Madalas para sa mga Evangelikong maunawaan ang salitang ang masama bilang pantukoy sa mga hindi ligtas. Pansinin ang mga sumusunod na sitas bilang halimbawa:
At lumapit si Abraham, at nagsabi, “Ang mga banal ba ay iyong lilipuling kasama ng mga masama?” (Genesis 18:23)
Ang Dios ay matuwid na hukom, Oo, Dios na may galit araw-araw. (Awit 7:11)
Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios. (Awit 9:17)
Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli: nguni’t ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay. (Awit 37:21)
Nguni’t ang masama ay mahihiwalay sa lupain, at silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot. (Kawikaan 2:22)
Ang lakad ng masama ay parang kadiliman: Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran. (Awit 4:19)
Pagka ang ipoipo ay dumadaan ay nawawala ang masama: nguni’t ang matuwid ay walang hanggang patibayan. (Awit 10:25)
Maraming Evangeliko ang nauunawaan ang lahat o karamihan sa mga sitas na ito bilang pantukoy sa mga taong hindi ligtas. Ngunit tama ba ito?
Ang masama sa Kasulatan ay tumutukoy sa mga naghihimagsik laban sa Panginoon. Kasama rito ang mga ipinanganak nang muli at hindi pa ipinanganak nang muli. Ang isyu ay kanilang gawi, hindi ang kanilang pananampalataya. Sa mga sitas gaya ng Awit 9:17, ang impiyerno ay tumutukoy sa Sheol, ang lugar kung saan ang lahat ng mga patay- ligtas at hindi- ay tumutungo sa panahong iyan (cf Lukas 16:19-31). Sinasabi ng mang-aawit na ang masama ay mamamatay nang wala sa oras (cf Aw 37:20, 28).
Mahirap makahanap ng mga sitas na malinaw na gumagamit ng masama bilang pantukoy sa hindi pa naipanganak na muli. Sa katotohanan, nakasumpong lang ako ng isa!
Ang tanging sitas na aking nasumpungang malinaw na ginamit ang masama bilang pantukoy sa hindi pa naipanganak na muli ay Mat 13:49-50: “Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid, At sila’y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.”
Siyempre may kahalintulad na ekspresyong dapat nating ikunsidera: “…at ang mga nagsigawa ng masama… ay makararanas ng “…pagkabuhay na maguli sa paghatol” (Juan 5:29). Maraming paraan upang maipaliwanag ang sitas na ito. Iminungkahi ni Niemelang ang Panginoon ay nagsasalita ng isang bagay na hipotetikal ngunit imposible (Autumn 2022 JOTGES). Ito ay isang pananaw na may magandang pangako.i
Kapag nakita ninyo ang ekspresyong ang masama sa Kasulatan isipin ninyo ang mga lumalakad sa paghihimagsik laban sa Diyos, mapa-mananampalataya man o hindi. Tanging sa iilang kaso lamang sila tumutukoy sa mga hindi pa naipanganak na muli.
Umaasa akong tayong lahat ay takot sa posibilidad na mahulog palayo at mamuhay nang masama. Mayroon pa rin tayong buhay na walang hanggan. Ngunit aanihin natin ang paghatol ng Diyos sa buhay na ito, at sa Bema, tayo ay mananagot sa oras na ating ginugol sa malayong espirituwal na lugar.
Aralin nang maingat ang Kasulatan at mapapanatili ninyo ang pokus sa biyaya.
i Iminungkahi niyang ang Panginoon ay nagsasabing kung ang sinuman ay namuhay nang perpektong buhay mula sa konsepsiyon hanggang sa libingan- isang bagay na imposible- siya ay makikilahok sa pagkabuhay na mag-uli ng mga matuwid. Ang sinumang hulog dito ay lalahok sa pagkabuhay na mag-uli sa kahatulan, malibang ang kanilang mga pangalan ay masumpungan sa Aklat ng Buhay sapagkat nanampalataya sila kay Jesus para sa buhay na walang hanggan.
Kung ang mananampalataya ay namumuhay nang masama, siya ba ay masama?


