Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Ang Mga Homosekswal At Ang Kaligtasan

Ang Mga Homosekswal At Ang Kaligtasan

December 3, 2021 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Tanungin mo ang sinuman at ang kaniyang sagot ay magbibigay saiyo ng ideya sa kanilang pananaw sa ebanghelyo: Ano ang iyong sasabihin sa isang aktibong homosexual na dapat niyang gawin upang maligtas?

Marami ang nagmumungkahi na ang aktibong homosekwalidad ay isang kasalanan na walang kapatawaran. Marami ang naniniwala na ang isang aktibong homosekswal ay hindi maliligtas. Ang tugon nila sa tanong sa itaas ay kailangan muna nilang itigil ang kanilang homosekswal na gawain, at saka lamang sila makalalagak ng kanilang pagtitiwala kay Kristo upang maligtas.

Ang pananaw na iyan ay nagpapalungkot sa akin. Masakit sa aking loob kapag naririnig ko ang mga tao na nagsasaad ng mga ganiyang bagay. Bakit? Dahil ako ay isa ring makasalanan at kung hindi sa biyaya ng Diyos ako ay patungo sa walang hanggang kaparusahan sa impiyerno.

Kung ang isang bakla o isang tomboy ay hindi makalalapit kay Cristo sa payak na pananampalataya, walang sinumang makasalanan ang makalalapit. Ang Kasulatan ay malinaw sa puntong ito. Isa lamang kasalanan gaano man kalaki ang kailangan upang hatulan ang isang tao sa impiyerno (Galatia 3:10-14). At kahit ang pinakabanal sa mga Kristiyano ay nagkakasala pa rin hanggang siya ay sumama na sa Panginoon (1 Juan 1:8, 10; 3:2).

Kung ang mga aktibong makasalanan ay maaaring maligtas, ganuon din ang mga aktibong homosekswal. Gayundin, kung ang mga aktibong homosekswal ay hindi maliligtas, hindi rin ang sinumang aktibong makasalanan anumang uri ng kaniyang kasalanan. Kung ang mga aktibong homosekswal ay patungong impiyerno, ganuon din tayong lahat.

Ang isang tila problema sa ating pananaw ay tila baga kinukunsinti natin ang kasalanan sa pagsasabi na ang mga aktibong homosekswal ay maaaring maligtas. Subalit, ang akusasyon na ito ay hindi akma dahil hindi natin kinukunsinti ang kasalanan sa buhay ng isang mananampalataya. Nangangaral tayo laban dito. Nananawagan tayo sa mga mananampalataya na sila ay mabuhay sa buong pusong paglilingkod ni Kristo. Nananawagan tayo sa mga Kristiyano na tanggihan ang kanilang mga sarili, pasanin ang kanilang mga krus at sumunod kay Kristo araw-araw. Tinuturuan natin ang mga mananampalataya na maging alagad gaya ng iba. Ang pagkakaiba ay hindi natin tinatawag ang mga hindi mananampalataya na linisin ang kanilang mga buhay para maligtas. Tinatawag natin sila na tanggapin ang libreng regalo ng kaligtasan sa pamamagitan ng paglalagak ng pananampalataya kay Kristo lamang upang iligtas sila.

Ang isa pang tila problema sa pananaw na ito ay ang panawagan ng Kasulatan na huwag makisama sa ibang mananampalataya na sinasadya at hindi nagsisising nagpapakalulong sa mga kasalanang ito na ayon sa Kasulatan ay dapat disiplinahin ng simbahan. Isa sa mga kasalanang ito ay homosekswalidad (tingnan ang salitang pornos sa 1 Corinto 5:11). Ano pala dapat ang ating gawin sa isang bagong Kristiyano na aktibong homosekswal? Minumungkahi ko na sila ay tratuhin na gaya ng ibang bagong mananampalataya. Kailangan natin silang bigyan ng aral, pagpapasigla, pag-ibig, pag-aaruga, pakikisama at panahon para lumago. Ang 1 Corinto 5:11-12 ay hindi tumutukoy sa mga bagong Kristiyano na nagsisimula pa lamang na wakasan ang mga gawi ng kanilang lumang pagkatao. Ito ay tumutukoy sa mga mananampalataya na suwail, palaban at hindi nagsisising lumalakad sa kanilang lumang pagkatao.

Importante ring pansinin na binabanggit ni Pablo sa 1 Cor 5 na may bahagi (i. e. nasa “loob”) ng katawan ni Kristo sa Corinto na aktibong nakikiapid, mga lasenggero at iba pa (1 Corinto 5:12; tingnan din ang 5:1-5; 6:15-20; 11:21, 30). Hindi niya kinukwestiyon ang kanilang kaligtasan. Kinukwestiyon niya, sa halip, ang kanilang karapatan na makisama sa ibang mananampalataya habang sila ay nasa lugar ng suwail na hindi pagsunod.

Hayaan ang sinuman, kasama na ang mga homosekswal, na nais uminom ng tubig ng buhay na mag-aalis ng uhaw ng kanilang mga uhaw na kaluluwa, na lumapit at uminom ng libre at malaya (Juan 4:10; Pah 22:17). Sinumang sumampalataya sa Kaniya- kabilang na ang mga homosekswal- ay hindi mapapahamak ngunit mayroong buhay na walang hanggan (Juan 3:16).

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Recently Added

December 5, 2025

“Have I Shown You My Iron Cross?” 

I recently heard a story that I’m pretty confident is true. Most of us have seen pictures of the warehouses at Auschwitz. The Nazis collected all the personal effects—shoes, clothes, jewelry, toys, etc.—of those who died...
December 5, 2025

What Will a Resurrected and Glorified Body Be Like?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are going to talk about believers “with the Lord” after this current...
December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram