Ang tanong na ito ay pindala sa akin sa isang email noon July 6.
Ayon sa Awit 73:27, “Sapagka’t narito silang malayo sa iyo ay mangalilipol: Iyong ibinuwal silang lahat, na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo.”
Sa unang basa, napakahirap makita ang problema. Isa sa turo ng Luma at Bagong Tipan na ang sinumang maghimagsik sa Panginoon ay mamamatay nang wala sa oras, mananampalataya man o hindi. Iyan ang punto ng Awit 73:27.
Ano, kung ganuon, ang nagtulak sa taong ito na isipin na ang sitas na ito ay nagpapabulaan sa (doktrina ng) walang hanggang kasiguruhan?
Marahil ang salitang “mangalilipol” (perish).
Sa Juan 3:16 ang salitang ito ay nangangahulugan ng walang hanggang kapahamakan (ikumpara sa Juan 3:17-28). Samakatuwid ang nagtatanong ay naiintindihan ang unang linya sa pakahulugang, “ang sinumang malayo sa iyo ay may walang hanggang kapahamakan.”
Sa aking aklat na The Ten Most Misunderstood Words in the Bible, mayroon akong isang kabanata sa perish. Pinakita ko na 90% ng gamit nito sa Bagong Tipan ay patungkol sa kamatayan o pansamantalang kalugihan o pansamantalang pagkawasak. Ang gamit sa Juan 3:16 ay isang madalang na gamit ng salita.
Ulit ulit na pinakikita ng Bagong Tipan na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Mayroon kasalanan na nagdudulot ng kamatayan na maaaring maranasan ng lahat ng mananampalataya (1 Cor 11:30; 1 Juan 5:16-17).
Sa Awit, sa Kawikaan at sa lahat ng literaturang karunungan ng Luma at Bagong Tipan, tayo ay tinuturuan na ang paghihimagsik laban sa Diyos ay nagbubunga ng paghukom mula sa Diyos. Iyan ang punto ng Awit 73:27.
Ikumpara ang Awit 1. Ang tao na nalulugod sa kautusan ng Panginoon ay pinagpapala. Ngunit ang masama at tila ipa. Ito ay nagtapos sa, “Sapagka’t nalalaman ng Panginoon ang lakad ng mga matuwid: Nguni’t ang lakad ng masama ay mapapahamak.” Ang matuwid ay ang mga nabubuhay sa katuwiran. Ang mga masama ay ang mga nabubuhay sa kasamaan. Ang mananampalataya ay maaaring mabuhay nang matuwid o masama. Ang taong mamamatay sa paghukom ng Diyos ay maaaring mananampalataya o hindi mananampalataya. Ito ay sinumang hindi nabubuhay nang matuwid.
Ang eternal na seguridad ay patungkol sa walang hanggang patutunguhan ng isang tao.
Ang temporal na seguridad ay patungkol sa kaniyang karanasan sa buhay na ito.
Walang garantiya ng temporal na seguridad sa mananampalataya. Kung tayo ay maglalakad sa paghihimagsik laban sa Diyos, mararanasan natin ang kaniyang poot gaya ng pinakikita ng Roma 1:18-32.
Ang mga mananampalataya ay may eternal na kasiguruhan. Ngunit ang ating kabutihan sa buhay na ito at sa darating ay nakasalig sa ating paglakad sa liwanag ng salita ng Diyos at pagkumpisal ng ating mga kasalanan. Sa pamamagitan lamang ng paglakad kasama ng Diyos natin maaani ang Kaniyang mga pagpapala.