Si M. H. ay may magandang tanong:
Kamakailan sinilip ko ang ilan sa iyong mga blogs kung saan tinalakay mo kung paanong ang isang tao ay kailangan lamang manampalataya kay Jesus para maligtas, kabilang na ang eternal na seguridad.
Kung ang isang tao ay naniniwalang hindi niya maiwawala ang kaniyang kaligtasan (hindi mapapahamak kailan man, hindi kailan man hahatulan, atbp) iyan ba ay tinuturing na tunay na pananampalataya kung ang pananampalatayang iyan ay hindi nakabase sa pangako ni Jesus gaya ng Juan 3:16?
Paano kung ang isang tao ay nagsasabing siya ay may walang hanggan buhay dahil kay Jesus at hind niya ito maiwawala dahil alam niyang namatay si Jesus sa krus para sa kaniyang mga kasalanan?
O paano kung sabihin nilang binigyan sila ni Jesus ng buhay na walang hanggan dahil ang Kaniyang kamatayan ay nagtatakip ng kanilang mga kasalanan at Siya ay bumangon na maguli sa ikatlong araw?
Mahalaga ba ang dahilan ng isang tao sa paniniwalang siya ay ligtas kailan man?
Siyempre naman.
Kung ang isang tao ay naniniwalang siya ay ligtas kailan man sa maling dahilan, hindi siya nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan/kaligtasang hindi mababawi.
Bigyang pansin ang mga aktuwal na halimbawang itong aking narinig:
Alam kong ako ay magtitiis sa mabubuting gawa dahil hindi ko kailan man tatalikuran si Cristo. Ito ay maling dahilan para ang isang tao na maniwalang siya ay ligtas kailan man. Ang taong ito ay hindi pa naipanganak na muli maliban kung sa nakaraan siya naniwala sa pangako ng buhay.
Ang Diyos ay pag-ibig at lahat ay maliligtas, kabilang na ako. Iyan ay maling dahilan. Ang taong ito ay hindi pa naipanganak na muli maliban kung sa nakaraan siya ay naniwala sa pangako ng buhay.
Ang Diyos ay nangusap sa akin at sinabi Niya sa aking kailangan kong magtiis. Muli ito ay maling dahilan. Siya ay hindi pa naipanganak na muli maliban kung sa nakaraan siya ay naniwala sa pangako ni Jesus ng buhay na walang hanggan.
Ang mga halimbawang binigay ni M. H. ay hindi malinaw tungkol sa katiyakan ng buhay na walang hanggan. Kung sinabi ng isang tao, “Mayroon akong buhay na walang hanggan,” maaaring ang ibig niyang sabihin ay taglay ko ito ngayon ngunit maaari kong maiwala. Gayun din, “Si Jesus ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan” ay hindi nagpapahiwatig na ito ay sigurado. Ang parehong pahayag ay maaaring sabihin ng isang taong hindi naniniwalang ang kaniyang kaligtasan ay hindi mababawi.
Subalit tila pinapakahulugan ni M. H. na ang pinag-uusapang tao ay siguradong siya ay ligtas magpakailan man ngunit sa ibang dahilan at hindi ang pangako ni Jesus. Magpapatuloy ako base sa palagay na ito.
Ang sinumang nagsasabing siya ay ligtas kailan man dahil si Jesus ay namatay sa krus para sa kaniyang mga kasalanan at bumangon muli mula sa mga patay ay alam din at naniniwala sa pangako ng buhay na walang hanggan sa mananampalataya. Dahil kung hindi, hindi niya malalaman na siya ay ligtas kailan man. May 2.4 bilyong taong nagpapahayag na sila ay Cristiano ang naniniwalang si Jesus ay namatay para sa kanilang mga kasalanan at bumangon mula sa mga patay. Ngunit, 90% sa mga ito ay hind naniniwalang sila ay ligtas kailan pa man.
Isang huling punto. Nakausap ko si Michael Lii noong Sabado sa isang sampung milyang lakad, at siya ay may interesanteng punto. Sinabi niyang karamihan sa mga hipotetikal na tanong ay hindi nakabase sa aktuwal na karanasan ng isang tao. Halimbawa, “Kung ang isang tao ay manampalataya sa isang palakang nagngangalang Jesus para sa buhay na walang hanggan, siya ba ay naipanganak nang muli?” Walang ganitong tunay na halimbawa. “Kung ang isang tao ay maniwala na si Jesus, ang kaniyang hardinero, ay naggagarantiya ng kaniyang walang hanggang kapalaran, siya ba ay ligtas?” Muli, walang taong gaya nito.
Wala pa akong nasalubong na taong naniniwalang siya ay ligtas kailan man hiwalay sa paniniwala sa pangako ni Jesus ng buhay. Duda ko ganuon din si M. H. Ang paniniwala sa kamatayan at pagkabuhay na maguli ni Jesus ay dapat magtulak sa isang tao na manampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan. Ngunit ang nakalulungkot, karaniwan sa isang taong maniwala sa kamatayan at pagkabuhay na maguli ni Jesus ngunit hindi sa Kaniyang pangako ng buhay na walang hanggan.