Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Bookstore
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Alam Mo Ba Ang Apat Na Baitang Ng Free Grace Theology

Alam Mo Ba Ang Apat Na Baitang Ng Free Grace Theology

April 6, 2022 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Nang isang araw may binasa akong isang pagsusuri ng isang libro sa Journal of the Evangelical Society (JETS, June 2021, pp. 411-415). Ang aklat na sinuri ay Finding the Right Hills to Die On: The Case for Theological Triage ni Gavin Ortlund. Hindi ko pa nabasa ang aklat. Ngunit ang pagsusuri ay may tinurong isang kakaibang paraan ng pagtingin sa halaga ng iba’t ibang doktrinang teolohikal.

Ayon kay Eric Oldenburg, ang nagsuri, iminumungkahi ni Ortlund ang isang “apat na bahaging paghahati sa pagitan ng, ayon sa pasunud-sunod, unang baitang o esensiyal na doktrina, ikalawang baitang o kailangang kailangang doktrina, ikatlong baitang o mahalagang doktrina at ikaapat na baitang o hindi mahalagang doktrina” (p. 411). Tinawag ni Ortlund ang birheng kapanganakan at pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya bilang unang baitang na doktrina. Nakalista sa ikalawang baitang na doktrina ang cesationismo laban sa kontinuanismo at ang debateng komplementarian-egalitarian. Inilista niya ang mga doktrina ng milenyon at debateng paglalang-ebolusyon bilang ikatlong baitang. Hindi nagbigay ang nagsuri kung ano ang mga halimbawa ni Ortlund na ikaapat na baitang na doktrina.

Napaisip ako: paano ko irarango ang apat na baitang ng doktrina tungkol sa Free Grace Theology? Gaya nang inyong inaasahan, may opinyon ako tungkol dito!

Unang baitang, samakatuwid, kabilang sa mga esensiyal na doktrinang Free Grace ang nagliligtas na pananampalataya bilang persuasyon, ang katiyakan bilang diwa ng nagliligtas na biyaya, eternal na kasiguruhan, pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, ang birheng kapanganakan, ang pagka-Diyos ni Cristo, ang Trinidad, ang paghaliling kabayaran, walang limitasyong kabayaran, pagkabuhay na maguli ng katawang ni Jesus mula sa mga pataya sa ikatlong araw, at ang madaling pagbalik ni Jesus. i

Iminumungkahi ko ang mga sumusunod na doktrina bilang ikalawang baitang na doktrinang Free Grace, kailangang kailangan ngunit hindi esensiyal: hindi nagkakamaling Kasulatan, ang pagkakaiba sa pagitan ng walang hanggang kaligtasan at walang hanggang gantimpala, bautismo sa pamamagitan ng paglublob bilang unang hakbang sa pagiging alagad, at sitas sa sitas na pagpaliwanag ng Biblia.

Ang ikatlong baitang, samakatuwid, kabilang sa mga mahalagang doktrinang Free Grace ang batang pagkalalang ng mundo/young earth creationism (YEC), ang baha sa buong mundo, walang hanggang may kamalayang kaparusahan/eternal conscious torment (ECT), ang kapahamakang dala ng kontemplatibong espirituwalidad, cesationismo laban sa kontinuanismo, pamumuno ng matatanda, ang Hapunan ng Panginoon, at dispensationalismo.

Kabilang sa ikaapat na baitang, samakatuwid ay hindi mahalagang doktrinang Free Grace ang mga doktrinang walang maipakikitang epekto sa posisyong Free Grace. Tinatawag kong ikaapat na baitang na doktrinang Free Grace ang mga sumusunod: panakip sa ulo ng mga babae kapag sila’y nananalangin, pagtutuli para sa kadahilanang pangkalusugan, mga gawing may kinalaman sa pagkain para sa kalusugan, pag-inom ng alak laban sa pag-inom lamang ng tsaa, tattoos, at ang nais na salin ng Biblia.

