Si Kathryn Wright ay pumunta sa Dallas noong isang linggo para sa isang kumperensiya ng kababaihan. Nagbigay siya ng serye ng mga mensahe kung paano magbigay ng malinaw na testimonya.
Bago ang kaniyang pagsalita sa kumperensiya, si Kathryn at ako ay nagrekord ng anim na podcasts tungkol sa pagbibigay ng malinaw na testimonya. Ang blog na ito ay resulta ng aming talakayan.
Binalangkas ni Kathryn ang paraan kung paano ang mga tao ay tipikal na tinuruang magbigay ng kanilang Cristianong testimonya. Ito ay may tatlong hakbang na nakatuon sa mga gawa. Sa unang hakbang ipinapaliwanag ng tao kung ano ang kanilang ginagawa bago lumapit kay Cristo. Mas masama ang mga gawa, mas mahusay ang testimonya. Ang pagka-adik sa droga ay isang mahusay na unang hakbang. Mahusay din ang buhay ng kriminalidad. Ang unang hakbang ay naglalatag para sa ikatlong hakbang.
Ang ikalawang hakbang ay paliwanag ng tao kung paano siya nakarating kay Cristo. Siyempre ang eksaktong pananalita kung ano ang ginawa ng tao upang maligtas ay nag-iiba-iba. Ang isa ay maaaring magbanggit kung paano nila inilaan ang kanilang buhay kay Cristo, tumalikod sa mga kasalanan, sumuko sa pagka-Panginoon ni Cristo o pagpangako ng kanilang katapatan kay Cristo. Maraming testimonya ang ibinibilang sa ikalawang hakbang ang pangako ng habambuhay na mabuting gawa. Minsanan lamang na mabanggit ng mga tao nang sila ay manampalataya kay Cristo. Bagama’t ito dapat ay kung paano ang isang tao nakarating kay Cristo, ang ikalawang hakbang ay nakapokus talaga sa mga gawa dahil nakapokus ito sa pangako ng mabubuting gawa sa hinaharap.
Ang pangkasalukuyang gawa ng mananampalataya ay nakadisplay sa ikatlong bahagi. Dito ang nagpapatotoo ay nagpapahayag kung paano ang kanilang buhay ay nabago. Samantalang bago sila nakarating kay Cristo siya ay nakikibaka laban sa iba’t ibang kasalanan at adiksiyon, ngayon sila ay isang huwarang asawa, magulang, kapitbahay, empleyado, at miyembro ng simbahan. Sa ikatlong bahagi, pinahihiwatig nila na ang kanilang buhay ay permanenteng binago ni Cristo at ito ay tiyak na magpapatuloy sa banal na daan hanggang kamatayan.i
Iminungkahi ni Kathryn na ang testimonyang kagaya niyan sa katotohanan ay tungkol sa atin kaysa kay Jesus.
At sa tingin ko ay may mahusay siyang punto. Sang-ayon ka ba?
Si Kathryn at ako ay nagmungkahi ng aming sariling balangkas ng pagtestimonya na may tatlong punto. Kay Kathryn, ikwento muna kung ano ang iyong pinaniniwalaan bago ka nakarating kay Cristo (unang hakbang), ano ang iyong pinaniwalaan nang ikaw ay makarating sa pananampalataya kay Cristo (ikalawang hakbang), at sa panghuli, ano ang nakakumbinse sa iyong sampalatayahan iyan. Ang mungkahi ko ay sumasang-ayon sa una at ikalawang punto ngunit minumungkahi ko sa ikatlong punto na magpokus sa kung paano ang aking nagpapatuloy na pananampalataya kay Cristo ay patuloy na nagbibigay sa akin ng kagalakan dahil alam kong ako ay may eternal na kasiguruhan.
Gusto ko talagang pagkumparahin ang pagpapatotoo tungkol sa pananampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan at ang pagpapatotoo sa ating pagtatalaga na maglingkod kay Cristo, na iniisa-isa ang mga mabubuting gawa na ating nagawa mula nang mangakong maglingkod. Ang isa ay nakapokus kay Jesus at sa pananampalataya sa Kaniya para sa Kaniyang mga pangako. Ang isa ay nakapokus sa akin at sa aking ipinangakong gagawin para sa Kaniya at kung paano ko tinutupad ang aking pangako.
Sinabi ni Danny Webster, na nagpoprodyus n gaming podcasts, na sa anim na palabas na ito, mayroon kaming podcasts hanggang sa katapusan ng Disyembre. Marahil kung ganuon, sa katapusan ng Disyembre ay maririnig ninyo ang anim na palabas na ginawa naming ni Kathryn tungkol sa testimonya.
Kung ang ating testimonya ay maging bahagi ng ating ebanghelismo, kailangang ito ay nagbabanggit kung ano ang dapat gawin ng isang tao upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Dahil malinaw ang ating Panginoon na ang nag-iisang kundisyon sa buhay na walang hanggan ay ang manampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan (Juan 3:16; 5:24; 6:47; 11:25-27), kailangan nating pag-usapan si Jesus at ang Kaniyang mga pangako, hindi ang ating mga sarili at ang pangako natin sa Kaniya.
Hindi kailan man pinag-utos ng Biblia na sabihin sa mga tao kung paano tayo nakarating sa pananampalataya kay Cristo. Subalit, mayroon tayong mga halimbawa gaya ng babae sa balon sa Juan 4:28-39 (ang v39 ay nagsasabing, “…maraming mga Samaritano ng lunsod ang nanampalataya sa Kaniya dahil sa salita ng babae…” at gaya ni Pablo na sa 1 Tim 1:16 ay inilarawan ang kaniyang sarili na (“… isang halimbawa sa lahat ng mananampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan…”). Dahil tayo ay tinawag upang sabihin sa iba ang tungkol kay Cristo, marapat lang na minsan ay ibahagi natin ang ating personal na kwento kung paano tayo nakarating sa pananampalataya kay Cristo. Ngunit kung gagawin natin ito, diyan tayo magpokus. Huwag tayong magpokus sa mga gawa natin at sa ating pangakong maglingkod sa Kaniya. Magpokus tayo sa Kaniyang mga salita at sa Kaniyang mga gawa at sa Kaniyang ipinangakong ibigay sa sinuman manampalataya sa Kaniya.
____
- Bakit iniisip ng maraming tao na pinakamainam, sa pagbibigay ng testimonya, na magpokus sa kanilang mga gawa? Ito ay dahil maraming tao ang naniniwala sa isang porma ng Lordship Salvation. Kung ang paniniwala kay Cristo ay nangangahulugan ng pagtatalaga at pagsunod, ang inyong testimonya ay tungkol sa mga bagay na ito. Kung ang iyong kaligtasan ay nangangailangan pareho ng pananampalataya at mga gawa, magkukwento ka ng tungkol sa pananampalataya at mabubuting gawa. Ang ideya na ang isang tao ay naligtas sa pananampalataya kay Cristo hiwalay sa mga gawa ay hindi ang pananaw ng karamihang nagpapakilalang Cristiano.