Kapag ang isang tao ay pumasok sa isang kolehiyo ng Biblia o seminaryo, natututunan nila ang kahulugan ng mga salitang hindi alam ng publiko. Nang kumukuha kami ng Biblikal na Griyego, ako at ang aking mga kaklase ay madalas magkomentong natututo kami ng gramatika ng Ingles habang natututo ng gramatika ng Griyego.
Ang salitang tipo ay pamilyar sa mga teologo. Ayon sa Merriam-Webster ang isa sa mga kahulugan ng tipo ay “isang persona o bagay (sa Lumang Tipan) na pinaniniwalaang lumalarawan ng iba (sa Bagong Tipan).” Ang mga ito ay aktuwal na pangyayaring historikal na may dalawahang signipikansiya. Sila ay tinala sa Lumang Tipan sa isang aktuwal na rason hiwalay sa tipo. Subalit, ang mga literal na pangyayaring ito ay may karagdagang signipikansiya dahil gusto ng Diyos na ang mga ito ay maglarawan ng ibang bagay (kadalasan ay patungkol kay Jesucristo).
Isang babala ang kinakailangan. Ang mga tao ay malikhain. Maaari tayong makagawa ng mga tipong hindi intensiyon ng Diyos. Narito ang ilang halimbawa mula sa Ester: si Haman ay tipo ni Satanas, si Mordechai ay tipo ni Cristo at si Ester ay tipo ng Simbahan (tingnan ang arikulong ito).
Alam nating ang isang persona o bagay ay tipo kapag 1) ang ibang Kasulatan ay sinasabing ito ay tipo o 2) ang Kasulatan ay malinaw na nagpapahiwatig na oo.i
Sa blog na ito, aking pinepresenta ang apat na mayor na tipo ng Biblia, kasama ang Kasulatang nagpapatunay na ang mga ito nga ay tipo.
Si Jonas bilang tipo ng pagkabuhay na maguli ni Cristo. Sabi ni Jesus, “Kung paanong si Jonas ay tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng malaking isda, ganuon din naman ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabing nasa puso ng lupa” (Mat 12:40). Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi natin masasabing ang Jonas ay isang parabula. Itinali ng Panginoong Jesus ang Kaniyang pagkabuhay na maguli sa historisidad ni Jonas at ng malaking isda.
Ang manna bilang tipo ni Cristo, ang Tinapay ng Kabuhayan. Sinabi ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa langit, kundi ang Aking Ama ang nagbigay sainyo ng tunay na tinapay mula sa langit… Ako ang tinapay ng buhay. Ang sinumang lumapit sa Akin ay hindi kailan man magugutom, at ang sumampalataya sa Akin ay hindi kailan man mauuhaw” (Juan 6:32-35).
Ang itinaas na ahas na tanso bilang tipo ni Cristo sa krus. Sinabi ni Jesus, “Kung paanong tinaas ni Moises ang ahas sa ilang, ganuon din naman ang Anak ng Tao ay kailangang itaas, upang ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:14-15).
Ang kordero ng Paskuwa bilang tipo ni Cristo, ang Kordero ng Diyos. Sinulat ng Apostol Pablo, “Samakatuwid alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayo ay magkaroon ng bagong kumpol, dahil kayo ay tunay na walang lebadura. Sapagkat, si Cristo nga, ang ating Paskuwa, ay inihandog para sa tin” (1 Cor 5:7). Tingnan din agn Juan 1:29, 36.
Tingnan ang artikulong ito para sa karagdagan tungkol sa mga tipo ng Biblia.
Pansining may pagkakaiba sa pagitan ng tipo at ng mga persona o bagay na may pagkakahawig kay Cristo. Tingnan ang artikulong ito na may pamagat na “Sa anumang paraan si Moises ay kagaya ni Jesus?” Maaaring magkaroon ng pagkakahawig kahit walang intensiyong tipo.
i Ang puntong ito ay subhetibo. Marahil maaari nating itakwil ito at tawagin lamang ang isang bagay na tipo kung ito ay tinatawag na tipo ng Kasulatan. Halimbawa, isa sa aking mga propesor sa seminary ay kumbinsidong ang aklat ni Josue ay tipo ng Cristianong pamumuhay, gaya ng pinapakita ng Ef 6:10-17. Maaaring tama siya. Hindi ako kumbinsidong nasa isip ni Pablo ang pananakop nang kaniyang sinulat ito. Ngunit bukas ako sa posibilidad.