Sinulat ni L. A.:
Hi Bob, narinig ko si James White na nagsabing ang mga hindi Calvinista o ang mga taong hindi naniniwala sa kahalalan para sa buhay na walang hanggan, ay sa totoo lamang ay nagsasabing ang kaligtasan ay hindi talaga lahat sa Diyos, dahil ang kanilang pananampalataya ay may dinaragdag sa kanilang kaligtasan.
Nasorpresa akong sumang-ayon si John MacArthur. Nagbigay siya ng sermon sa pinakamumuhiang doktrina, kung saan kinimpal niya sa iisang lugar ang mga taong hindi naniniwalang ang pananampalataya ay binigay ng Diyos sa mga halal kasama ng mga relihiyong nagtuturo ng kaligtasan sa mga gawa. Sinabi niyang “may kakayahan silang tanggapin si Cristo. Maaari nilang dalhin ang ilan nilang relihiyosidad, ang ilan nilang moralidad, ang ilan nilang kabutihang pantao bilang bahagi ng kabayaran para sa kanilang kaligtasan.”
Kung ganuon, sinasabi nilang ang pananampalataya ay isang gawa, ngunit isang gawa ng Diyos dahil Siya ang nagbigay nito sa mga halal. Alam ko ang mga halatang pagtutol sa ganitong uri ng argument gaya ng pagkukumpara ni Pablo ng pananampalataya at mga gawa sa Efeso 2:8-9.
Maaari kayang ang problema ay ginagawa ng ilang tao ang pananampalataya bilang higit sa simpleng pananampalataya? Kung ang pananampalataya ay may kasamang mabubuting gawa, o pagtalikod sa mga kasalanan, makikita kung saan nagsisimulang lumabo ang mga bagay.
Ngunit kung ang pananamapalataya ay pananampalatayang ang isang bagay ay totoo, walang sinumang makaaakusa na ito ay isang gawa. Walang sinumang nagsasabing ang pagpulot ng basura sa gilid ng isang kalsada ay isang gawa. Tanging ang pagtungo at pagpulot ng basura sa gilid ng kalsada ang matuturing na gawa.
Ano sa tingin mo? Anong iba pang sitas ang magagamit upang labanan ang ganitong argument? Mali ba ang aking pagkaunawa, ngunit tila sinasabi nilang hindi ka talaga ligtas malibang naniniwala kang ang Diyos ang nagbibigay sa iyo ng kaligtasan. Salamat sa iyong ministeryo at sa pagsagot sa aming mga tanong.
Sa tingin ko ang label na madaliang pananampalataya ay hindi wastong paglalarawan ng posisyung Free Grace. Tingnan dito para sa isang 7-minutong video ko tungkol sa tanong na ito.
Subalit natatawa ako na ang mga taong nag-aakusa sa ating nagtuturo ng madaliang pananampalataya ay nag-aakusa rin sa atin ng kaligtasan sa mga gawa! Ang parehong taong pumupuna sa atin sa pagsasabing hindi na kailangan ng isang taong magtiis sa pananampalataya at mabubuting gawa upang matamo ang tinatawag nilang pinal na kaligtasan, ay inaakusahan din tayo ng pagsasabing ang pananampalataya kay Cristo ay kinakailangan at ito ay hindi regalo ng Diyos.
Tama si L. A. sa kaniyang pagsusuri. Kung ang pananampalataya at ang mga gawa ay ekslusibo sa bawat isa, ang pananampalataya ay hindi gawa. Ngunit hindi nakikita ng Lordship Salvation ang dalawa bilang ekslusibo sa bawat isa. Ayon sa Lordship Salvation, ang pagtitiis sa mabubuting gawa ay kinakailangan upang makapasok sa kaharian ni Cristo.
Narito ang ilan sa mga sitas na maaari mong gamitin. Ayon sa Efeso 2:8-9 ang kaligtasan ay regalo ng Diyos na natamo sa pamamagitan ng pananampalataya hiwalay sa mga gawa.
Pinaghihiwalay ng Roma 4:4-5 ang pananampalataya para sa pag-aaring matuwid bilang regalo ng biyaya at ang mga gawa bilang isang utang ng Diyos.
Sinabi ng Panginoon sa Juan 6:28-29 na ang tanging “gawa” (aksiyon) na maaaring gawin ng sinuman upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya sa Kaniya, na sinugo ng Diyos Ama.
Mahalagang pansining ang Panginoong Jesus at ang Apostol Pablo ay hindi sinasalungat ang bawat isa. Nang binanggit ni Pablo ang mga gawa, tinutukoy niya ang mga akisyong ating ginagawa upang sundin ang Diyos. Ngunit hindi binibilang ni Pablo ang pananampalataya bilang isang gawa (Roma 4:4-5; Efeso 2:8-9). Ganuon din ang Panginoon. Marahil ginagamit ng Panginoon ang ekspresiyong ang gawa ng Diyos bilang isang ironiya. Inaasahan Niyang mauunawaan ng Kaniyang mga tagapakinig na walang mga gawa, pangmaramihan, na magbubukas ng pintuan ng langit. Ang tanging “gawa” na nagreresulta sa buhay na walang hanggan ay ang pananampalataya sa Panginoong Jesucristo.
Sinabi ng Panginoon sa huling aklat ng Biblia na ang sinumang nauuhaw ay maaaring tumanggap ng tubig ng buhay nang libre-samakatuwid bilang isang regalo (Pah 22:17).
Ngunit bakit ang ilang tao ay ayaw manampalataya? Ito ba ay dahil hindi sila binigyan ng DIyos ng regalo? Hindi! Ito ay dahil sa ayaw nilang manampalataya. Sinabi ni Jesus, “ Saliksikin ninyo ang mga Kasulatan, sapagkat iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw kayong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 6:39-40).
Tingnan din ang Mat 23:37-39 kung saan sinabi ng Panginoon na maaari Niya sanang dalhin na ang kaharian ngunit ang Israel ay ayaw.
Ang Calvinismo ay isang maingat na tinatag na teolohiya. Hindi ito tinatag ni Calvin. Siya ang nagpasimulang magpagulong ng bola. Ngunit ang mga sumunod sa kaniya ang lumikha ng isang komplikadong sistema ng pag-iisip. Nakalulungkot, ngunit ang Calvinismo ay isang maingat na likha ng mga tao. Hindi binigay ng Diyos ang Calvinismo. Ito ay galing sa mga tao.
Maraming salungatan sa Calvinismo. Isa sa kanila ay ang argumentong ang mga tao mismo ay hindi nananampalataya kay Cristo; sa halip, ang Diyos ang nananampalataya kay Cristo para sa kanila. Hindi rin tayo gumagawa ng mabubuting mga gawa; ang Diyos ang gumagawa ng mabubuting gawa para sa atin. Hindi rin tayo nagtitiis; ang Diyos ang nagtitiis para sa atin. Subalit, kailangan ding sabihin ng mga Calvinistang ang mga halal ay dapat balaan na kung sila ay hindi magtitiis sa mabubuting gawa, sila ay habambuhay na hahatulan. Tinatawag nila ito bilang isang hiwaga- isa sa napakaraming makikita sa tinatawag kong Kahon ng Hiwaga ng mga Calvinista. Tingnan dito para sa isa kong artikulo tungkol sa Kahon ng Hiwaga ng Calvinismo.