Alam ba ni Adan at Eva ang doktrina ng eternal na mga gantimpala? Paano ang mga sumunod na henerasyon? Si Enoch (ang ikapaitong henerasyon)? Si Abraham (ang ikadalawampung henerasyon)? Si Moises (ang ika-dalawampu’t anim na henerasyon)? O si Haring David (ang ikatatlumpo’t apat na henerasyon)?
Iba-ibang salita ang ginamit sa LT upang pantukoy sa ideya ng gantimpala: ang gantimpala, bayad, ani at paghuhukom ay apat sa pinakaprominente. Samantalang malinaw na alam ng mga mananampalataya sa LT na ginagantimpalaan ng Diyos ang maka-Diyos na pamumuhay, ang tanong ay kung alam nilang ang mga gantimpala ng Diyos ay nagpapatuloy lagpas sa buhay na ito. Alam ba nilang tatanggap sila ng eternal na mga gantimpala para sa matapat na paglilingkod?
Maraming pasahe sa LT ang nagtuturo o nagpapahiwatig ng eternal na mga gantimpala. Pumili ako ng dalawa upang ikunsidera.
Daniel 12:2-3. Sinulat niya, “At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba’y sa walang hanggang buhay, at ang iba’y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak. At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man.”
Ito ang isa sa pinakamalinaw na teksto sa OT sa eternal na mga gantimpala, bagamat maraming komentarista ang iniisip na ang isyu rito ay eternal na hantungan lamang, at hindi eternal na buhay at posibleng eternal na mga gantimpala. Halimbawa, pansinin ang komentaryo ni J. Dwight Pentecost sa The Bible Knowledge Commentary:
Ang mga hindi mananampalatayang Judio ay ibabangon muli sa kahihiyan at walang hanggang kadustaan at hindi makilalahok sa mga pagpapala ng tipan. Subalit, ang mga Judiong nanampalataya sa Mesiyas ay ibabangon muli sa buhay na walang hanggan at sa posisyun ng kapurihan sa milenyal na kaharian ni Cristo. Dahil niluwalhati sa kaharian, sila ay magniningning gaya ng kaliwanagan ng langit. (cf Mat 13:43, “Kung magkagayo’y mangagliliwanag ang mga matuwid na katulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama.”) Sila ay marurunong, sapagkat sila ay nagtiwala sa Mesiyas kahit ito ay nagresulta sa kanilang pagdurusa (“Daniel,” pp. 1372-73).
Ang problema sa pananaw na ito ay hindi lahat ng mananampalataya sa LT ay marunong at hindi lahat ay yumakap sa katuwiran.
Si Daniel ay nagsasalita tungkol sa dalawang uri ng mananampalataya. Lahat ng mananampalataya ay ibabangon sa buhay na walang hanggan. Ngunit ang mga marunong na mananampalatayang nagdala ng marami sa katuwiran ay ibabangon sa espesyal na kapunuan ng buhay na walang hanggan.
Ang pagkukumpara ng Dan 12:2-3 at Mat 13:43 at Roma 8:17b ay nagpapakitang ang isyu rito ay eternal na mga gantimpala, hindi eternal na kapalaran.
Mangangaral 12:13-14. Tinapos ni Solomon ang aklat na ito ng mga salitang ito: “Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka’t ito ang buong katungkulan ng tao. Sapagka’t dadalhin ng Dios ang bawa’t gawa sa kahatulan, pati ng bawa’t kubling bagay, maging ito’y mabuti o maging ito’y masama.”
Ito ang sinabi ni Brad Doskocil sa nalalapit na Grace Old Testament Commentary sa mga mahahalagang sitas na ito:
12:13. Pagkatapos na masiyasat ang lahat ng ebidensiya, ang konklusiyon ay matakot sa Diyos at tuparin ang Kaniyang mga utos…
12:14. Ang konklusiyon ay pangkalahatan ang abot. Ang Diyos ang hahatol sa bawat gawa ng tao. Ang gawa ng bawat isa ay hahatulan ni Jesus sapagkat Siya ang hukom (Juan 5:22-23). Ang Biblia ay nagpapakita ng dalawang magkahiwalay na paghukom sa gawa ng mga tao: isa para sa mga mananampalatayang may taglay na buhay na walang hanggan at isa para sa mga hindi mananampalatayang hindi pa naipanganak na muli.
