“At sumampalataya siya [si Abraham] sa Panginoon; at ito’y ibinilang na katuwiran sa kaniya” (Gen 15:6).
Ano ang isandaan sa pinakasignipikanteng mga salita sa Biblia?i Sa aking listahan, ang pinakauna kung aayusin ayon sa alpabeto ay Abraham. Habang nagtuturo tungkol sa kaniya sa Sunday School, nagbigay ako ng anim ng patunay na si Abraham ay nanampalataya kay Jesucristo para sa kaniyang kaligtasan. Ang mga patunay na ito ay hindi nangangailangan ng kaalaman ng Hebreo o ng Griyego ngunit maraming tao ang hindi nakakabatid ng mga ito.
Unang patunay: Sinabi ni Pablong nanampalataya si Abraham kay Jesus para sa katuwiran. Pareho sa Roma 4:1-5 at Gal 3:6-14, sinipi ni Pablo ang Gen 15:6 bilang patunay na ang katuwiran ay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo, hiwalay sa mga gawa ay totoo. Kung si Abraham ay may generikong pananampalataya sa pag-iral ng Diyos o kahit sa Diyos bilang kaniyang Tagapagligtas, hindi siya magiging halimbawa ng pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo!
Ikalawang patunay: Inapirma ni Santiago na nanampalataya si Abraham kay Jesus para sa katuwiran. Sinipi ng hating-kapatid ng Panginoon ang Gen 15:6 upang patunayang nanampalataya si Abraham sa Panginoong Jesucristo para sa kaniyang katuwiran: “At natupad ang kasulatan na nagsasabiii, At si Abraham ay sumampalataya sa Dios, at yao’y ibinilang na katuwiran sa kaniya; at siya’y tinawag na kaibigan ng Dios” (San 2:23).
Ikatlong patunay: Inapirma ni Jesus na nanampalataya si Abraham sa Kaniya para sa kaniyang eternal na kapalaran. Dinala ng Panginoon ang isang maliit na grupo ng mga Judio sa pananampalataya sa Kaniya (Juan 8:30-32). Ang mas malaking madla ay nakipagtalo sa Kaniya at kinutya Siya, at pumulot ng mga bato upang patayin Siya (Juan 8:33-59). Inangkin nilang sila ay mga anak ni Abraham (Juan 8:33). Sinabi nila, “Si Abraham ang aming ama” (Juan 8:39). Sinalungat sila ng Panginoong Jesus na nanampalataya si Abraham sa Kaniya: “Ang inyong amang si Abraham ay nagalak na makita ang Aking araw, at nakita niya ito at nagalak.” Nang sinabi ng Panginoong, “Ang inyong amang si Abraham,” malamang puno ng sarkasmo ang Kaniyang tinig. Kung si Abraham ang kanilang espirituwal na ama, magagalak silang makita ang araw ni Jesus.
Ang ekspresyong Aking araw ay tumutukoy sa Ikalawang Pagbabalik ni Jesus upang itatag ang Kaniyang kaharian sa lupa. Kapag tayo ay nanalanging, “Dumating ang Iyong kaharian,” nagagalak din tayon makita ang Kaniyang araw.
