Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Bookstore
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Ako Ba Ay Isa Mga Halal Ng Diyos?

Ako Ba Ay Isa Mga Halal Ng Diyos?

December 29, 2022 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Ang Calvinistang doktrina ng walang kundisyong kahalalan ay dapat sanang magbigay kaaliwan sa mga tao. Noong 1978 ako ay kawani ng Cru sa NC State University. Naalala kong narinig ko ang Campus Director mula sa University of Carolina na magsalita sa doktrina ng kahalalan. Hindi ko maalalang narinig ko na ito bago nang araw na iyan. Kinakausap niya ang area staff at siya ay buhay na buhay. Ang kaniyang mga mata ay nagliliwanag sa kasiyahan. Inisip niyang kami ay magagalak na malamang hinalal ng Diyos ang iba sa buhay na walang hanggan at kinondena ang nalalabi sa walang hanggang kaparusahan.

Kahit walang edukasyong teolohikal, nakita ko ang mga butas na kaniyang pagtuturo. Hindi ko makita ang ebidensiya sa Kasulatang ang Diyos ay naghalal para sa buhay na walang hanggan. Ang nakikita ko ay ebidensiyang mahal na mahal ng Diyos ang buong sanlibutan na Kaniyang sinugo ang Kaniyang Anak, ang Panginoong Jesucristo upang mamatay sa krus para sa kasalanan ng lahat (Juan 3:16; 1 Juan 2:2).

Hindi ko makita kung paano ang kaniyang sinasabi ay makabibigay ng kaaliwan. Kung siya ay tama, wala kahit isa sa atin ang makasisigurong tayo ay ligtas. Lahat tayo ay mag-aalinlangan kung isa tayo sa mga masuwerteng halal.

Sa Biblia, ang kahalalan ay sa paglilingkod, at hindi sa eternal na kapalaran. Ang Diyos ay pinili si Abraham upang maging ama ng Kaniyang halal na bayan, ang Israel. Ang lahat ng mga Judio ay bahagi ng halal na bayan ng Diyos. Kahit ang mga hindi mananampalatayang Judio ay mga halal.

Si Judas ay isa sa mga lalaking halal upang maging alagad ni Jesus. Hindi nakarating si Jesus sa pananampalataya. Ngunit siya ay halal.

Ang Jerusalem ay halal na lunsod ng Diyos. Isang araw ito ay magiging kabisera ng Israel at ng buong mundo.

Si Pablo ay hinalal upang maging apostol. Si Matias ay hinalal upang kunin ang lugar ni Judas.

Matapos itakwil ng isang grupo ng mga Judio ang mensaheng ebanghelistiko ni Pablo tungkol sa Panginoong Jesucristo, sinabi niya, “Yamang inyong itinatakwil at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay” (Gawa 13:46). Hindi niya sinabing, “Hinatulan kayong hindi karapatdapat ng Diyos” o “Hindi kayo hinalal ng Diyos.” Ang sinabi niya ay sila ay mananagot sa pagtakwil ng libreng regalo ng buhay na walang hanggan.

Sa pakikipag-usap sa mga legalistikong Judio, sinabi ng Panginoong Jesus, “SInisiyasat ninyo ang Kasulatan dahil iniisip ninyong sa mga ito ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito ang nagpapatotoo sa Akin. Ngunit hindi ninyo ibig na lumapit sa Akin upang kayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 5:39-40). Sinabi Niyang hindi nila ibig. Hindi Niya sinabing hindi sila halal. Ang Kaniyang paggamit ng kawalang ibig bilang kriterion sa hindi pagkakaroon ng buhay na walang hanggan ay walang saysay kung ang Diyos ay naghalal ng ilan at tinakwil ang iba para sa buhay na walang hanggan.

Ang mabuting balita ay ang Diyos ay hinihila ang lahat patungo sa Kaniyang sarili at hinahayaan silang tumugon o hindi tumugon sa Kaniyang paghila. Hinihila Niya ang lahat sa pamamagitan ng kalalangan (Awit 19; Roma 1). Nagpadala Siya ng mga mensahero sa buong sanlibutan ng mensahe ng buhay na walang hanggan. Ang lahat ng naghahanap sa Kaniya ay makasusumpong sa Kaniya (Mat 7:7-11; Gawa 17:27; Heb 11:6).

