At nang dumating ang ikaanim na oras, ay nagdilim sa buong lupa hanggan sa oras na ikasiyam.
Ang Apocalypto ay isang tunay na panlalaking pelikula. Ang bayani ay malapit nang ihandog ng paring Mayan sa templo. Naniniwala ang mga tao na ang kanilang mga pananim ay nalalanta dahil galit ang mga diyos sa kanila. Nang ang bayani ay malapit nang patayin, nagkaroon ng eklipse ng araw, at ang lupain ay nagdilim sa isang minuto. Ipinaliwanag ng pari na ito ay isang tanda mula sa mga diyos. Hindi na sila galit; ang mga pananim ng mga tao ay mananagana. Hindi na kailangan ang paghahandog ng tao, at ang buhay ng bayani ay naligtas.
Sa krus ng Panginoon ay may higit na kahanga-hangang pangyayari. Hindi ito eklipse ng araw. Ang lupain ay milagrong nagdilim sa loob ng tatlong araw: “At nang dumating ang ikaanim na oras, ay nagdilim sa buong lupa hanggan sa oras na ikasiyam” (Marcos 15:33). Madilim mula tanghali hanggang alas tres.
Nagkakamali ang paring Mayan sa pelikula tungkol sa signipikansiya ng panandaliang kadiliman. Ngunit malinaw na may signipikansiya sa kadiliman sa krus ng Panginoon. Ngunit ano ito?
Nais ni Marcos na tanungin natin ang tanong na ito. Mayroong pagano sa paanan ng krus na nagtanong at pinuri siya ni Marcos dahil dito. Totoo ito kahit pa hindi nauunawaan ng lalaking ito ang buong signipikansiya ng kaniyang naobsebahan. Subalit inimpreta niya ang kadiliman at dumating sa mga tamang konklusiyon sa kaniyang mga nakita.
Ang lalaking ito ay isang senturion Romano. Napansin niya kung paanong si Jesus ay nasa kontrol habang siya ay namamatay sa krus. Malinaw din niyang napansin na ang araw ay humintong ibigay ang kaniyang liwanag sa loob ng tatlong oras sa gitna ng araw. Ito ay nagtulak sa kaniya upang ipahayag, “Katotohanan na ang Lalaking ito ay Anak ng Diyos!” (Marcos 15:39).
Malinaw na hindi niya nauunawaan ang doktrina ng Trinidad. Siya ay isang lalaking naniniwala sa marami’t iba’t ibang mga diyos. Ngunit sa liwanag ng katotohanan na nagawa niya ang pahayag na ito habang ang mga punong panrelihiyon ng mga Judio ay kinondena ang Panginoon sa kamatayan para sa kalapastanganan,ang paganong ito ay binigyan ng pagkaunawa sa pagkakakilanlan ng Lalaki sa krus, isang bagay na ang mga Judio sana ay dapat mas handang makita. Ang kaniyang interpretasiyon ng kadiliman ay nagdala sa kaniya sa pagkaunawang ito.
Ano ang ibig niyang ipakahulugan sa pahayag na ito, at paano niya ito narating? Ang emperador ng Roma ay tinawag na anak ng diyos ng mga sundalong Romano. Ang emperador ay kumikilos bilang kahalili ng mga diyos sa lupa. Ibinibigay niya sa mga tao ang kanilang mga pangangailangan. Ginagawa niya ang mga gawang mga diyos. At kapag siya ay namatay, siya ay magiging bahagi ng panteon ng mga diyos.
Bilang isang Romanong sundalo, ang senturion ay isang paganong mananamba na nagbibigay paggalang sa lahat ng mga diyos. Tatanggapin niya ang mga gawang panrelihiyon ng mga tao sa lugar na kaniyang estasiyon. Ang mga diyos ay nakikitang makapangyarihan sa anumang lokasyon na kanilang kinabibilangan at kung saan sila sinasamba ng mga tao. Sa kaso ng senturion, siya ay nasa Judea at ang templo ng Diyos ng mga Judio ay kaniyang natatanaw. Maniniwala siya na ang Diyos na ito ay may kapangyarihan sa lugar na iyan.
Tulad ng mga Mayan, ang kakaibang mga tanda mula sa langit ay nakikita bilang tanda mula sa mga diyos ng rehiyong iyan. Sa kasong ito, iinterpretahin ng senturion na ang kadiliman ay nangangahulugang galit ang Diyos ng mga Judio sa nangayayaring pagpatay kay Jesus. Inosente si Jesus. Ang patunay sa kaniya ay ang naobserbahan niyang paraan ng pagkamatay ni Jesus. Lahat ng taong nakita niyang napako sa krus ay hindi namatay sa paraang namatay si Jesus.
Malinaw sa senturion na ginagawa ni Jesus ang trabaho ng Diyos ng mga Judio. Ang Diyos na ito ay natutuwa sa Lalaki sa krus at hindi sa mga Judiong pumatay sa Kaniya. Ang senturiong ito ang nagpahayag ng huling pangungusap tungkol kay Cristo sa krus. Sa kabila ng kaniyang limitadong (at sa katotohanan ay malamang wala) kaalamang teolohikal tungkol sa Trinidad, nagbigay siya ng isang tunay na pahayag. Hinayag niya ang higit pa sa kaniyang nalalaman. Ito ay isang pagsaway sa kawalan ng pananampalataya ng bansa. Ang kadiliman sa krus ay may mahalagang bahaging ginampanan upang makarating sa konklusiyong kaniyang binigay.
Ito ay dapat magbigay sa atin ng lakas ng loob na tumingin sa krus at itanong ang ibig nitong sabihin. Nais ni Marcos na magtanong ang kaniyang mga mambabasa. Bilang mga Cristiano tayo may higit na pagkaunawa kaysa sa senturion sa pagkakakilanlan ni Cristo. Paano natin ito iinterpretahin? Sa ikalawang bahagi, nais kong talakayin ang sa tingin ko ay maling pananaw sa kadiliman. Ito ay totoo kahit pa na ang mga ito ay laganap na pananaw at mayroong ilang katotohanang teolohikal sa kanila. Kahulihulihan, nais kong imungkahi kung ano ang tinuturo ng Biblia nang sabihing ang lupain ay nagdilim sa loob ng tatlong oras nang si Cristo ay mamatay.