Ipinadala sa akin ni C. C. ang nakabibighaning tanong na ito:
Musta diyan; salamat para sa lahat ng gawaing ginagawa ninyo! Binabasa ko ang unang artikulo ng 2013 spring issue ng JOTGES.i Sumusulat ako upang makita kung sasagutin mo nang mas malalim ang pagtutol na ito.
[May binanggit kang ibang manunulat na nagsabing] “sinabi ni Niemela na ang buhay na walang hanggang ay naging pag-aari ng ‘sinumang nanampalataya kay Jesus para sa regalong iyan’ (dinagdag ang italics).”ii [Ang manunulat na iyan ay sumagot] “Subalit ang buhay na walang hanggan ay resulta ng pananampalataya, at hindi bahagi ng layon ng pananampalataya. Hindi inaangkin ng Kasulatan saan man dito na ang isang tao ay kailangang manampalataya sa buhay na walang hanggan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, o sa eternalidad ng regalo bago ibibigay ng Panginoon ang regalo” (idinagdag ang italics).
Sa katotohanan umaayon ako sa GES sa kung ano ang dapat sampalatayahan ng isang tao upang magkaroon ng buhay na walang hanggan dahil sa mga pasahe na iyong tinukoy nang bandang huli sa isang talibaba (Juan 4:10-14; Juan 5:39-40; 6:35; 11:25-27; Ef 2:8-9; 1 Tim 1:16). Ngunit nais kong magkaroon ng kakayahang maibahagi ang ebanghelyo sa pinakapayak na pamamaraan.
Paano ba malinaw na maipakikita na kailangan mong espisipikong manampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan sa isang sitas na kasinsimple ng Juan 6:47 (kasama ang “sa Akin”)?
Ang ideya na ang buhay na walang hanggan ay resulta lamang ng pananampalataya kay Jesus, ngunit hindi layon ng pananampalataya sa Kaniya, ay isang nadadalas sa mga taong nagpapahayag na naniniwala sa Free Grace Theology (FGT). Subalit, ito ay isang malaking kawalan ng pagtutugma. Sa katotohanan, ito ay sadyang walang katugmahan sa FGT na hindi ko ito itinuturing na FGT. Silang nag-aangking ang mga tao ay naipanganak na muli kahit hindi naniniwalang tumanggap sila ng buhay na walang hanggan (o kaligtasang hindi nawawala, permanenteng pag-aaring matuwid, garantiya ng tahanan sa langit, atbp) bilang resulta ng kanilang pananampalataya kay Jesus ay umaayon sa mga teolohiyang Reformed at Arminian sa puntong ito.
Ang dahilan kung bakit pinamagatan ko ang blog na ito “Ang Kaligtasan Ba ay Resulta Lamang ng Pananampalataya kay Jesus?” sa halip na “Ang Buhay na Walang Hanggan Ba ay Resulta Lamang ng Pananampalataya kay Jesus?” ay dahil may ilang taong nagmumungkahi na ang buhay na walang hanggan sa mga pasaheng gaya ng Juan 3:16 ay resulta lamang ng pananampalataya kay Jesus at hindi ang layon ng pananampalataya. Ngunit karamihan sa mga taong ito ang nagpapahiwatig na ang isang tao ay kailangang manampalataya na siya ay tumanggap kahit paano ng pansamantalang kaligtasan bilang resulta ng pananampalataya kay Jesus.iii Ngunit hindi sila hayagang lalabas at magsasabi kung kailangan ba ang isang taong maniwala na sila ay tumanggap ng isang bagay bilang resulta ng pananampalataya kay Jesus.
Ngunit makatarungan bang palitan ang buhay na walang hanggan sa Juan 3:16 ng pansamantalang buhay o probasyong buhay at mananatiling pareho ang mensahe? Malinaw na hindi. Ito ang dahilan kung bakit nauunawaan ko ang sinasabi ng iba na kapag ang tao ay nanampalataya kay Jesus (na sa kanilang pagkaunawa ay manampalataya sa pagka-Diyos ni Jesus, sa Kaniyang haliling kamatayan sa krus, at ang Kaniyang pagkabuhay na muliiv), tayo ay sigurado kailan man kahit pa na hindi tayo naniniwalang may tinanggap tayong anumang bagay bilang resulta nang pananampalataya sa Kaniya. Kung ang resulta ng pananampalataya kay Jesus ay hindi bahagi nang kahulugan nang manampalataya sa Kaniya, kung ganuon ang taong hindi naniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan ay maipapanganak na muli kung siya ay naniwala sa pagka-Diyos, kamatayan at pagkabuhay na maguli ni Jesus.
Tinanong ni C. C. kung anong mga sitas ang espisipikong nagsasabi kung ano ang dapat paniwalaan ng isang tao kay Jesus para sa Kaniyang ipinangako? Marami. Ang Juan 6:47 na binaggit ni C. C. ay isa sa mga ito. “Siyang nananampalataya sa Akin ay may buhay na walang hanggan.” Kung hindi ko alam na may buhay na walang hanggan ako sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, ibig sabihin hindi talaga ako naniniwala sa sinasabi ni Jesus tungkol sa buhay na walang hanggan sa Juan 6:47.
