Isang kaibigan ang nagpadala sa aking ng isang elektronikong kopya ng isang magasin. Naagaw ang aking atensiyon ng isang artikulo tungkol sa katiyakan ng kaligtasan.
Sa artikulo, sinabi ng may-akda, “Ang katiyakan ay higit pa sa katotohanang teolohikal na dapat maunawaan. Ito ay isang bagay na dapat maranasan- hindi lamang patunayan sa teolohiya.”i
Paano ang isang tao makararanas ng katiyakan, lalo na kung ito ay higit pa sa isang bagay “na napatunayang teolohikal”?
Nagpatuloy ang may-akda ng artikulo sa sumusunod na paliwanag,
Bilang isang pastor, madalas sabihin sa akin ng aking mga tinuturuan na sila ay naniniwalang (intelektuwal) ang Biblia ay nagtuturong “minsan maligtas, ligtas kailan pa man,” ngunit dahil sa kanilang mga pakikipagbaka (at mga emosyong dala ng maling aral) ay kinukwestiyon pa rin nila ang kanilang sariling kaligtasan. Nirebyu naming ang evangelio. Naniwala sila sa evangelio. Nirebyu naming ang eternal na seguridad. Naniwala sila sa eternal na seguridad. Maaari kong sabihin sa kanilang dapat silang magkaroon ng kumpiyansa sa pamamagitan ng panananampalataya sa natapos na gawa ni Jesus. Ngunit ang malungkot na katotohanan ay hindi nila nararanasan ang seguridad. Isang malaking kasayangan!ii
Nakalilitong banggitin ang isang taong naniniwalang intelektuwal na ang Biblia ay nagtuturo ng eternal na seguridad subalit hindi nanininiwalang sila ay sigurado kailan pa man.
Hindi pinaliwanag ng may-akda kung ano ang “maling aral” na pumipigil sa tao at “hindi nararanasan ang seguridad.”
Hayaan ninyong punuin ko ang ilang paraan upang ang isang tao ay maniwala sa eternal na seguridad ngunit walang katiyakan na siya ay may kasiguruhan.
Una, maaaring naniniwala ang isang tao na ang mga hinirang ay sigurado kailan pa man ngunit imposibleng matiyak kung siya ay isa sa mga ito. Maraming Calvinista ang nahaharap sa ganitong problema.
Ikalawa, maaaring ang tao ay maniwalang samantalang sa kasalukuyan siya ay anak ng Diyos, maaari niyang maiwala ang estadong ito kapag siya ay nahulog. Sa pananaw na ito, ang isang tao ay naniniwalang siya ay ligtas sa ngayon pero hindi kailan pa man. Maraming Arminiano ang nahaharap sa ganitong problema.
Ikatlo, ang isang tao ay maaaring maniwalang ang mga nanampalataya kay Jesus ay ligtas minsan at magpakailan pa man ngunit hindi nila alam kung ano ang kahulugan ng manampalataya kay Jesus. Maaaring iniisip nilang kabilang sa pananampalataya kay Jesus ang pagsuko, pagtatalaga, pagsisisi at pagsunod. Dahil ang mga bagay na ito ay subhetibo, ang mga tao sa kategoriyang ito ay hindi sigurado kung sila ay nanampalataya kay Jesus.
Sa unahan ng artikulo, sinabi ng may-akda na ang katuruang “ang katiyakan ay ang diwa ng nagliligtas na pananampalataya” ay dahilan upang maraming tao ang naiwawala ang katiyakan ng kanilang kaligtasan. Nasumpungan kong totoo ang kabaligtaran. Sa pagturo sa mga tao sa Juan 3:16 o kaparehong sitas na nagtuturong ang katiyakan ay ang diwa ng nagliligtas na pananampalataya, natutulungan natin ang mga taong masigurong hindi sila kailan man mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan. Tanging ang mga nanghahawak sa tinatawag ng may-akda na “maling aral” ang namomroblema ng eksposisyun ng Juan 3:16.
Ang katiyakan ay obhetibo. Alam nating tayo ay sigurado kailan pa man dahil tayo ay nanampalataya sa pangako ni Jesus na buhay na walang hanggan, gaya ng masusumpungan sa mga sitas gaya ng Juan 3:16.
Ang kasiguruhan ng ating walagn hanggang kapalaran ay isang bagay ng pananampalataya, hindi karanasan. Ang ating mga karanasan ay subhetibo at nagbabago sa lahat ng oras, samantalang ang katotohanan ng Diyos ay obhetibo ay hindi nagbabago.
Manatiling nakapokus sa biyaya.
________
- Jeremy Mikkelsen, “You Ask. We Answer: ‘What If I Don’t Always Feel Saved?’,” Leading Grace (Summer 2024): 4.
- Ibid.