Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Ang Hukuman Ni Jacob (Genesis 49:1-28)

Ang Hukuman Ni Jacob (Genesis 49:1-28)

December 23, 2025 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Pinamagatan ko ang kabanata 49 ng Genesis na “Ang Hukuman ni Jacob.” Si Jacob, na tinawag ding Israel, ay hinatulan ang kaniyang mga anak at namahagi ng mga gantimpala. Sa kabanatang ito ay makikita nating nasasalamin ang Hukuman ni Cristo para sa mga Cristiano.

Ang pagkasunod-sunod ng paghukom ni Jacob sa kaniyang mga anak ay naaayon sa kanilang mga ina. Ang unang anim na anak na nabanggit ay mga anak nila Jacob at Lea. Ang sunod na apat ay mga anak niya sa kaniyang dalawang asawang-alipin. Ang huling dalawang pinagpala ay ang dalawang anak ni Raquel.

Ang huling pito ay pinagpala sa maiikling komento (v13-21, 27, sa pangkalahatan higit lamang sa isang sitas bawat isa). Ang pitong ito ay sila Zabulon, Isacar, Dan, Gad, Aser, Neftali at Benjamin.

Si Benjamin ang pinakuling pinagpala dahil siya ang pinakabunso ni Raquel.

Ang tatlong pinakamatandang kapatid- si Ruben, si Simeon at si Levi- ay tumanggap ng saway mula sa kanilang ama. Masakit marahil itong pakinggan.

Ang v3 ay nagsimulang maganda. Si Ruben ang kaniyang panganay, ang kapangyarihan ni Jacob at simula ng kaniyang lakas, ang kainaman ng dignidad at kainaman ng kapangyarihan.

Ngunit pumihit ang mga bagay sa v4. Si Ruben ay walang estabilidad. “Hindi ka magtataglay ng kasakdalan.” Bakit? “Sapagka’t sumampa ka sa higaan ng iyong ama” (tingnan ang Gen 35:22). Sinipingan niya ang isa sa mga asawang-alipin ng kaniyang ama.

Hinamak ni Ruben ang higaan ng kaniyang ama.

Si Simeon at si Levi ay tumanggap din ng saway. “Mga almas na marahas ang kanilang mga tabak.”
“Sa kanilang kapisanan, ay huwag kang makiisa, kaluwalhatian ko sapagka’t sa kanilang galit ay pumatay ng tao” (Gen 34:26). “Sumpain ang kanilang galit, sapagka’t mabangis; At ang kanilang pagiinit, sapagka’t mabagsik!”

“Aking babahagihin sila sa Jacob at aking pangangalatin sila sa Israel.”

Walang mabuting nabanggit sa alin man sa tatlong anak na ito.

Bagamat sila ay tinanggalan ng mana, sila ay bahagi pa rin ng bansang Israel. Hindi nila naiwala ang estadong ito. at bagamat ang mga Levita ay nakalat at walang sariling lupain, sila ang naging linya ng mga saserdote. Ang mga Rubenita at Simeonita ay pinagpala sa maraming paraan. Ngunit ang kanilang kapalaran ay hindi naging kasindakila ng pwedeng mangyari.

Sa kaso ng tatlong magkakapatid na ito, ang isang pangunahing kasalanan ay may pangunahing epekto sa kanila at sa kanilang mga anak.

Ang magkakapatid na ito ay larawan ng mga mananampalatayang makararanas ng saway sa Bema ngunit nasa kaharian pa rin at maglilingkod sa Panginoon magpakailan man. Bagamat hindi tiyak, maaaring sila ay lumalarawan din sa mga tagumpay na mananampalatayang tumanggap ng ilang pagsaway. Walang indikasyong ang tatlong magkakapatid ay nahiwalay sa Panginoon at sa pananampalataya sa huling bahagi ng kanilang buhay.

Limang magagandang sitas ang binigay kay Juda (Gen 49:8-12). Tanging siya at si Jose ang tumanggap ng ganitong papuri at pinahabang pagpapala.

Si Juda ay siyang “pupurihin ng iyong mga kapatid.”

Isa sa pinakabantog na sitas sa LT ay ang Gen 49:10: “Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda, Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa, Hanggang sa ang Shiloh ay dumating.”

Ang setro ay ang tungkod na dala ng mga pinuno. Ito ay kumakatawan sa kanilang kapangyarihan at awtoridad.

Ang punto ay ang Hari ng Israel ay manggagaling sa tribo ni Juda.

Ang v11-12 ay tumatanaw sa kaharian ng Mesiyas bilang panahon ng walang hanggang kasiyahan at kagalakan. Ang alak ay simbolo ng prosperidad at kagalakan.

Zabulon at Isacar (v13-15). Maaaring nangangahulugan itong sa hinaharap, ang lupain ni Zabulon ay aabon sa dalampasigan at lalapit sa Sidon. Posible ring ang Hebreo ay nangangahulugang si Zabulon ay patungo (hindi sa tabi) ng dagat, na ang ibig sabihin ay sila ay malapit upang makipagkalakalan sa mga tao mula sa dagat.

Dan (v16-17). Ang salitang Daniel ay nangangahulugang “Ang Diyos ang aking hukom.” Ito ay makikita sa v16. Subalit ang v17 ay napakanegatibo patungkol sa tribo ni Dan. Sa Hukom 18, ang mga Danita ang tribong idolatriya na may sariling idolo at may sariling saserdote.