Ikaw ba ay isa sa mga halal ng Diyos? Oo kung ikaw ay isang Judio. Ngunit walang kahalalan sa buhay na walang hanggan.

Tinawag ka ba ng Diyos para sa isang trabaho? Sa palagay ko malalaman lang nating ang mga bagay na kagaya nito sa Bema. Sa buhay na ito hindi natin malalaman kung tayo ba ay dapat maging doktor, abugado, tubero, pintor, pastor, misyonaryo, maybahay, guro o arkeologo. Nag-aaral tayo at natututunan natin kung ano ang gusto nating gawin. Matapos tayo ay pumipili ng landas sa buhay at sinisikap na pasiyahin ang Diyos sa pamamagitan nito. Kapag tayo ay humarap kay Cristo sa Bema, maaaring matutunan nating ang Diyos ay kumikilos sa likod ng mga pangyayari upang ikilos tayo sa isang tiyak na direksiyon. Tinatawag ko itong hindi nakikitang kamay ng Diyos. Maaring malaman nating ang unang gusto Niya para sa atin ay maging doktor. O pastor. O tubero. O arkitekto. O maybahay. O senador.i

Sinabi ng Panginoong Jesus na ang sinumang hindi manampalataya sa Kaniya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan. Ang sinuman ay nangangahulugang sinuman. Gusto ko talaga ang kantang, “Whosoever Surely Meaneth Me.” Amen.

_____

  1. Sang-ayon ako sa posisyun ni Gary Friessen sa kaniyang aklat na Decision Making and the Will of God. Sa libo-libong pagpipili na kailangan nating gawin, pinipili natin kung anong trabaho ang nais natin. Maaari tayong magbago ng mga landas ng karera nang ilang ulit. Kung ang nagawa natin ang pinakamainam na desisyon o hindi ay imposibleng malaman sa unahan. Malalaman nating tayo ay pumipili ng isang bagay na hindi pinagbabawal ng Diyos (gaya ng pagiging patutot, mamamatay-tao, nagtutulak ng droga atbp). Malalaman din natin kung tayo ay pumili ng trabahong katanggap-tanggap. Ngunit hindi natin masisigurong mas higit nating maluluwalhati ang Diyos bilang isang doktor kaysa bilang isang abugado. Kahit pa kumbinsido tayong maluluwalhati natin siya nang lubos bilang isang doktor, anong uri? Maraming uri ng mga doktor medikal. Kung tayo ay nasa pakikisama sa Diyos, sikapin nating hanapin ang pinakamainam kaysa mas mainam o sa mainam. Ngunit basta’t tayo ay pumipili ng makasisiya sa Diyos, malalaman nating ang ating mga pagpipili ay nagpaparangal sa Diyos.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Cart

Recently Added

January 27, 2023

Who Are the Elect in 1 Peter 1:1-2 and in Romans 8:28-30? Are We to Understand the “Elect” in 1 Peter the Same as the “Predestined” in Romans 8?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Bob Wilkin and Ken Yates take up a question about election and predestination. What does the Bible say...
January 27, 2023

A Novel Argument Against Inerrancy 

Kathryn Wright shared with me an interesting argument against inerrancy: I heard something today and thought it might make a good blog topic for you....
January 26, 2023

Will There Be Poor People in Heaven?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Ken Yates and Bob Wilkin answer an interesting question about our status in Heaven or the quality of...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen to Stitcher

Listen on Spotify

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Bookstore Specials

  • Inerrancy for Dummies $7.95 $5.00
  • Grace in Eclipse: A Study in Eternal Rewards (Second Edition) $15.00 $8.00
  • Confident in Christ, 2nd Edition $22.00 $5.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Paperback) $6.95 $3.00
  • The Journey of Faith $15.00 $9.00
Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube