Ang John Hopskins University, Ottawa University at Southern Methodist University ay pare-parehong may motto na saling Latino ng “Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo”: Veritas Liberabit Vos.
Isa ito sa pinakakilala, ngunit isa rin sa pinaka hindi nauunawang kasabihan ni Jesus.
Sa Juan 8:30, sinabihan tayo ni Juan, “Samantalang sinasabi Niya ang mga bagay na ito, ay maraming nagsisampalataya sa Kaniya.”
Ang mga salitang, “maraming nagsisampalataya sa Kaniya” ay kapareho ng nasumpungan natin sa Juan 3:16. Dahil ang lahat ng nanampalataya sa Kaniya ay may buhay na walang hanggan, alam nating ang mga taong kinakausap ni Jesus sa v 31 ay mga mananampalataya.
Ngunit maraming mga komentarista ang nagsasabing ang v 30 at v31 ay hindi tumutukoy sa mga “tunay” na mananampalataya.i Bakit? Mayroon silang apat na dahilan:
- Ang sinabi ni Jesus tungkol sa pananahan,
- Ang Kaniyang sinabi tungkol sa pagiging alagad Niya,
- Ang Kaniyang sinabi tungkol sa pagiging malaya, at
- Ang sumusunod na masakit na dayalogo sa natitirang bahagi ng kabanata.
Ngunit sangkot diyan ang maling pagkaunawa ng lahat ng apat na puntos.
Pananahan. Ang manahan ay ang manatili o tumirang kasama ng isa. Ito ay masusumpungan sa Juan 15 at sa unang epistula ni Juan. Ang mga mananampalataya ay inutusang manahan sa Salita ni Cristo at manatiling kasama Niya. Ngunit ang dalawa ay hindi garantiya o kundisyon ng buhay na walang hanggan. Ito ay kundisyon ng pagiging alagad.
Alam natin sa 1 Juan 1:7-9 na ang manahan sa Kaniyang mga salita ay nangangahulugang hindi lamang paglalakad sa liwanag ng Kaniyang mga salita (1 Juan 1:7), kundi ang pagkumpisal ng ating mga kasalanan kapag tayo ay nakabatid ng mga ito (1 Juan 1:9). Kung tayo ay naglalakad sa liwanag, hindi natin itatanggi ang ating kasalanan. Aaminin natin ito, at iyan ay bahagi ng proseso ng transpormasyon habang tayo ay nananahan kay Cristo.
Pagiging alagad ni Jesus. ang alagad ay hindi parehong bagay ng pagiging mananampalataya, gaya ng malinaw na pinakikita ng mga sitas na ito. Ang alagad ay isang mag-aaral. Kung ikaw ay mananampalatayang sangkot sa isang pagtuturong Cristiano, ikaw ay isang alagad ni Jesus. Ngunit, kung ikaw ay tumigil sa pagsunod kay Cristo at pag-aaral tungkol sa Kaniya, mananatili kang mananampalataya ngunit hindi ka na isang alagad, isang mag-aaral. Upang maging alagad ni Cristo, kailangan niyang manahan sa Kaniyang mga turo.
Pagiging malaya. Ang isyu rito ay hindi ang paglaya mula sa eternal na kahatulan. Ang isyu ay paglaya mula sa pagkatanikala sa kasalanan gaya ng pinapakita ng vv 33-36.
Ang mga hindi mananampalataya ay alipin ng kasalanan, at kung hindi manampalataya kay Jesus bago mamatay, sila ay tutungo sa libingang nananatiling alipin. Tingnan ang Juan 8:21, 24. Ikumpara ang Roma 6:18.
Kapag ang tao ay nakarating sa pananampalataya kay Cristo, hindi na siya alipin ng kasalanan sa kaniyang posisyun. Mayroon na siyang bagong panginoon. Ngunit upang makilala ang kalayaan sa kaniyang karanasan, ang mananampalataya ay dapat manahan kay Cristo at sa Kaniyang mga aral. Ikumpara ang Roma 6:19.
Ang kumplikto sa vv 33-59. Ang mga nakikipagtalo sa v 33 at sumusunod ay hindi ang mga mananampalatayang Kaniya pa lang kinausap. Sa vv 45-46, espisipikong sinabi ng Panginoong ang mga taong ito ay hindi nanampalataya sa Kaniya. Ngunit ang mga taong kinausap Niya sa vv 31-32 ay mga mananampalataya.