Para sa mga mananampalataya, ang kanilang paghuhukom ay mangyayari kapag si Jesus ay bumalik sa mundo upang sakupin ito at itatag ang Kaniyang kaharian sa lupa (Mat 16:27, Lukas 14:14, 2 Tim 2:12, Pah 2:26-27, 3:21, 20:4-6). Ang paghuhukom na ito ay tinawag na Hukuman ni Cristo (2 Cor 5:10). Susuriin ni Jesus ang bawat gawa ng bawat mananampalataya, mapa-mabuti o masama, at gagantimpalaan siya ayon dito. Ang mga ito ay mga eternal na mga gantimpalang tatagal kailan pa man. Gagantihan niya ang Kaniyang mga manggagawa para sa kanilang paglilingkod.
Mayroon ding ilang teksto ng BT na nagsasabi sa ating ang mga mananampalataya ng LT ay motibado ng mga eternal na gantimpala.
Hebreo 11. Sinasabi nito sa ating:
- Si Moises ay naghahanap ng isang eternal na gantimpala (v26). Tinuring niya ang gantimpala sa hinaharap na mas dakila kaysa sa lahat ng kayamanan ng Egipto.
- Si Abraham ay naghahanap ng Bagong Jerusalem (v10).
- Ang mga martiro ay nagdusa sa antisipasyon ng “isang mas mabuting pagkabuhay na maguli” (v35).
Sinabi sa atin ng Hebreo 12:2 na ang Panginoon mismo ay motibadong tumungo sa krus para sa eternal na mga gantimpala: “para sa kasiyahang nilagay sa Kaniyang harapan.”
Ang Apat na Evangelio. Nang ang Panginoong Jesus ay nagturo tungkol sa eternal na mga gantimpala, tinuturuan Niya ang mga taong kabilang sa LT, hindi sa mga kabilang sa panahon ng simbahan. Ang Simbahan ay hindi nagmula hanggang sa matapos ang kamatayan, pagkalibing, muling pagkabuhay at pag-akyat ni Jesus.
Ang Parabula ng mga Mina (Lukas 19:11-27) ay malinaw na isang turo bago ang simbahan na kapag si Jesus ay dumating, ang ilan ay makaririnig ng, “Mahusay, mabuting lingkod,” at ang ilan ay bibigyan ng pamamahala sa sampung lunsod. Ang ilan ay hindi makaririnig ng, “Mahusay,” ngunit bibigyan ng pamamahala sa limang lunsod. At ang ilan ay sasawayin at hindi tatanggap ng anumang pamamahala, bagamat sila ay nasa kaharian hindi kagaya ng mga hindi mananampalatayang papaslangin sa v27.
Ang Parabula ng Matuwid at Hindi Matuwid na Alipin (Mateo 24:45-51) ay nagtuturo sa mga kabilang sa LT na kapag ang isang mananampalataya ay mabuti ang gawa at nasa linya ng pamamahala sa buhay ay mag-isip na, “Ang Panginoon ay mahuhuli sa Kaniyang pagbabalik,” maaari siyang mahulog sa pakikisama sa Panginoon at maiwala ang karapatang mamahala at maghari. Taglay niya pa rin ang buhay na walang hanggan ngunit hindi ang gantimpala ng pamamahala.
Ang ilan pang halimbawa ng turo ng gantimpala sa Evangelio ay: Ang Parabula ng Sampung Dalaga, ang Parabula ng Talento, Ang Parabula ng Mga Tupa at Mga Kambing, at Mateo 6:19-21.
Maraming nalalaman ang mga mananampalataya bago ang kapanganakan ng Simbahan patungkol sa eternal na mga gantimpala kaysa ating inaakala.
Posibleng mas mataas ang persentahe ng mga mananampalataya sa LT na naniniwala sa eternal na mga gantimpala kaysa sa mga mananampalataya sa BT ngayon.
Nilikha tayo ng Diyos na likas na motibado ng mga gantimpala. Totoo ito sa lahat ng aspeto ng buhay, kabilang na ang Cristianong pamumuhay. Totoo rin ito sa buhay ng mga mananampalataya sa LT, mapa-Judio man o Gentil.
Manatiling nakapokus sa biyaya sa pagiging motibado ng posibilidad ng eternal na mga gantimpala.


