Nang makita nga nila ang katapangan ni Pedro at ni Juan, at pagkatalastas na sila’y mga taong walang pinag-aralan at mga mangmang, ay nangagtaka sila; at nangapagkilala nila, na sila’y kasama ni Jesus.
Ang kamangmangan ay laganap nuong unang siglo. Halos limampung porsiyento ng mga Judio at Hentil ay mangmang. Kalakhan ng edukasyong natanggap ng mga Judio nuong unang siglo ay sa mga sinagoga kapag narinig nilang ituro ang mga Kasulatan ng Lumang Tipan.
Para sa mayayamang bata, ang kanilang inisyal na edukasyon ay binubuo ng pagbabasa, pagsusulat at aritmetiko, na nagtatapos sa edad 11 o 12. Magpapatuloy sila nang ilan pang taon para sa karagdagang pagsasanay, na tinatapos ang kanilang edukasyon sa mga edad 14, maliban kung sila ay tutungo sa mas mataas na antas ng pagsasanay.
Bagama’t may mga paaralan para sa mataas na pag-aaral, wala silang malalaking pakuldad na gaya ng mayroon tayo ngayon. Karamihan sa mga paaralan ay may isang guro o rabi na gagabay sa isang grupo ng mga mag-aaral. Siyempre mayroon din silang sanayang aralan at marami ang pumapasok sa mga programang aprentis upang matuto sa ilalim ng isang bihasang artisano.
Si Pedro at si Juan ay kapwa hindi nakapasok sa alin man sa mga kilalang paaralan. Masdan mo, bagama’t sila ay nagsanay ng tatlong taon at may kalahati sa paanan ni Jesus, iyan ay hindi binibilang naisang paaralan ng mga punong relihiyon. Subalit, ganito kung paano turuan ng mga rabi ang kanilang mga estudyante. Ang rabi ay uupo, at ang kaniyang mga mag-aaral ay uupo sa paligid niya at mag-aaral. Naalala ninyo si Mariang naupo sa paanan ni Jesus at nakinig sa Kaniyang magturo? Siya ay nakaupo sa isa sa Kaniyang mga klase.
Inestima na si Jesus ay nagtuturo ng pribado sa Kaniyang mga alagad ng ilang oras kada araw. Bilang karagdagan, naririnig din nila Siyang magturo sa publiko karamihan sa mga araw. Sa tatlo at kalahating taon, nakatanggap sila ng higit ng pagtuturo mula sa Panginoong Jesucristo kaysa sa natanggap ng isang seminaristang tumatanggap ng doktorada ngayon. Samantalang sila Pedro at Juan ay tinuturing na “walang pinag-aralan at mangmang,” sa katotohanan, mayroon silang mas maraming doktorada sa teolohiya at ministeryong pagpapastor mula sa seminariyo ng Hari. Natalastas ng mga nakarinig kina Pedro at Juan na si Jesus ay isang mahusay na tagapagturo (“nangapagkilala nila, na sila’y kasama ni Jesus.”).
Nakarinig ako ng mga mapanghamak na pahayag ngayon tungkol sa mga taong walang pormal na edukasyong teolohikal. Naririnig ko ito maging tungkol sa mga taong nagtapos mula sa mga paaralang gaya ng Dallas Theological Seminary, ang aking alma mater.
Nang si Rene Lopez ay nasa programang doktoral ng DTS, sinubukang niyang sipiin sila Zane Hodges at Jody Dillow sa kaniyang disertasiyon. Sinabihan siyang ang mga siping ito ay hindi nararapat dahil hindi sila nilimbag sa mga publikasyong iskolarli. Kahit pa si Hodges ay nagturo ng 27 taon sa DTS at si Dillow ay mayroong Th. M at Ph. D. mula sa DTS, ang kanilang mga sulat ay tinuturing na hindi iskolarli dahil hindi sila inilimbag sa mga diyornal na sinuri ng kapwa mga iskolar o inilimbag ng mga iskolarli na limbagan.
Maaaring isipin na ang mga tunay na iskolarling paaralang teolohikal ay ang mga kinilala ng mga iskolar bilang iskolarli! Sa Estados Unidos, mayroon lang iilang paaralang teolohikal na iskolarli gaya ng Harvard. Yale, Duke, Princeton, at Unibersidad ng Chicago. Ang Oxford, Cambridge, Tubingen, at Edinburgh ay pinahahalagahan ng husto sa Europa. Ikaw ay isang tunay na iskolar kapag nakatanggap ka ng doktorada mula sa mga paaralang ito ngayon.
Ngunit paano kung nakatanggap ka ng doktorada mula sa Talbot, DTS, Southwestern, Southern, Southeastern, Liberty, Moody, Multnomah o ilan pang paaralang hindi bahagi ng 100 na pangunahing paaralang teolohikal sa mundo? (Tingnan dito para sa lista ng pangunahing 100).
Kinikilala ko ang hirap at pagod na kailangan upang makakuha ng doktorada mula sa isang nangungunang paaralang teolohikal. Hanga ako sa talino, pagpupursige at pagtitiyaga ng taong iyan. Subalit, nalulungkot din ako para sa kaniya. Ang pagtungo sa paaralang gaya niyan ay halos garantiya na naligaw siya sa espiritwal na daan.
Ang nagpapahanga sa akin ay ang kakayahan ng isang taong i-exegete at ipaliwanag ang Salita ng Diyos. Kung ang isang taong gaya ni Spurgeon o Ironside ay magagawa ito, kahit hindi nakarating sa kolehiyo,1 pahahalagahan ko pa rin ang mga sulat ng taong iyan. Kung hindi ma-exegete o maipaliwanag ng isang tao nang mahusay ang Salita ng Diyos, hindi ko pahahalagahan ang kaniyang mga sulat.
Naalala ko ang aking rabi, si Zane Hodges, na naglapat ng Santiago 4:4 minsan sa klase. Diyan nabanggit ni Santiago na ang “pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos.” Tila ganito ang sinabi ni Zane, Kung nais mong maging iskolar ng Biblia na kinikilala ng mundo ng mga iskolar bilang isang tunay na iskolar, hindi ka magiging kaibigan ng Diyos. Kailangan ninyong magdesisyon ngayon, mga ginoo, kung nais mo ang pagsang-ayon ng sanlibutan o ng Panginoong Jesucristo. Nagalaw ako ng komentong ito.2
Ang mga teologong may doktorada mula sa mga pangunahing paaralan ay tinuturing ang mga lalaking gaya ni Hodges at Dillow na walang pinag-aralan at mga mangmang. Ang kanilang mga sulat ay hindi binibilang. Ngunit marahil iba ang kaisipan ng Diyos, gaya ng kaisipan ng Diyos na si Juan at Pedro ang dalawa sa pinakaedukado at bihasa sa buong kasaysayan ng tao.
______
- Tumigil si Ironside pagkatapos ng ikawalong grado.
- Simula sa Setyembre ng taong ito, ang GES ay magsisimulang mag-alok ng libreng kursong online para sa mga estudyante ng seminaryo, iskul ng Biblia at kolehiyo, mga pastor, mga punong simbahan, at mga misyonaryo. Ang unang klase ay aking ituturo tungkol sa doktrina ng kaligtasan, ang soteriolohiya. Kung ikaw ay interesado na kumuha niyan o ng mga susunod pang klase, i-email kami sa ges@faithalone.org. (Ang unang kurso ay libre. Hangga’t nakakapasa ang tao sa ibinigay na kurso, ang mga susunod na kurso ay mananatiling libre.)