Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Natumbang Magandang Puno

Natumbang Magandang Puno

November 18, 2025 by Ken Yates in Ang Tinig ng Biyaya

Hanggang sa linggong ito, isang napakalaking puno ang tumubo sa gitna ng parke ng simbahan. Ang lilim nito ay isang magandang lugar upang iparke ang iyong kotse upang hindi ito uminit nang husto sa ilalim ng araw.

Labimpitong taon akong dumadalo sa simbahang iyan, at ang puno ay naroon sa buong panahong iyon. Para sa akin, ito ay napakaganda at napakalusog. Ngunit wala akong alam sa mga puno. Nang pumunta ako sa simbahan nitong nakaraang Linggo, ang puno ay nakatumba sa kaniyang gilid, ang kaniyang katawan ay bukas na.

Inisip kong baka may malakas na hanging umihip sa lugar, ngunit ang katotohanan ay natumba lang ang puno. Ang mga maalam sa mga puno ay masasabing ang puno ay nabubulok sa loob. Ang totoo, nabubulok na ito sa maraming taon. Nagitla ako.

Ang leksiyon siyempre ay hindi natin mahahatulan ang aklat sa kaniyang pabalat. Ang lahat ay hindi laging kung ano ang nakikita. Sinabi ng Panginoon ang kaparehong bagay sa Pah 3:17. Kinakausap Niya ang simbahan sa Laodicea. Iniisip nilang sila ay mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at “hindi… nangangailangan ng anoman.” Marahil ang simbahang ito ay may ilang mayayamang miyembro. Dahil sa ang unang simbahan ay nagtitipon sa mga bahay, ang simbahan sa Laodicea ay nagtitipon marahil sa magagandang mga bahay ng mga miyembrong ginagalang sa komunidad. Marahil ang iba ay bahagi pa ng lokal na pamahalaan. Ito ay isang napakakomportableng simbahan.

Sa panlabas, ang mga bagay ay tila maayos. Ngunit sinabi ng Panginoon na ang mga miyembro ng simbahan ay “aba at maralita at dukha at bulag at hubad.” Tinutukoy Niya ang kanilang espirituwal na kalagayan. Sila ay tila puno sa parke. Sa panlabas na nanunuod na walang alam, ang simbahan ay napakalusog. Iisipin ng nagmamasid na ang simbahan ay may malaking epekto sa lunsod ng Laodicea.

Ngunit pagdating sa panloob na mga katotohanang espirituwal, sila ay bulok sa kaloob-looban. Sila ay mga mananampalataya ngunit walang intimasya sa Panginoon. Wala silang pakikisama sa Kaniya. Nais Niyang alisin nila ang kanilang kabulukan sa pagtalikod mula sa kanilang kasalanan ng pag-ibig sa sanlibutan. Dapat nilang hanapin ang malusog na espirituwal na estado at komunyon sa Kaniya. Kung hindi, iluluwa sila ng Panginoon mula sa Kaniyang bibig. Hindi ito tumutukoy sa pagkawala ng kaligtasan na imposibleng mangyari. Nangangahulugan itong ang kanilang kasalukuyang estado ng espirituwal na maturidad ay nakakasuka. Kung ito ay magpapatuloy, didisiplinahin sila ng Panginoon dahil wala silang pakinabang espirituwal. Ang punong nakatumba sa parke ng simbahan ay isang mabuting  ilustrasyon ng kanilang intimasya sa Panginoon. 

May naiisip akong paraang ito ay aplikable sa mga mananampalataya ngayon. Ang isang simbahan ay maaaring maganda sa labas. Ito ay may malaking gusali, malaking kongregasyon at aktibong programa sa kabataan at sa musika. Ngunit kung ang matuwid na doktrina ay hindi tinuturo, at kung ang mga tao ay hindi tumutugon sa turong iyan, ang mga bagay ay maganda lang sa labas. Sa loob ay may kabulukan.

Ang kaparehong sitwasyon ay maaaring mangyari sa indibidwal. Ang isang mananampalataya ay maaaring dumadalo sa simbahan at maaaring aktibo rito. Ngunit kung wala siyang interes sa Salita ng Diyos, siya ay kagaya ng puno sa aming parke. Ang isang indibidwal ay maaaring estriktong legalista at panlabas ay tila maturong espirituwal ngunit wala siyang pakikisama sa Panginoon dahil hindi siya nababago sa loob ng Espiritu (2 Cor 3:18; Roma 12:1-2).

Kumusta tayo? Kumusta ang simbahang ating dinadaluhan? Tayo ba ay kagaya ng puno sa parke- kagaya ng simbahan sa Laodicea? Nakalulungkot madiskubre ang katotohanan sa magandang punong iyon. Hingiin natin sa Kaniyang ingatan tayong lahat na maging kagaya ng punong iyan kapag Kaniyang hinatulan ang ating panloob na “katawan” sa Hukuman ni Cristo.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Ken_Y

by Ken Yates

Ken Yates (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Editor of the Journal of the Grace Evangelical Society and GES’s East Coast and International speaker. His latest book is Mark: Lessons in Discipleship.

Recently Added

December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...
December 4, 2025

What Is Annihilationism and What Is Universalism?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling will continue the topic of Eschatology. More specifically, this episode focuses on...
December 3, 2025

Disunity: Not a Minor Problem 

Israel was at war. The Midianites and their allies had severely afflicted the nation for seven years (Judg 6:1). However, God raised up Gideon to defeat those enemies...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram