Noong 2001, ang mga dating empleyado ng Enron ay nagpatotoo sa harap ng Kongreso, na pinapaliwanag kung paanong ang buong buhay nilang ipon ay nawala sa pagbagsak ng kumpanyang tila walang makababagsak. Ang kanilang pondo sa pagreretiro ay nawala. Ang kanilang trabaho at sahod ay nawala. Ang kanilang buong buhay, sa maraming kaso, ay nawala.
Kung ikaw ay mag-i-invest sa maling kumpanya, mawawalan ka ng pera. Maaaring maraming pera ang mawala sa iyo.
Ang kaparehong bagay ay totoo rin sa espirituwal, bagamat maraming mananampalatayang hindi ito natatanto. Kung iyong i-invest ang iyong pera, ang iyong oras, at ang iyong mga talento sa isang simbahang malaki, bantog at nakakaaliw ngunit hindi nagtuturong tumpak ng Salita ng Diyos, ang iyong investment ay maaaring magkaroon ng negatibong resulta sa Bema. Pareho rin sa pag-aabuloy o pagsuporta sa mga ministring parachurch, grupo ng mga kababaihan, pag-aaral ng Biblia o anumang uri ng ministri.
Maraming Cristianong hindi pa nakarinig ng Bema at hindi naniniwala sa walang hanggang gantimpala.
Sa mga alam na tayo ay hahatulan sa Bema, maraming hindi natatantong tayo ay makararanas ng pagsaway sa mga bagay kung saan in-invest natin ang ating oras, talento at kayamanan.
Sa Bema, ang ating mga investment ay aani ng maraming gantimpala. Ngunit maaari rin silang magbigay ng eternal na walang halaga o eternal na negatibong halaga.
Maging maingat tayo sa ating mga espirituwal na investments kung paanong maingat tayo sa ating mga pinansiyal na investments.
Sa Griyego, ang 2 Juan ay Beta (B) Juan. Ito ang aking ginagamit upang aking maalala na sinasabihan ni Beta Juan ang kaniyang mambabasang huwag mag-invest ng oras, talento o kayamanan sa Bad teachers (masamang mga guro). Kung oo, ikaw ay nag-aari ng shares sa kaniyang masamang espirituwal na stock (2 Juan 7-11). Maraming naglalakbay na guro noong unang siglo. Sinulat ni Juan, “Kung sa inyo’y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin: Sapagka’t ang bumabati sa kaniya ay nararamay sa kaniyang masasamang gawa” (2 Juan 10-11).
Kung ikaw ang nagmaneho ng sasakyan ng isang magnanakaw sa bangko, ikaw ay karamay sa kaniyang krimen ng pagnanakaw. Ang masaklap, kung pumatay siya habang ginagawa ang krimen, ikaw rin ay guilty ng pagpatay.
Kung ikaw ay sumusuporta sa isang ministri, simbahan o misyonaryong nagtuturo ng kahuwaran, ikaw ay nakikiramay sa masasamang gawa ng ministri o taong iyan. Ikaw rin ay guilty ng kanilang masasamang gawa.
Ang kaparehong beysikong aral ay masusumpungan sa ibang mga pasahe gaya ng 1 Cor 15:53; Gal 1:6-9; 5:7-10; Col 2:8-23; San 3:1; 1 Juan 2:24-28.
i-invest ninyo ang iyong oras, talento at kayamanan nang may karunungan at magagalak kang ginawa mo ito. Ngunit huwag mong kalilimutang may panganib ang mga espirituwal na investment. Siguruhin mong nag-i-invest ka sa katotohanan.
Ang salitang katotohanan ay ginamit nang siyam na beses sa Alpha Juan, limang beses sa Beta Juan at anim na beses sa Gammai Juan. Iyan ay dalawampung gamit ng salita sa loob lamang ng pitong kabanata. Sa kaniyang mga epistula, binigyang diin ni Juan ang pag-i-invest sa katotohanan. Kung gagawin natin ito, tayo ay “kasama sa paggawa sa katotohanan” (2 Juan 8). Binigyang diin niya ring huwag mag-invest sa mga gurong “antikristo” (1 Juan 2:18, 22; 2 Juan 7), “magliligaw” (1 Juan 2:26; 3:7; 2 Juan 7) at “hindi nananahan sa aral ni Cristo” (2 Juan 9).
Kahit mayroon tayong mabuting motibo sa pag-aabuloy sa mga huwad na doktrina, tayo ay nakikiramay sa kanilang masasamang gawa sa paggawa nito. Ang ating mga mabubuting motibo ay hindi maaalis ang katotohanang sa pag-invest sa masamang guro, tayo ay nakikiramay sa kaniyang mga gawang hindi nakalulugod sa Diyos.
Manatiling nakapokus sa biyaya at ikaw ay gagawa ng marurunong na espirituwal na investment ng iyong oras, talento at kayamanan.
___________________________
i Ang mensahe ng Gamma Juan o 3 Juan ay: Mag-invest ng inyong oras, talento at kayamanan sa Good teachers (mabubuting guro).