Sianbi ni Pablo na siya ay halimbawa ng mga taong mananampalataya kay Jesus para sa “buhay na walang hanggan” (1 Tim 1:16). Kailangan nating sampalatayahan Siya para sa Kaniyang pangako.
Sinabihan ng Panginoon ang babae sa balon na dalawang bagay ang kailangan niyang sampalatayahan para magkaroon ng buhay na walang hanggan: “ang regalo ng Diyos” at “kung sino sa iyo ay nagsasabi, ‘Bigyan mo Ako ng inumin,’” (Juan 4:10). Ang regalo ng Diyos ay ipinaliwanag sa Juan 4:14 bilang buhay na walang hanggan. Ang Nagbibigay ng regalo, Siyang humihingi sa kaniya ng inumin, ay walang iba kundi ang Mesiyas mismo (Juan 4:25-26). Siyempre ito ay lumalapat sa layuning pahayag ni Juan sa Juan 20:31. Upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, ang isang tao ay kailangang manampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos, sa diwang pinapakahulugan ni Juan sa ekspresiyong iyan. Kapag kinumpara natin ang isa pa nitong gamit sa Juan 11:25-27, makikita natin na si Jesus ang Cristong naggagarantiya ng buhay na pagkauli at buhay na walang hanggang hindi maiwawala sa lahat ng nanampalataya sa Kaniya para rito.
Napansin mo ba ang tanong ni Jesus kay Martha sa Juan 11:26: “Sinansampalatayahan mo ba ito?” Ang salitang ito ay tumutukoy sa katotohanang nangangako si Jesus ng pagkabuhay na maguli at buhay na walang hanggan sa lahat ng sumasampalataya sa Kaniya para rito. Ang kaniyang sagot ay oo, at kaniyang ipinaliwanag kung bakit. Alam niyang ang pangako ay totoo dahil nananampalataya siyang Siya ang Cristo, ang Anak ng Diyos.
Kung sinabi ni Martha na, “Hindi Panginoon, hindi ako naniniwala diyan,” masasabi mo bang siya ay ipinanganak na muli? Hindi. Bakit hindi? Dahil hindi siya nanampalataya sa nagliligtas na mensahe.
Nilinaw ni John Piper, bagama’t siya mismo ay hindi tagataguyod ng Free Grace, na hindi sapat na manampalatayang si Jesus ay namatay sa krus para sa ating mga kasalanan at bumangon na muli. Sinabi niyang kailangan nating sampalatayahan Siya para sa isang bagay. Kinilala niyang ang bagay na dapat nating sampalatayahan kay Jesus ay ang pag-aari sa ating matuwid (tingnan ang buong sipi rito).v Bagama’t hindi malinaw si Piper na dapat tayong manampalatayang ang pag-aari sa ating matuwid ay sigurado, dahil isa siya sa mga Calvinistang nagmumungkahing hindi tayo sigurado na tayo ay nanampalataya (kailangan nating magtiis para patunayang makamit natin ang tinatawag niyang pinal na kaligtasan), kinikilala pa rin niyang kailangan nating manampalataya kay Jesus para sa Kaniyang ipinangako upang maligtas.
Ikaw kinikilala mo ba ito?
_____
- Bob Wilkin, “Another Look at the Deserted Island Illustration,” Journal of the Grace Evangelical Society (Spring 2013): pp. 3-20.
- Ibid., p. 17
- Ang ilang nagpapakilalang Free Grace ay nagsasabing kailangan din nilang manampalataya na si Jesus ay Tagapagligtas. Siyempre,, maaaring manampalataya kay Jesus bilang Tagapagligtas na hindi nananampalatayang niligtas Niya ako. Hindi malinaw kung ang mga taong ito ay naniniwalang kung dapat bang maniwala ang isang taong siya ay niligtas ni Jesus, kahit pansamantala. Ngunit ilang taong nagpapakilalang Free Grace ay paminsan-minsang nagsasabing kailangang manampalataya ang isang si Jesus ay kaniyang Tagapaglitas. Nagpapahiwatig ito ang taong ito ay naniniwalang niligtas siya ni Jesus. ngunit kahit ito ay hindi tiyak. Ang isang tao ay maaaring maniwalang si Jesus ay kaniyang Tagapagligtas sa diwang namatay Siya si Jesus para sa kaniyang kasalanan upang siya ay maaari nang maligtas subalit hindi maniwalang binigyan Siya ni Jesus nang anumang bagay.
- Wala saan mang dako sa Kasulatan ang paniniwala sa kahit isa o alin man sa mga katotohanang ito ay ipinareho sa “pananampalataya sa Kaniya.” Posibleng maniwala sa maraming katotohanan tungkol sa persona at trabaho ni Jesus ngunit hindi maniwala sa Kaniyang pangako ng buhay na walang hanggan.
- John Piper, The Future of Justification (Wheaton, IL: Crossway Books, 2007, pp. 85-86).