Nakakagilalas, ang tribo ni Dan ay hindi nabanggit sa Pah 7:5-8. Kung ano ang ibig sabihin nito patungkol sa Dan, hindi ko alam. Ang tribo ni Efraim ay hindi rin nabanggit doon, bagamat si Jose ay oo, na posibleng pantukoy kay Efraim.

Ang v18 ay posibleng hindi espisipikong patungkol kay Dan. Sa katotohanan, ito marahil ay pahayag ng ekspektasyon ni Jacob, ang ekspektasyong dapat taglay ng bawat tribo.

Ang kaligtasan ng v18 ay hindi buhay na walang hanggan. Ito ay kaligtasan mula sa dominasyon ng mga Gentil. Ito ay ang pagkakaroon ng sariling lupaing pinamumunuan ng Haring Mesiyas.

Gad at Aser (v19-20). Si Gad ay lulusubin ng kaniyang mga kapitbahay. Ngunit siya ay magtatagumpay.

Si Aser ay magkakaroon ng napakayamang lupain at magiging napakaproduktibong tribo.

Neftali (v21). Ito ang tribo ni Barak, na nakigrupo kay Debora upang basagin ang pang-aalipin ng mga Gentil (Hukom 4-5). Ito ay tribo sa kataasan, at ang larawan dito ay masigasig na bayan sa kabundukan. Ang salitang sinaling mga salita sa NKJV ay malamang na babaing usa, gaya ng nasa KJV.

Si Jose ay tumanggap ng pantastikong pagpapala. Ang kaniyang dalawang anak ay naunang pinagpala ni Jacob. Ngayon pagpapalain niya si Jose (Gen 49:22-26).

Ang dalawang tribong manggagaling sa kaniya ay magiging mabunga at tatanggap ng maraming pagpapala mula sa Diyos. Si Jose ay nagtiis ng napakaraming pang-uusig at pagsasakit at may mga gantimpala para sa kaniya at sa kaniyang mga anak kapag siya ay hinatulan ng Mesiyas bago ang Milenyo.

Si Benjamin ay kinumpara sa isang gutom na lobong kinakain ang kaniyang bihag at naghahati ng samsam (Gen 49:27). Bagamat ito ay maaaring mabuting bagay, ang kasaysayan ni Benjamin ay nagpapakitang ang katangiang ito ay maaaring abusuhin.

Tinuturo ng mga komentarista ang Hukom 19-21 upang ipakita ang karahasan ng tribong ito. Ito ang kwento ng mga lalaki ng isang lunsod Benjaminita, ang Gibea, na minaltrato at pinatay ang asawang-alipin ng isang Levita. Ito ay nagresulta sa digmaan sa pagitan ng mga Benjaminita at ng ibang tribo. Ang tribo ni Benjamin ay muntik malipol hanggang sa ang mga asawa ay binigay sa kakarampot na lalaking nabuhay.

Sinabi ni Pablo sa 2 Cor 5:!0 na lahat ng mananampalataya ay haharap sa Hukuman ni Cristo, ang Bema, upang tumanggap ng mga bagay na ginawa sa katawan, maging mabuti o masama.

Alam natin mula sa mga aral ng Panginoon sa Evangeliong ang ating paghuhukom ay publiko (Mat 6:4, 6, 18- “At ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka” para sa mga bagay na ginawa “sa lihim”; tingnan din ang Lukas 19:!6-26, kung saan ang tatlong alipin ay hinatulan sa publiko0.

Alam nating magkakaroon ng kasiyahan at papuri sa ilan, ngunit pagsaway at kahihiyan sa iba (Lukas 19:16-26; 1 Juan 2:28).

Sa aking pagpalagay ang ginawa ni Jacob dito ay katulad ng gagawin ng Panginoon sa Bema, maliban siyempre, na ang ating paghuhukom, ay sumasakop sa buo nating Cristianong pamumuhay, at ang pamumuno ay nananawagang manghawak sa ating pagpahayag kay Cristo hanggang sa katapusan ng ating mga buhay.

Si Jacob ay isang lalaki ng pananampalataya. Namatay siya sa kabutihan. Namatay siya sa pananampalataya. Siya ay tumitingin sa pagdating ng Mesiyas- sa tinatawag nating Ikalawang Pagdating. Nais niyang maghari ang Mesiyas sa Israel sa Lupang Pangako.

Mamuhay nawa tayo sa paraang magdadala ng kapurihan at kaluwalhatian sa ating Panginoon at Tagapagligtas upang kapag tayo ay Kaniyang hinatulan, marinig natin, “Mabuting gawa, ikaw na mabuting alipin” (Lukas 19:17). 

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Recently Added

January 30, 2026

How Many Evangelistic Verses Are There in John’s Gospel? 

My friend, Frank Tyler, was banned by the Latter-day Saints in multiple Southern California cities. You see, Frank didn’t wait for Mormon missionaries to come to his...
January 30, 2026

Does One’s View of the Gospel Affect Discipleship?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Sam Marr will answer a question about discipleship and salvation. How will a person’s...
January 29, 2026

Reality of the Wilderness 

In 1731, Abbé Prévost wrote the French novel Manon Lescaut. It was one of the most controversial novels of its time and was quickly banned from publication.   The novel tells the story of...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram