Sa Lukas 9:57–62, tatlong mananampalataya ang nagkaroon ng pagkakataong sumunod kay Cristo. Ang pagsunod kay Cristo ay isang larawan ng pagiging disipulo. May pagkakaiba sa pagitan ng pagiging mananampalataya at pagiging alagad. Ang mga lalaking ito ay may pagkakataong lumakad sa yapak ni Cristo, matuto mula sa Kaniya, at maging dakila sa Kaniyang kaharian.
Papunta ang Panginoon sa Jerusalem upang magdusa at mamatay. Wala sa mga lalaking ito ang nakauunawa kung ano ang kahulugan ng pagsunod sa Kaniya. Hindi nila natanto ang mga hirap na kaakibat ng pagiging alagad ng Panginoon.
Bawat lalaki ay magkakaiba. Sinabi ng ikatlong lalaki sa Panginoon na susundan niya Siya. Pero may kailangan muna siyang gawin. Kailangan muna niyang pumunta at “mamaalam” sa lahat ng nasa bahay niya (v 61).
Ito ay higit pa sa simpleng pamamaalam. Tinutukoy niya ang pag-aayos ng kanyang mga estado. Baka may bahay siyang ibebenta. Marahil kailangan niyang magtalaga ng isang tao upang mamahala sa kaniyang negosyo. Kailangan niyang magkaroon ng despedida kasama ang kaniyang mga kaibigan. Masaya iyon.
Hindi niya nauunawaan ang kaapurahan ng pagsunod kay Cristo. Papunta ang Panginoon sa kabisera upang harapin ang Kaniyang kapalaran. Sa sandaling matapo ang pamamaalam ng lalaking ito sa mga kakilala niya, malamang namatay na, nabuhay na maguli, at umakyat na si Cristo sa Kaniyang Ama.
Ang saloobin ng lalaking ito ay mabubuod sa pagkakaroon ng hating katapatan. Gusto niyang sumunod sa Hari at maging dakila sa Kaniyang kaharian. Pero gusto rin niyang tiyakin ang mga bagay na kaniyang pinaghirapan ay nasa maayos na kalagayan. Bahagi ng kaniyang puso ay nasa kaharian, ngunit bahagi rin ng kaniyang puso ay nasa mga bagay ng sanlibutang ito.
Ipinaaalam sa atin ng Panginoong ito ang problema ng lalaki. Sinabi Niya sa kanyang hindi maaaring gumawa para sa kaharian at lumingon pabalik. Hindi niya kayang hanapin ang kaharian at lumingon din sa kaniyang bahay. Para itong taong nagbubungkal ng bukid at patuloy na lumilingon sa likod (v 62).
Ang taong ganito, sabi ng Panginoon, ay hindi karapat-dapat sa kaharian. Mahirap para sa aking matukoy nang eksakto kung ano ang ibig sabihin ng Panginoon. Maaaring ang ibig niyang sabihin ay kagamit-gamit. Sa kasong iyon, sinasabi ng Panginoon sa lalaking ang mensahe ng kaharian ay lumalaganap sa bansa noong panahong iyon. Kung bumalik siya sa bahay para ayusin ang kaniyang mga estado, hindi siya magagamit ng Panginoon.
Pero ang salitang ito ay maaari ring mangahulugang angkop. Ang kaharian ay pamumunuan ng mga alagad na tapat na naglilingkod sa Panginoon. Ang kanilang pagkamasunurin ay nagbibigay kaangkupan sa kanila para sa mga gawaing iyon. Kung nais ng lalaking itong maging dakila sa kaharian ni Cristo, hindi siya maaaring mag-alala sa mga bagay ng sanlibutan.
Nang ibigay ng Panginoon ang Talinghaga ng Apat na Lupa, binanggit Niya ang mananampalatayang ang puso ay tila lupaing matinik. Ito ay isang mananampalatayang nakarinig tungkol sa kaharian, ngunit lumabas at “nalunod sa mga alalahanin, kayamanan, at kalayawan ng buhay.” Ang ganitong mananampalataya ay nasa kaharian ngunit hindi nagbubunga ng sakdal na bunga (Lukas 8:14).
Ang lalaking ito ay isang halimbawa ng mananampalatayang kinakatawan ng binhing nahulog sa matitinik na lupa. Gusto niyang maging mayaman sa kaharian at sa sanlibutang ito. Mahal niya pareho. Hinahamon ang lalaking ito na sumunod sa Panginoon patungong Jerusalem at magdusang kasama Niya. Kailangan niyang ilagay ang kaniyang puso sa darating na sanlibutan. Sinabihan siyang huwag ibigin ang kasalukuyang sanlibutang ito.
Ganito rin ang sinasabi rin sa atin ng Panginoon.





