Sa Estados Unidos, nalalapit na ang halalan. Magaganap ito sa Nobyembre. Ngunit ang pangulo ay hindi uupo sa opisina hanggang Enero. Mayroong humigit kumilang pitumpu’t limang araw mula sa sandaling madeklara siyang pangulo hanggan sa ang bagong pamahalaan ay magsimulang mamahala.
Anong mangyayari sa pitumpu’t limang araw na ito? Isa sa mga mayor na kaganapan ay ang pagtatayo ng pangulo ng kaniyang gabinete. Ang pangulo ang pinakamakapangyarihang tao sa mundo sa susunod na apat na taon at kailangan niya ng maraming taong tutulong sa pamamahala. Ang mga taong ito ay pupuno sa maraming posisyun ng kapangyarihan, pareho sa loob ng Estados Unidos o sa halos lahat ng bansa ng mundo (bilang mga ambasador at ang kaniyang mga kagawad). Walang duda, isang pribilehiyo at gantimpala ang mapili para sa karangalang ito. Ang halal na pangulo ay maraming desisyong gagawin. Ang mga katulong ng pangulo at ang kanilang mga responsabilidad ay magiging opisyal. Marami silang dapat gawin upang maghanda para sa mga papel na kanilang gagampanan sa pamahalaan. Isang kagigilalasang matapos lahat ng mga ito sa pitumpu’t limang araw.
May kaparehong mangyayari kapag ang pinakadakilang “Pangulo” ng buong kapanahunan ay magsimula ng Kaniyang administrasyon. Kapag si Cristo ay bumalik sa katapusan ng Tribulasyon, babalik Siya upang itatag ang Kaniyang walang hanggang kaharian. Wala ng eleksiyong magaganap!
Ang ikalawang bahagi ng Tribulasyon- kung kailan ang Lalaki ng Kasalanan ay mangunguna sa panghuli at pinakanakakahilakbot na paghihimagsik laban sa Diyos at Kaniyang bayan- ay tatagal ng 1, 260 araw (Pah 12:6). Tinalakay ng propeta Daniel ang panahong ito sa aklat ng kaniyang sinulat. Sa katapusan ng aklat, may nilagay siyang interesanteng impormasyon. Sinulat niya, “Mapalad siyang naghihintay, at datnin ng isang libo’t tatlong daan at tatlong pu’t limang araw (Dan 12:12).”
Darating ang Panginoon sa ika- 1, 260 na araw sa katapusan ng Tribulasyon. Ngunit sinasabi ni Daniel na may mga kapaladang matatanggap ang Kaniyang bayan sa katapusan ng pitumpu’t limang araw, sa ika- 1, 335 na araw. Ano ang mangyayari sa pitumpu’t limang araw na ito?
Hindi sinabi ni Daniel. Ngunit resonableng isiping ang pagpapalang tinutukoy ay ang paghahari ni Cristo sa Kaniyang nilalang. Ang buong Biblia ay tumitingin sa pamamahala Niya. Isang mapalad na araw ang pagsisimula ng Kaniyang pamahalaan
Sasabihin ko sa inyo ang sa tingin ko ay mangyayari sa pitumpu’t limanga araw na ito. Darating ang Panginoon sa ika- 1, 260 na araw na siyang katapusan ng Tribulasyon. Ngunit may mga bagay na dapat mangyari bago magsimula ang Kaniyang paghahari. Mayroong ilang paghuhukom na magaganap. Sa dalawang magkahiwalay na paghuhukom, hahatulan Niya ang mga Gentil at ang mga Judio na buhay sa katapusan ng Tribulasyon. Ang mga mananampalataya ng Lumang Tipa ay muling bubuhayin at hahatulan sa panahong ito. Maaaring ang Simbahan ay hahatulan sa Hukuman ni Cristo pagkatapos ng Kaniyang pagbabalik.
Tatanggapin ng mga mananampalataya ng bawat dispensasyon ang kanilang mga gantimpala sa mga paghuhukom na ito. Binanggit ni Daniel ang mga gantimpala sa kabanata 12 (v 3, 13). Ito ang panahon upang malaman ng bawat mananampalataya kung ano ang papel na gagampanan niya sa kaharian ng Panginoon.
Sa aking isipan, ito ay kahalintulad sa paghahayag ng halal na pangulo ng mga uupo sa kaniyang administrasyon. Sa loob ng pitumpu’t limang araw na binanggit ni Daniel, ihahayag ni Cristo ang lahat ng manghahawak ng posisyun ng pamumuno at responsabilidad sa Kaniyang paghahari. Ang lahat ng mga mananampalataya sa lahat ng kapanahunan ay gagantimpalaan ng mga posisyun sa Kaniyang kaharian bago magsimula ito.
Tiyak akong maraming bagay na magaganap sa pitumpu’t limang araw na ito. Ngunit para sa mga mananampalatayang maghaharing kasama ni Cristo sa Kaniyang kaharian, naiisip kong kahit ang antisipasyon ng paglilingkod sa Panginoon at sa iba pa sa anumang posisyung panghahawakan ay isang kahangahangang kaisipan. Marahil malaking kagalakan sa isang tao na mabigyan ng papel sa gabinete ng pangulo. Nag-aabang ang taong ito nang may malaking pag-aabang. Sa mga araw matapos ang pagbabalik ng Panginoon, sa tingin ko ang mga kasama ni Cristo ay punong puno ng kagalakan habang naghihintay sa kung ano ang kanilang gagawin magpakailan man bilang marangal na bahagi ng Kaniyang gabinete.