baling buto kung kinakailangan upang alagaan ang kaniyang anak. Titiyakin ng kaniyang adrenaline na mangyayari ito. Sa kasong ito, salamat na lamang, at ang baby ay hindi nagtamo ng malubhang sugat.
Sinabi kong ito ay kahanga-hanga sa isang diwa. Ang kaniyang aksiyon ay talagang kakaiba. Ngunit sa isang diwa, walang sinumang nakakita ng bidyu ang nasorpresa. Lahat tayo ay nakakita kung paanong kumilos ang pagmamahal ng isang ina. Alam nating ang isang babaeng may timbang lamang na 100 pound ay lalabanan ang isang kampeon na heavyweight kung siya ay banta sa kaniyang anak. Mamamatay siya kung kinakailangan kung nasa kapahamakan ang kaniyang anak. Mayroon tayong kasabihan para rito: “Huwag mong papatulan ang mamang oso.” Totoo ito kahit pa size 2 lang ang osong iyan.
Ang propeta Isaias ay nagbabanggit ng halos unibersal na katotohanang ito. Sinabi niya, “Malilimot ba ng isang babae ang kaniyang pasusuhing anak, at hindi makararanas ng pagmamahal sa anak ng kaniyang sinapupunan?” (Isa 49:15). Ang inaasahang sagot ay, “hindi kailan man.” Ang isang babaeng hindi ilalagay ang pangangalaga ng kaniyang anak muna- higit pa kaysa pansariling buhay at kaligtasan- iyan ang hindi natural. Iyan ay isang kakaibang bagay na makita.
Ngunit ang pinakamagandang parte ay ang sunod na sinabi ni Isaias. Sinabi niyang kahit pa na makakita tayo ng isang pabayang ina, isang bagay ang hind natin makikita. Hindi kailan man kalilimutan ng Diyos ang Kaniyang mga anak. Ang Kaniyang pag-ibig sa kanila ay mas malaki pa kaysa pag-ibig ng isang ina sa kaniyang anak.
May ilang pagkakaiba sa pagitan ng mga anak ng Diyos, ang mga Judio, sa Isaias (Jer 31:20) at ng baby sa bidyu. Ang baby ay walang ginawang mali. Ngunit kahit pa oo, ang kaniyang ina ay tutugon sa parehong paraan. Ang mga Judio, sa kabilang dako, ay gumawa ng mali. Sila ay tinapon sa Babylonia dahil sa kanilang mga kasalanan. Sila ay dinidisiplina ng kanilang Magulang sa langit. Sa analohiya, dapat lang sanang itapon sila sa haliging adobe. Sila ngayon ay naghihimutok na kinalimutan na sila ng Diyos at ang Diyos ay hindi nagmamalasakit. Ngunit hindi ito totoo. Dadalhin sila ng Diyos pabalik sa pagkatapon. Higit pa diya, ipadadala Niya ang Cristo at itataas ang bansa sa Kaniyang darating na kaharian. Gaya ng pag-ibig ng isang ina para sa kaniyang anak, ang pag-ibig Niya para sa kanila ay nananatili.
Bilang mga mananampalataya, ang mga Cristiano ay mga anak ng Diyos (1 Juan 3:1). Kahit pa makagawa tayo ng mali, ang Kaniyang pag-ibig sa atin ay hindi nagbabago. Naiibigan ko kung paano kumilos ang ina. Hindi ito macho sabihin, ngunit ito ang katotohanan: Ito ay larawan ng ng pag-iingat, pag-aaruga at pag-ibig ng Panginoon para sa akin. Bilang Kaniyang anak, ako ay tila baby sa carriage na iyan. Maaaring hindi ko maunawaan kung bakit may mga nangyayaring mga bagay. O gaya ng Israel, marahil ako mismo ang nagdala ng kalamidad sa aking sariling buhay dahil sa aking sariling mga kilos. Ngunit alam ko ang Isang may kontrol ng carriage na laging nasa puso ang aking kapakanan. Darating Siya upang alalayan ako. Mahal Niya ako.
Maaari tayong manuod mula sa malayo at humanga sa pag-ibig ng isang ina sa kaniyang anak. Hangaan din natin ang mas malaking pag-ibig ng Diyos para sa atin.