“At ipangangaral ang ebanghelyong ito ng kaharian sa buong sanlibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa, at kung magkagayo’y darating ang wakas” (Mateo 24:14).
Nang isang araw isang kaibigan ang nagtanong kung iniisip ko bang ang sitas na ito ay nagpapakita na ang (paghahablot) Rapture ay nalalapit na. Sinabi niyang ang mga pag-aaral ay nagpapakitang ang lahat ng grupo ng tao sa mundo ay maaabot ng ebanghelyo sa loob ng ilan pang taon. At ang mga tagasalin ng Biblia ay nagsasabi na ang Biblia ay maililimbag na sa bawat lenggwahe sa ilan pang taon. Hindi ko alam kung ang mga bagay na ito ay totoo. Ngunit hindi ito ang tinutukoy ng Panginoon sa Mat 24:14.
Pansining ang binabanggit ng Panginoon ay ang ebanghelyo ng kaharian, hindi ang ebanghelyo ng pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang na masusumpungan sa Galacia. Ang ebanghelyo ng kaharian ay ang mabuting balita na ang kaharian ay iniaalok sa Israel at ito ay maaaring dumating sa pitong taon o kulang pa. Ang mensaheng ito ay ipinangaral ng Panginoong Jesus at ng Kaniyang mga apostol noong unang siglo (Marcos 1:14-15); tingnan dito para sa isang blog kamakailan na nagtatalakay ng teksto at ng ebanghelyo ng kaharian). Hindi ito mensahe kung paano ang isang indibidwal maipanganganak na muli. Para dumating ang kaharian, kailangan ng Israel (hindi mga Gentil) na maging isang nananampalatayang bansa na may pakikisama sa Diyos.
Ang Mateo 24-25 ay tungkol sa Rapture at Tribulasyon. Ang katapusan na binabanggit ng Panginoon sa Mat 24:14 ay ang katapusan ng Tribulasyon at katapusan ng panahong ito. Ang isanlibong kaharian ay susunod.
Sa isang pagkukurong hipotetikal, ang kasalukuyang pag-unlad sa misyon ay maaaring mangahulugan na madali ang mabuting balita ng kaharian na makararating sa mga bansa gaya ng sinabi ni Jesus. Subalit hindi natin alam kung ang mga pag-aangking ito ay totoo. (Duda ako dito. i) Kahit pa totoo, hindi natin alam kung ang sitwasyong ito sa ngayon ay magpapatuloy. Ang mga bagay ay maaaring sumama bago ang Rapture. Isa pa, lahat ng mananampalataya ay aalis kapag naganap ang Rapture. Ang Tribulasyon ay magsisimula ng may iilan, kung meron man, na mananampalataya. ii
Maraming kalituhan sa salitang ebanghelyo. Madalas kapag nababasa ito ng tao, iniisip nila ang nagliligtas na mensahe ang natatanaw. Ngunit bihira ang kasong ganito. Ito ang diwa sa Galacia at marahil sa ilang sitas sa BT. Ngunit sa Ebanghelyo, hindi minsan ginamit ang ebanghelyo na pantukoy sa mensahe ng buhay na walang hanggan para sa mananampalataya.
Marahil ang 144 000 na ebanghelistang Judio ng Tribulasyon ang magdadala ng ebanghelyo ng kaharian sa mga bansa. Marahil mangangaral sila sa mga lenggwaheng hindi nila pinag-aralan (alalahanin ang Babel).
Isang panghuling punto. Hindi tayo tinawag para ipangaral ang ebanghelyo ng kaligtasan.iii Ito ay mensahe para sa panahon ni Cristo at ito ang mensahe sa panahong ng Tribulasyon. Ngunit magsisinungaling tayo kapag sinabi nating ang kaharian ay darating sa loob ng pitong taon o kulang pa. Pitong taon matapos ang simula ng Tribulasyon at ang rapture ay isang buwan o dalawa bago magsimula ang Tribulasyon. Kung ganuon maaari tayong manghula at sabihing ang kaharian ay magsisimula kulang kulang ng walong taon. Ngunit hindi tayo nakasisiguro. Ang Panginoon ay darating na gaya ng “isang magnanakaw sa gabi.” Ang mga magnanakaw ay hindi nagpapahayag kung kailang gabi sila darating. Kailangan nating maging mapagmatiyag dahil ang Rapture ay maaaring ngayon maganap. Ngunit maaari ring hindi ito dumating ng ilang taon o dekada o maging siglo mula ngayon.
Kapag naganap ang Rapture, ang mabuting balita ay darating ang kaharian matapos ng pitong taon at ng isang buwan o higit pa. Garantisado iyan.
______
- Nuong 1976 ako ay kawani ng Campus Crusade for Christ nang aming ibalita na naabot na naming ang lahat ng tao sa Estados Unidos ng nagliligtasa na mensahe gamit ang I Found It (Nasumpungan Ko) Campaign. Ang aming layon ay maabot ang bawat tao sa taong 1980. Maaaring naipresenta namin ang I Found It motto sa maraming tao. Ngunit hindi naming naipresenta ang malinaw na ebanghelyo sa US at sa bawat tao sa mundo. Karamihan sa mga nagsasagawa ng misyon ngayon ay nanghahawak sa Lordship Salvation o sa kaligtasan sa gawa. Marami pang trabaho ang natitira sa US at sa buong mundo. At dahil ang iglesia ay lilisan kapag naganap na ang Rapture at tanging hindi mananampalataya ang matitira, maraming gawaing misyonaryo ang kailangan upang madala ang ebanghelyo ng kaharian sa bawat bansa.
- Mayroong dalawang saksi na mamamahagi ng pangako ng buhay kay Cristo at ang kanilang mensahe ay papagtibayin ng mga tanda at himala. Sila ay tinalakay sa unang bahagi ng Aklat ng Pahayag. Hindi sinabi kung kailan o paano sila nakarating sa pananampalataya. Ang duda ko sila ay darating sa pananampalataya 30 o 60 araw sa pagitan ng Rapture at simula ng Tribulasyon. Marahil ang Panginoong Jesus ay nagpakita sa kanila, gaya ng ginawa Niya kay Saul sa daan patungong Damasco. Marahil dinala nila ang maraming Judio sa pananampalataya kay Cristo bago pa man magsimula ang Tribulasyon. Nang magsimula na ang Tribulasyon, marami sa 144, 000 na ebanghelista ang nakarating na sa pananampalataya. Ngunit wala sa revival na ito sa hinaharap ang nakadepende sa misyon ngayon, maliban marahil sa katotohanang ang Biblia ay naisalin na sa karamihan sa mga lenggwahe.
- Ipinangangaral natin siyempre ang mensaheng ang kaharian ay malapit na (na ang nalalapit ay umaabot na sa 1989 taon at nagdaragadag mula nang umakyat si Jesus sa langit). Ngunit ang ebanghelyo ng kaharian ay higit pa sa pagsasabing ang kaharian ay malapit na (cf Marcos 1:14-15).