Sa Ef 2:8-9, sinabi ni Pablong ang buhay na walang hanggan ay “kaloob o regalo ng Diyos.” Maaaring may tumutol sa sinabi kong ito, dahil ang aktuwal na sinabi ni Pablo ay ang kaligtasan ang kaloob ng Diyos (“Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya… ito’y kaloob ng Dios, hindi sa pamamagitan ng mga gawa…”). Ngunit tatlong sitas sa itaas, nilinaw ni Pablong ang kaligtasan sa biyaya sa pamamagitan ng mga gawa ay tumutukoy sa espirituwal na muling pagbuhay (Ef 2:5).
Sa Juan 4:10, nagbanggit ang Panginoong Jesus ng “kaloob ng Diyos.” Sa v14, nilinaw niyang ang kaloob ng Diyos ay ang buhay na walang hanggan.
Ang buhay na walang hanggan ay isang kaloob. Ngunit ito ay may kundisyon. Upang matanggap ang kaloob na ito, kailangang manampalataya sa Panginoong Jesucristo para sa buhay na ito (Juan 3:16; 4:10-26; 5:24; 6:35, 37, 39, 47; 11:25-27; 20:31).
Ngunit hindi ba’t ang kaloob na ito ay libre sa tumanggap? Oo. Tingnan ang Pah 21:6 at 22:17. Ang tubig ng buhay ay libre sa lahat ng nais ito.
May pagkakaiba sa pagitan ng gastos at kundisyon. Ang isang bagay ay maaaring ibigay nang may kundisyon ngunit walang gastos sa tumanggap. Ganito ang kaso ng buhay na walang hanggan. Ang Panginoong Jesucristo ang nagbayad ng buong halaga ng kaloob na ito.
Ngunit ang kaloob na ito ay hindi ibinigay sa laaht. Ito ay ibinigay sa lahat ng nanampalataya sa Panginoong Jesucristo.
Tinawag din ng San 1:17-18 ang buhay na walang hanggan na kaloob ng Diyos, na tinanggap sa pagsampalataya sa “salita ng katotohanan” patungkol sa buhay na iyan.
Maraming taong naunawaan ang kundisyonalidad ng kaloob, ngunit mali ang pagkaunawa ng kundisyon.
Ang iba ay nagsasabing ang kundisyon ay tunay na pananampalataya, na kanilang pinaliwanag bilang pagtalikod sa ating mga kasalanan, pagsuko at pagtalaga ng sariling maglingkod sa Diyos hanggang sa katapusan ng ating mga buhay. Mali. Ang kundisyon ay pananampalataya kay Cristo.
Ang iba ay nagsasabing ang kundisyon ay pagtanggap kay Cristo, na sabi nila ay pag-imbita kay Cristo sa iyong puso. Mali. Ito ay pananampalataya kay Cristo.
Ang iba ay nagsasabing ang kundisyon ay pagpahayag kay Cristo, na sabi nila ay paglakad sa unahan. Mali. Ito ay pananampalataya kay Cristo.
Ang iba ay nagsasabing ang kundisyon ay bautismo, ang paglubog sa tubig. Mali. Ito ay pananampalataya kay Cristo.
Ang buhay na walang hanggan ay kaloob ng Diyos. Ito ay tiyak na mabuting balita (tingnan ang Gal 1:6-9; 2:16). Ngunit siguraduhin mong alam mong natupad mo ang kundisyon. Ito ay simple. Ipinangako ni Jesus ang buhay na walang hanggan sa lahat ng nanampalataya sa Kaniya para rito. Walang taling nakakabit. Sa sandaling manampalataya ka sa Kaniya, ikaw ay may kasiguruhan magpakailan man. Ang buhay na walang hanggan ay tunay na buhay na nagtatagal magpakailan man.
Manatiling tiyak ng iyong eternal na kapalaran at mapapanatili mo ang pokus sa biyaya.


