Marami akong natanggap na tugon sa aking blog tungkol sa apat na baitang ng Free Grace Theology. Napagtanto kong kailangan kong sagutin ang ilan sa mga kasunod na komento at tanong.
Sinulat ni J. H.,
Ako ay Free Grace at sang-ayon sa iyo sa unang baitang. Hindi ako sang-ayon sa karamihan sa natitirang lista mo. Iniisip ko lang na ang ikalawa, ikatlo at ikaapat na baitang ay mga isyung hindi ako komportableng pakinggan ang turo, makisama o makitagpo sa iba. Gusto natin ang lakad kasama ang Panginoon na walang stress, at ito ang dahilan kung pinipili nating mag-ubos ng oras kasama ang mga taong kasang-ayon nating sa maraming doktrina kaysa sa hindi natin kasang-ayon. Alam kong pagdating natin sa langit, itutuwid tayo sa ating mga maling pananampalataya. Pagpalain ka ng Diyos at ang iyong ministri.
Si Tim ay may kapareho ring komento,
Salamat sa iyong blog noong Nobyembre 30 tungkol sa iba’t ibang antas ng doktrina sa Free Grace. Ang pagdesisyon kung aling doktrina ang esensiyal para sa pagkakaisa at alin ang okay na hindi sang-ayon ay isang paksang matagal ko nang pinag-iisipan nitong nakaraang mga taon. Umaasa akong susundan mo ito at tatalakayin ang iba’t ibang baitang ng doktrina Cristiana at ang mga praktikal nitong aplikasyon. Ganuon din, nasorpresa akong nilagay mo ang inerrancy bilang ikalawang baitang na doktrina at hindi unang baitang. Hihiwalay ako sa iglesiang naniniwalang ang Kasulatan ay may mga mali. Salamat sa iyong mga blogs. Binabasa ko sila araw-araw.
Paglilinaw #1. Binabanggit ko ang mga baitang ng Free Grace Theology (FGT), hindi mga baitang ng orthodoxy.
Paglilinaw #2. Hindi rin ako nagbabanggit kung paano ka magdesisyon kung anong iglesia ang dadaluhan. Nagbabanggit ako kung paano mo madesisyunan kung ang kausap mo ay FG o hindi.
Paglilinaw #3. Ako rin ay hindi dadalo sa isang iglesiang tinakwil ang inerrancy at hindi simpatiko sa karamihan sa mga elemento ng una hanggang ikatlong baitang.
Hindi lamang dahil sa pinakakomportable ka na maging bahagi ka ng iglesiang kasang-ayon ng iyong pananaw sa mga pangunahing doktrina, kundi dahil ito ay mahalaga sa iyong paglago. Oo, ito ay sa presuposisyon na ikaw ay naturuan nang maigi hanggan ngayon. Kung oo, hindi mo kailangan ang sinumang itama ang iyong pag-unawa sa pangunahing mga doktrina ng pananampalataya.
Paglilinaw #4. Hindi ako sumusulat tungkol sa isyu ng pagkakaisa at pagdesisyon kung kailangan mong humiwalay sa mga taong may partikular na teolohiya. Ang isang tao ay maaaring solidong FG (ibig sabihin sang-ayon siya sa lahat ng mga isyu sa unang baitang) ngunit may mantsa sa ibang aspeto ng kaniyang teolohiya anupa’t wala pa ring pagkakaisa sa kabuuan.
Ang mga halimbawa ay ang isang naniniwalang ang Biblia ay puno ng pagkakamali, o ang isang naniniwalang si Jesus ay maaaring mamatay sa anumang metodo at ang pagbubo ng dugo ay pigura sa kamatayan at hindi literal na kamatayan sa pamamagitan ng pagbubo ng dugo.
Paglilinaw #5. Ipinahihiwatig ko- bagama’t hindi ko ito direktang sinabi- na kung ang isang tao ay salto sa mga isyu sa unang baitang, hindi natin dapat suportahan ang kaniyang ministri, o makitrabaho sa kaniya o sikaping tulungan siya sa kaniyang ministri. Ang ilang mambabasa ay nauunawaang ito ang aking pahiwatig. Mayroong isang mambabasa na sa kaniyang pakiramdam, marami nang pagkakahati sa Kristiyanismo, na ang pagkakahati sa sirkulo ng FG ay isang masamang bagay. Baama’t hindi ko nais ang pagkakahati sa mga sirkulong FG, umiiral ang mga ito. Ang katotohanang ang isang tao ay nagpapakilalang isang FG ay hindi nangangahulugang isa siyang FG. Tangi lamang kung ang kaniyang pananampalataya ay lumalapat sa FGT siya ay FG.
Sa liwanag ng Gal 1:8-9, dapat tayong humiwalay sa mga taong nanghahawak sa mga maling pananaw sa unang baitang kahit pa nagpapakilalang FG. Sa tingin ko dapat din nating ipanalangin na makita nila ang liwanag at lumapit (o bumalik) sa katotohanan.