Sa malaking bahagi ng aking buhay, ako ay nakisalumuha sa iba’t ibang simbahang Evangeliko. Sa lahat ng mga ito, may malaking empasis sa kaligtasan mula sa impiyerno, samakatuwid mula sa lawa ng apoy. Ligtas sabihing mayoridad ng mga mensaheng tinuturo sa mga simbahang ito ay umiikot sa temang ito.
Ang kaligtasang walang hanggan ay walang duda isang mahalagang paksa. Subalit, ang matinding empasis dito ay nagiging dahilan upang makita ito kahit wala naman. Ang mga taong laging binobomba ng pangangailangang maligtas mula sa impiyerno ay wala ng ibang nakikita sa Kasulatan. Hindi nila natatanto na marami pang bagay na tinuturo ang Biblia. Mahahalaga rin ang mga ito.
Isang halimbawa ng aking sinasabi ay Tito 3:4-7. Sa mga sitas na ito, binanggit ni Pablo ang ating Tagapagligtas, kahabagan ng Diyos, na niligtas tayo ng Diyos, paghuhugas ng muling kapanganakan, pagbabago ng Espiritu Santo, inaring matuwid, na tayo ay mga tagapagmana, at tayo ay may pag-asa ng buhay na walang hanggan.
Kumpiyansa akong kapag tinanong ninyo ang mga Evangelikong ito kung ano ang pinag-uusapan dito, halos lahat ay magsasabing ito ay tungkol sa kaligtasan mula sa impiyerno. Si Jesus ang ating Tagapagligtas na nagpakita sa atin ng kahabagan at nagligtas sa atin mula lawa ng apoy. Sa ginawa Niyang ito, binigay Niya sa atin ang Espiritu Santo, na nangangahulugang tayo ay mga tagapagmana ng Diyos at may pag-asa ng pagtungo sa langin ngayon. Dahil sa pangungundisyon sa ating mga simbahan, ito lamang ang tangi nilang nakikita.
Gusto kong imungkahi na mayroon pang higit sa mga sitas na ito kaysa nakikita ng matang Evangeliko. Oo, binigyan tayo ng Diyos ng buhay na walang hanggan sa Kaniyang biyaya nang tayo ay manampalataya kay Jesucristo para rito. Oo, ito ay resulta ng Kaniyang pag-ibig at kahabagan sa atin. Wala itong kinalaman sa “mga gawa ng katuwiran” na ating ginawa, bago at matapos tayong manampalataya (v5).
Ngunit ang empasis ni Pablo sa mga sitas na ito ay nasa ibang bagay. Sa v1-3, tinuro ni Pablo sa mga Cristiano sa isla ng Creta na mamuhay nang maka-Diyos na pamumuhay at maging matiisin sa mga hindi. Sa v8, sinabihan niya silang maging masikap sa paggawa ng mabubuting gawa. Sa madaling salita, bago at matapos talakayin ni Pablo ang kanilang kaligtasan, sinabihan niya ang mga mananampalatayang ito na lumakad sa pagsunod.
Ano ang koneksiyon? Dahil sa ating pananampalataya kay Cristo, mayroon tayong buhay na walang hanggan na hind maiwawala. Ngunit ang kahanga-hangang kaloob na ito ay may kasamang iba pang kahanga-hangang benepisyo. Niligtas din tayo ng Panginoon mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Hindi na natin kailangang paglingkuran ito. Makakalakad na tayo sa pagsunod. Ang ating bagong kapanganakan ay ang paraan upang maranasan natin ang “paghuhugas” ng ating dating mga kasalanan. Mararanasan natin ang pagbabago ng ating isipan sa pamamagitan ng Espiritu na nananahan sa atin (Roma 12:1-2). Hindi natin kailangang mamuhay gaya nang dati.
Kung makapamumuhay tayo nang gay anito, tayo ay magiging tagpagmanang kasama ni Cristo sa mundong darating (Roma 8:17). Ang buhay na ito ay nag-aabang sa araw na ang buhay na walang hanggan na taglay na natin kay Cristo ay mararanasan sa mga katawang niluwalhati. Ang buhay na ito ay masaganang mararanasan sa Kaniyang kaharian. Ito ay may dakilang gantimpala.
Ang ating kaligtasan mula sa impiyerno ang pinakadakilang regalong maiisip ng isang tao. Ngunit gaano man ito kadakila, mas dakila pa ito kaysa naiisip ng karamihang Evangeliko. Maraming binigay ang Diyos sa atin. Ang Tito 3:4-7 ay isang sandali ng aral para sa atin. Kailangan nating siyasatin ang Kasulatan nang walang tradisyunal na piring sa ating mga mata. Masusumpungan nating ang Tagapagligtas ay mas kahanga-hanga kaysa ating iniisip.