Ikaapat na patunay: Ang awtor ng Hebreo ay nagpahiwatig na nanampalataya si Abraham kay Jesus para sa kaniyang eternal na tahanan. Ang Hebreo 11 ay ang “Bulwagan ng Mga Tanyag ng mga Hebreo.” Patungkol kay Abraham, sinulat ng awtor ng Hebreo: “Sa pananampalataya siya’y naging manglalakbay sa lupang pangako, na gaya sa hindi niya sariling lupa, at tumahan sa mga tolda na kasama si Isaac at si Jacob, na mga tagapagmana ng isang pangako na kasama niya: Sapagka’t inaasahan niya ang bayang may mga kinasasaligan, na ang nagtayo at gumawa ay ang Dios” (Heb 11:9-10). Nanampalataya si Abraham sa Mesiyas para sa kaniyang eternal na kapalaran, kabilang na ang paninirahang kasama Niya sa Bagong Jerusalem.iii
Ikalimang patunay: Nakaharap ni Abraham si Jesucristo nang makailang ulit. Bawat pagtatagpo ni Abraham sa Diyos, kaharap niya ang Panginoong Jesucristo bago Siya nagkatawang tao. Nakipag-usap Siya sa kaniya sa Gen 12:1-3 nang kaniyang tanggapin ang pangako ng pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya sa Mesiyas (cf Gal 3:8). Muli, nakipag-usap si Abraham sa Kaniya sa Gen 15:1-6 nang Kaniyang ipinangakong ang Mesiyas ay manggagaling sa kaniya at kay Sarah. Ang Panginoon ay nakipagtagpo kay Abraham sa Gen 17 nang Kaniyang ibigay ang tanda ng pagtutuli at ang pag-ulit ng pangako na siya at si Sarah ay magkakaroon ng anak. Bago Niya winasak ang Sodoma at Gomora, nakipagtagpo at nakihapon ang Panginoong Jesus kay Abraham (Gen 18). Nakipagtapo Siya kay Abraham pagkapanganak ni Isaac (Gen 21:12-13). Nang si Isaac ay nasa edad sampo (sapat nang gulang upang magdala ng kahoy para sa paghahandog), ang Panginoong Jesus ay nag-utos sa kaniyang sunugin ang kaniyang anak bilang “handog na susunugin” (Gen 22:2). Sumunod si Abraham at pinigilan siya ng Panginoong Jesus bago niya “inunat ang kaniyang kamay at kinuha ang patalim upang patayin ang kaniyang anak” (Gen 22:10-11).
Ikaanim na patunay: Nang siya ay namatay na, ibinahagi ni Abraham ang kaniyang pananampalataya kay Jesucristo sa mayamang lalaki sa Hades. Ang Lukas 16:19-31 ay hindi parabula sapagkat pinangalanan nito si Abraham at Lazaro. Walang parabula ang nagbabanggit ng pangalan. Ikinuwento ng Panginoon ang pakikipag-usap ni Abraham sa mayamang lalaking iniisip na ang pagsisisi ay ang paraan upang iwasan ang pagdurusa sa Hades. Ang daan sa paraiso ay ang pananampalataya kay Jesucristo, Siyang tinutukoy ni Moises at ng mga propetaiv (Lukas 16:31).v
Tinawag si Abraham na kaibigan ng Diyos (San 2:23) dahil siya ay kaibigan ng Anak ng Diyos, ang Panginoong Jesucristo.
Hindi natin nakita si Jesus. Si Abraham oo. Nanampalataya siya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan.
Manatiling nakapokus sa biyaya.
_______________________
i. Siyempre, bawat salita sa Kasulatan ay marapat ng ating maingat na pagsusuri. Ngunit ang ilang mga salita ay may espesyal na signipikansiya.
ii. Nagkomento si Hodges, “Ang mga gawa ni Abraham ay nagbigay ng punong kahulugan sa sinaunang tekstong ito, sa pagpapakita ng lawak ng pag-unlad ng pananampalataya ng Gen 15:6 at sumusuporta sa buhay ng pagsunod. Bagama’t simple at hindi komplikado sa simula, ang nagmamatuwid na pananampalataya ni Abraham ay may maraming potensiyal na ramipikasyon na tanging ang kaniyang mga gawa, na nakatindig dito, ang magpapakita” (James, p. 69).
iii. Binigkis ng Hebreo 12:1-2 ang pananampalataya ng mga mananagumpay sa LT sa pananampalataya kay Cristo. Hindi lamang Siya ang May-akda at Tagasakdal ng ating pananampalataya. Siya rin ang kanilang May-akda at Tagasakdal ng kanilang pananampalataya.
iv. Namatay si Abraham bago sumulat si Moises at ang mga propeta. Samantalang siya ay nasa paraiso, nalaman niya ang knailang mga sinulat at ginamit ang kaalamang ito.
v. Sinabi rin ng Panginoong Jesus na si Moises at ang mga propeta ay nagpatotoo patungkol sa Kaniya (Lukas 24:27, 44; Juan 5:39, 46).