Dito makikita kung paano ito kapraktikal.
Dapat nating maunawaang may mga taong nagpapakilalang Free Grace na may ibang esensiyal na doktrinang Free Grace mula sa aking binalangkas. Ang GES ay sinaway ng ilang taong nagpakilalang Free Grace dahil sa aming paniniwalang ang katiyakan ay diwa ng nagliligtas na pananampalataya. Kung ang isang taong nagpakilalang Free Grace ay naniniwalang ang mga Romano Katoliko at ibang mga taong naniniwala sa kaligtasan sa gawa ay ipinanganak nang muli at sigurado magpakailan pa man kahit pa hindi sila nanampalataya sa libreng regalo ng buhay na walang hanggan, dapat maunawaang sila’y hindi kalinya ng GES, at kami sa kanila. Ang dalawang posisyong doktrinal ay magkaiba sa kung ano ang dapat gawin ng isang tao para magkaroon ng buhay na walang hanggan, at ito ay naglalagay sa amin sa dalawang magkaibang landas, kahit pa ang bawat isa ay nagpapakilalang Free Grace.

Sa tingin ko ang mga doktrina sa una, ikalawa at ikatlong baitang ay hindi napakahalaga upang maghiwalay dahil sa mga ito. Alam ko halimbawa sa loob ng GES na hindi nanininiwala sa YEC, cesationismo o pamumuno ng matatanda.

Ang ilang doktrinang nilista ko bilang ikalawa o ikatlong baitang na doktrinang Free Grace ay malapit na malapit na maging dahilan para sa akin para makihiwalay: ang pagtanggi sa ECT, ang pagtanggi sa walang pagkakamali ng Biblia, at ang pagyakap sa kontemplatibong espirituwalidad. Siyempre, ayon sa aking karanasan, na ang mga taong hindi ko kasang-ayon sa mga isyung ito, ay hindi rin sang-ayon sa isa o higit pa na doktrina sa unang baitang.

Paano naman ikaw? Paano mo ipaliliwanag ang una, ikalawa, ikatlo o ikaapat na baitang ng Free Grace Theology? Anong mga doktrina ang napakahalaga na ikaw ay hihiwalay sa mga hindi sang-ayon sa iyo?

Ang susi sa doktrina ay ang pagkakaroon ng “kaisipan ni Cristo” (1 Cor 2:16). Kung ating pinanampalatayahan at itinuturo ang Kaniyang itinuro, tayo ay nasa solidong tayo kapag tayo ay Kaniyang hinatulan sa Bema.

_____
i Hindi ko minumungkahing ang tao ay hindi maipapanganak na muli kung hindi siya naniniwala sa lahat ng mga doktrinang ito. Ang nag-iisang kundisyon sa bagong kapanganakan ay ang manampalataya sa Panginoong Jesucristo para sa regalo ng Diyos, ang buhay na walang hanggan (Juan 3:16; 4:10, 14; 5:24; 6:25-27). Ngunit kung ang isang tao ay hindi naniniwala sa lahat ng mga doktrinang ito, hindi siya Free Grace.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Cart

Recently Added

February 3, 2023

Romans–Part 05–The Solution

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Kathryn Wright and Ken Yates conclude this short series as they get to the good part of the...
February 3, 2023

Here’s Why Your February Partner’s Letter Will Be Late

We send a letter each month to those who financially support the ministry of GES. We call the newsletter Partners in Grace. We try to...
February 2, 2023

Romans–Part 04–The Problem

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Ken Yates and Kathryn Wright continue this short series about Romans. Jumping to Chapter 3, they begin with...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen to Stitcher

Listen on Spotify

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Bookstore Specials

  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Paperback) $6.95 $3.00
  • Grudem Against Grace: A Defense of Free Grace Theology $15.00 $10.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Hardcover) $13.95 $5.00
  • Inerrancy for Dummies $7.95 $5.00
  • The Journey of Faith $15.00 $9.00
Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube