Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Ang Kabayaran Ng Kasalanan

Ang Kabayaran Ng Kasalanan

June 3, 2025 by Ken Yates in Ang Tinig ng Biyaya

Tinuro sa akin ng mga maingat na estudyante ng Salita ng Diyos ang mga nakamamataya na konsekwensiya ng kasalanan. Maraming Evangeliko ang nagsasabing ang mga kasalanan ang magdadala ng tao sa lawa ng apoy. Hindi totoo iyan. Ang taong tinapon sa lawa ng apoy ay naroon dahil hindi sila nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan (Juan 3:16; 5:24). Ganuon pa man, seryosong bagay ang kasalanan. Ang ating mga kasalanan ay maaaring magdulot ng kamatayan (Roma 6:23; San 1:13-15).

Maaari itong tumukoy sa pisikal na kamatayan. Ngunit ito ay mas malawak pa rito. Ang ating mga kasalanan ay maaaring magdulot ng sakit. Ang kasalanan ay laging nagdadala ng kaguluhan, ng kawalan ng espirituwal na bunga, ng disiplina ng Diyos, at ng pagkawala ng mga eternal na gantimpala. Winawasak ng kasalanan ang anumang mahawakan nito. Ginamit ni Bob Wilkin ang ilustrasyon ng isang bangkero sa laro ng blackjack. Kaapg tayo ay nagkasala, tila sinasabi natin sa bangkero, “Bigyan mo pa ako!” ng isa pang kard. Sagot ng bangkero, “Oo ba! Narito ang isa pang kard ng kamatayan.”

Ang mga kaibigan ng GES ay pamilyar sa ganitong Biblikal na turo. Kamakailan, napansin ko ang isa pang paraang binibigyan tayo ng kasalanan ng kard na kamatayan. Ito ay isa pang halimbawa ng negatibong konsekwensiya ng kasalanan sa ating mga buhay. Marahil tanto natin ito sa ilalim ng ating kamalayan, ngunit hindi natin ito madalas isalita.

Sabi ng Kawikaan 28:1, “Ang masama ay tumatakas ng walang taong humahabol: nguni’t ang matuwid ay matapang na parang leon.” Ang masama at ang matuwid ay hindi tumutukoy sa mananampalataya at sa hindi. Tumutukoy sila sa paraan ng pamumuhay ng isang tao. Ang isang mananampalataya ay maaaring mamuhay nang masama o nang matuwid.

Sinasabi nitong ang taong namumuhay nang masama ay tumatakas, kahit walang humahabol. Bakit niya gagawin iyan? Mayroon siyang guilty na konsensiya. Takot siyang malaman ng mga tao kung ano ang kaniyang ginagawa. Nag-aalala siya kung alam na ba ng lahat. Namumuhay siya sa takot. Hindi siya makatulog. Lagi siyang nagbabantay kung may taong malapit nang matuklasan ang kaniyang ginagawa sa lihim.

Isipin ninyo ang isang pinunong Cristianong mayroong kalaguyo. Matutuklasan ba ng kaniyang asawa? May ebidensiya ba ng pakikiapid sa kaniyang selpon na maaaring makita ng kaniyang pamilya? Matutuklasan kaya ng asawa ng kaniyang kalaguyo? Ano ang gagawin nito sa kaniyang reputasyon? Sa kaniyang trabaho? Ano ang gastos ng diborsiyo sa kaniya?

Isipin ninyo kung ano ang kaya nitong gawin sa kalusugan ng taong iyan. Ito ay nakamamatay. Kung may asawang sangkot, maaaring magresulta ito sa pisikal na kamatayan! Ang pakikiapid ay hindi ang tanging kasalanang may negatibong mga konsekwensiya. Maraming “nakamamatay” na bitag sa paligid.

Ang mananampalatayang namumuhay nang matuwid ay hindi nakararanas ng ganito. Maaari siyang maglakad na “matapang na gaya ng leon.” Ang isang leon ay hindi tumatakbo palayo sa isang tunay o inaakalang panganib. Hindi siya takot sa mga ito. Gumagamit ang kawikaan ng isang analohiya upang ilarawan ang taong may malinis na konsensiya. Hindi niya kailangang lumingon sa kaniyang likuran at mag-alalang may selosong asawang lalaki o may galit na asawang babaeng makakatuklas ng kaniyang ginagawa.

Kapag napapanood ko ang mga leon sa TV, madalas sila ay tulog. Anong larawan ng katahimikan ng isang matuwid na pamumuhay. Ang leon ay hindi takot. Ang mananampalataya ay hindi maiwawala ang buhay na walang hanggan. Ngunit ang kasalanan ay maaaring magdulot ng maraming problema sa kaniyang buhay ngayon. Kahit pa hindi matuklasan ang kasalanan sa buhay na ito, ang guilt pa lang ay hindi na sapat sa kabayarang binibigay ng kasalanan.

Mas nais kong maging leong nahihimlay saan ko man naisin at matulog nang payapa.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Ken_Y

by Ken Yates

Ken Yates (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Editor of the Journal of the Grace Evangelical Society and GES’s East Coast and International speaker. His latest book is Mark: Lessons in Discipleship.

Recently Added

December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...
December 4, 2025

What Is Annihilationism and What Is Universalism?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling will continue the topic of Eschatology. More specifically, this episode focuses on...
December 3, 2025

Disunity: Not a Minor Problem 

Israel was at war. The Midianites and their allies had severely afflicted the nation for seven years (Judg 6:1). However, God raised up Gideon to defeat those enemies...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram