Dahil dito’y nagtiis din ako ng mga bagay na ito: gayon ma’y hindi ako nahihiya; sapagka’t nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang siya’y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya hanggang sa araw na yaon.
Pagkatapos sipiin ang 2 Tim 1:12, nagtanong si Steve,
- Ano ang ‘bagay na pinagkatiwala’ ni Pablo na iingatan ng Diyos?
- Ano ang ibig sabihin ng “araw na yaon” (KJV)?
Ang mga komentarista ay may nakikitang dalawang posibleng sagot sa bawat tanong ni Steve.
Patungkol sa pinagkatiwala, o dineposito, sa Diyos, ang ilan ay nagsasabing ito ay ang ministri ng evangeliong pinagkatiwala ng Diyos kay Pablo. Ang iba ay nagsasabing ito ang ministri ng evangeliong pinagkatiwala ni Pablo sa Diyos.
Patungkol sa Araw na yaon, ang ilan ay iniisip na ito ang Dakilang Puting Luklukan (hal, si Gunthrie sa serye ng Tyndale) at ang ilan ay inisip na ito ay Hukuman ni Cristo (hal, si Hiebert sa kaniyang komentaryo sa Ikalawang Timoteo).
Ang Griyego ay maisasaling tila tuod sa ganitong paraan: “Sapagkat nakikilala ko ang aking sinampalatayahan, at kumbinsido akong maiingatan Niya ang aking deposito sa Araw na iyan.”
Ang aking deposito ay pinakanatural na tumutukoy sa dineposito o pinagkatiwala ni Pablo sa Diyos. Hindi ganito ang isusulat ni Pablo kung tinutukoy niya ang dineposito ng Diyos sa kaniya.
Ang Araw na pinag-uusapan ay hindi maaaring tumukoy sa Dakilang Puting Luklukan sapagkat ang mga mananampalataya ay hindi hahatulan dito (Juan 5:24). Ang mga mananampalataya ay hahatulan sa Hukuman ni Cristo (2 Cor 5:9-10). Tila nanghahawak si Gunthrie sa pangunahing pananaw sa mga sirkulong Cristianong may iisa lamang esktolohikal na paghuhukom, at ang eternidad ng bawat isa ay babanggitin sa Dakilang Puting Luklukan matapos konsultahin ang mga aklat ng mga gawa.
Ang salitang sinaling ipinagkatiwala ay parathēkē. Ito ay ginamit lamang ng dalawang ulit pa sa BT, pareho sa mga sulat kay Timoteo. Sa parehong kaso, tinutukoy ni Pablo ang pinagkatiwala ng Diyos kay Timoteo (1 Tim 6:20; 2 Tim 1:14).
Subalit, maraming sitas sa BT na gumamit ng katumbas na lenggwahe upang ipantukoy sa pinagkatiwala natin sa Diyos o sa gantimpala sa hinaharap. Sa Mat 6:19-21, sinabi ng Panginoong tayo “ay mag-impok ng kayamanan sa langit.” Samakatuwid, ipinagkakatiwala natin sa Kaniyang pag-iingat hanggan sa Bema. Sa 1 Ped 4:19, sinabi ni Pedrong ating ipagkatiwala ang ating mga buhay “sa Kaniya sa paggawa” ng mabuti upang tayo ay magharing kasama Niya sa buhay na darating (tingnan Hodges, 1-2 Peter & Jude, pp. 19-20, 59).
Sinabi ni Pablo sa Fil 4:17, “Hindi sa ako’y naghahanap ng kaloob; kundi hinahanap ko ang bunga na dumadami sa ganang inyo.” Lahat ng mananampalataya ay may ERA- Eternal Retirement Account. Anumang ating ideposito rito (ipagpalagay nating tama ang ating motibo) ay gagantimpalaang lubos.
Tingnan din ang Lukas 8:11-15; 19:16-26; 1 Cor 3:10-15; 9:24-27; 2 Cor 5:9-10.
Maraming taong nakalipas, may natanggap akong regalong may kasamang liham: “Hindi ko ito maisasama, kaya ipagpapauna ko na ito.”
Ipinagkatiwala ni Pablo ang kaniyang buong buhay at ministri kay Cristo. Alam niyang siya ay mababayaran nang lubos sa Bema, “Sapagka’t napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito’y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin” (Roma 8:18).


