Si Chris mula sa West Virginia ay may tinaong na napakahalagang tanong:
Nasumpungan ko ang aking sarili na nag-go-Google, “Ano ang buhay na walang hanggan sa Griyego,” at nasumpungan ko ang isang porum sa Quora kung saan may nagtanong ng parehong tanong.
Ang unang sagot… nasumpungan kong hindi lamang nakababahala kundi nakalilito rin. Ang buhay na walang hanggan ba ay HINDI nangangahulugang buhay na walang hanggan?
Nagbigay si Chris ng isang napakahabang siping mabubuod gaya ng sumusunod:
- Ang ekspresyong buhay na walang hanggan ay tumutukoy sa 1) sa isang kaugnayan sa Diyos na nagsimula sa bagong kapanganakan at 2) isang kalidad (hindi kantidad) ng buhay na permanente.
- Ang permanenteng kaugnayan ay nangangailangan ng pagtalikod sa ating mga kasalanan at pananampalataya kay Jesus.
- Ang ugnayang ito ay permanenteng hangga’t ikaw ay tumutupad sa obligayong tipanan na nagpapatuloy na pagsisisi at pananampalataya.
- Kung ang isang tao ay mabigong magtiis, kaniyang sinira ang tipan at ang permanenteng buhay ay mawawala.
Sadyang nakalilito na sabihing ang buhay na walang hanggan ay tumutukoy sa isang permanenteng kaugnayan sa Diyos ngunit hindi ito tumutukoy sa kantidad ng buhay na iyan. Paano ang isang bagay magiging permanente ngunit hindi naman permanente? Siyempre ito ang tanong ni Chris.
Ang aming mga propesor sa Griyego sa Dallas Theological Seminary ay lagiang tinuturo sa amin na ang kaunting kaalaman ng Griyegong koine ay mapanganib.
Maraming pastor at tagapagturo ng Biblia ang may kaunting kaalaman ng Griyegong koine ngunit sapat upang manlito ng mga tao. Tama si Chris na mabahala at mag-alala.
Isang pangunahing prinsipyo ng hermeneutiko- ng interpretasyon- na ang mga salita at parirala ay dapat maunawaan sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang konteksto. Hindi tayo dapat magpatong ng isang kahulugang lumalapat sa lahat ng posibilidad sa mga salita o mga parirala. Hindi tayo tumitingin sa kahulugang diksiyunaryo ng walang hanggan (aionios) at buhay (zoe) at matapos ay gagawa ng kahulugan para sa pariralang iyan. Ganito ang ginawa ng taong nabasa ni Chris.
Sa halip dapat nating tingnan ang aktuwal na pariralang Griyego at paano ang mga ito ginamit.
Ang Griyegong sinaling buhay na walang hanggan ay zoen aionion (hal. Juan 3:15, 16, 36; 4:14; 5:24, 39; 6:40, 47). Sa Evangelio ni Juan ito ay madalas tawaging buhay na walang pang-uring nangangahulugang walang hanggan (hal. Juan 3:36; 5:24, 40; 20:31).
Narito ang ilang malinaw na kontekstuwal na pahayag na nagpapakitang ang zoen aionion ay tunay na tumutukoy nga sa kantidad ng buhay:
- “Ang sinumang uminom ng tubig na Aking ibibigay sa kaniya ay hindi mauuhaw kailan man” (Juan 4:14). Ang Griyego ay may dobleng empatikong negatibo (ou me). Ang babae sa balon ay nauunawaang Siya ay nagbabanggit ng isang bagay na hindi maiwawala nang siya ay tumugon, “Ginoo, bigyan mo akon ng tubig na ito upang hindi ako mauhaw o bumalik dito upang sumalok” (Juan 4:15). Mali siya sa pag-iisip sa materyal na termino. Ngunit tama ang kaniyang pagkaunawa na ang iniaalok ni Jesus ay permanente sa sandaling ito ay matanggap.