Sa aking nasusulat na pagsusulit para sa aking doktorada sa DTS, tinanong ako kung paano ko ipapaliwanag na ang vv 30 at 31 ay nagpapahiwatig na kausap ni Jesus ang mga mananampalataya ngunit sa vv33-59 ay direktang nagpapahiwatig na kinakausap Niya ang mga hindi mananampalataya. Paano ninyo pagkakasunduin ang tila deperensiyang ito?
Ang sagot ay simple. Mayroong malaking madlang hindi mananampalataya at ang iba sa kanila ay nakarating sa pananampalataya. Kinausap Niya ang mga bagong mananampalataya sa vv 31-32 at kinausap Niya ang mga hindi mananampalataya sa vv 33-59.
Sinulat ni Richard Lenski, isang teologong Luterang pumanaw noong 1936 sa kaniyang komentaryo sa Juan,
Si Jesus ay may salita partikular para [sa bagong mga mananampalataya]. Kasasabi pa lang Niya ito nang ang galit na madlang Judio ay nagtaas ng karagdagang pagtutol. Nagsimula silang kumilos gaya nang una: pumili sila ng puntong tututulan (ikumpara ang v 22 at v 25; gayun din ang v 13 at v 19). Hindi na kailangang banggitin sa v 33 kung sino ang mga tutol na ito, sapagkat narinig na natin sila sa pasimula pa lamang… ang pingkian ay higit na tumitindi hanggang sa ang mga Judiong ito ay pumulot ng mga bato at iniwan sila ni Jesus (p. 628).
Ang punto ng Panginoon ay ang mga mananampalataya ay hindi awtomatikong nakalaya sa pagkatanikalan natin sa kasalanan sa ating karanasan. Kailangan nating manahan sa mga aral ni Jesus upang ating maranasan ang kalayaang ito.
Ang Biblia ay nagtuturo na ang pagsunod kay Cristo ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng pananahan sa Kaniyang mga aral. Ganuon din ang sinabi ni Jesus sa Roma 12:2. Tayo ay binabago sa pagbabago ng ating mga isipan. Ang pagiging alagad ay isang pagbabaka para sa ating mga isipan. Sinabi ni Pablo na ang espirituwal na mananampalataya ay ang nagtataglay ng “isipan ni Cristo” (1 Cor 2:!6).
Upang maging alagad ni Jesus, kailangan nating Manahan sa Kaniyang mga salita.
Ang pagiging alagad ay hindi kapareho ng kaligtasan. Iyan ay malinaw na makikita sa Juan 8:30-32. Makikita rin ito sa Roma 6-8 at sa 1 Juan at sa Galacia.
Isang tunay na makapangyarihang katotohanan ang ipinahayag ng Panginoon sa Juan 8:32. Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.
Ang tao ay nilikhang malaya. Ang tunay na kalayaan ay nagpapahintulot sa ating luwalhatiin ang Diyos at sa ganiyang paraan ay tamasahin ang kapunuan ng buhay. Nang tayo ay maipanganak na muli, tayo ay pinalaya sa pagkatanikala natin sa kasalanan sa ating posisyun. Ngunit upang maranasan ang kalayaang iyan, kailangan nating manahan kay Cristo at sa Kaniyang mga aral.
Kung tayo ay bukas at tapat sa harap ni Cristo at lumakad sa liwanag ng Kaniyang Salita, tayo ay masasangkap, sasaya at makukontento, bagama’t hindi nangangahulugang malusog at mayaman. Kung tayo ay mananahan kay Cristo, tayo ay magiging handa sa Kaniyang nalalapit na pagbabalik gaya ng sinabi ni Juan sa 1 Juan 2:28, “At ngayon mumunti kong mga anak, Manahan kayo sa Kaniya; upang kung Siya’y mahayag ay magkaroon kayo ng pagkakatiwala, at huwag tayong mangapahiya sa harapan Niya sa Kaniyang pagparito.
_______
- Tingnan halimbawa si Ed Blum (John, BKC, pp. 304-305), si Leon Morris (John, p. 404), si Raymond Brown (John, vol 1, p. 354), at si D. A. Carson (John, pp. 346-48).