- “Ang nakarinig ng Aking salita at sumampalataya sa Kaniyang nagsugo sa Akin ay may buhay na walang hanggan, at hindi papasok sa paghatol, ngunit lumipat na mula sa kamatayan patungo sa buhay na walang hanggan” (Juan 5:24). Dito gumamit ang Panginoon ng tatlong magkakaibang aspeto ng pandiwa (pangkasalukuyan, panghinaharap, at pangnagdaan) upang bigyang diin ang katotohanang hindi mawawala ang buhay na Kaniyang binibigay.
- “Ang lumapit sa Akin ay hindi muli magugutom, at ang manampalataya sa Akin ay hindi muling mauuhaw” (Juan 6:35). Muli, ang mga ito ay dobleng empatikong negatibo.
- Ang nabubuhay at nananampalataya sa Akin ay hindi mamamatay [espirituwal]” (Juan 11:26). Muli, ito ay dobleng negatibo.
Kung ganuon kung makasumpong ka ng nabubuhay na taong nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan, nakasumping ka na ng isang taong may walang hanggang kasiguruhan. Hindi siya nagkaroon ng walang hanggang kasiguruhan dahil siya ay nagtiis sa pananampalataya at mabubuting gawa hanggang kamatayan. Siya ay sigurado magpakailan man dahil siya ay nakibahagi sa TInapay ng Buhay/Tubig ng Buhay.
Walang pangunahing saling Ingles na nagsalin ng zoen aionion bilang buhay para sa mga panahaon. Ito ay laging sinasaling buhay na walang hanggan o buhay na walang katapusan.
Ang mga komentarista ng Bagong Tipan ay nagmumungkahing may dalawang aspeto sa buhay na walang hanggan, kalidad at kantidad.
Nagkokomento sa buhay na walang hanggan sa Juan 3:16, sinulat ni Morris:
Ang salitang sinaling “walang hanggan” (lagi sa Evangeliong ito ay ginamit patungkol sa buhay) ay may basikong kahulugang “patungkol sa isang panahon.” Ang mga Judio ay hinati ang panahon sa kasalukuyang panahon at sa panahong darating, ngunit ang pang-uri ay ginamit ng buhay sa panahong darating, at hindi sa pangkasalukuyang panahon. “Buhay na walang hanggan” kung ganuon ay nangangahulugang “buhay sa panahong darating.” Ito ay isang konseptong eskatolohikal (cf 6:40, 54). Ngunit dahil sa ang buhay na darating ay iniisip na hindi matatapos ang pang-uri ay nagkaroon ng kahulugang “walang katapusan,” “walang hanggan.” Ang nosyon ng panahon ay nariyan. Ang buhay na walang hanggan ay hindi matatapos. Ngunit may isa pang bagay, na higit na mahalaga. Ang mahalagang bagay tungkol sa buhay na walang hanggan ay hindi ang kantidad kundi ang kaniyang kalidad (John, p. 201. Dinagdagang diin).
Ganuon din, sinulat ni Borchert,
Ang zoe aionios ay marahil pinakamainam na isaling “buhay na walang hanggan,” na nagbibigay-diin sa kwalitatib na katangian ng buhay laban sa simpleng walang katapusang pisikal na buhay o buhay na walang katapusan. Subalit, ang ganitong salin, ay hindi nangangahulugang dapat ihiwalay ang ideya ng buhay na walang katapusan dahil sinabi rin na ang mga kumain ng tinapay ng buhay ay “mabubuhay magpakailan man” (Juan 6:58) (John 1-11, p. 182).
Sinabi ni Jesus na Siya ay dumating upang tayo ay magkaroon ng buhay at ito ay tamasahin natin nang masagan (Juan 10:10). May posibleng kapunuan ng buhay na walang katapusan. Ang mga sakdal na mananampalataya ay may mas masaganang lakad kasama si Cristo kaysa mga bagong mananampalataya. Ngunit ang buhay na walang hanggan ay buhay na walang hanggan para sa lahat ng mananampalataya, mature man o hindi.
Isa sa aking mga propesor sa seminaryo, si Dr. Charles Ryrie, ay tama nang kaniyang sabihing, “Kung ang buhay na walang hanggan ay maiwawala, ito ay may maling pangalan.”