Marami sa mga nasa simbahan ngayon ang naniniwalang ang tunay na mananampalataya ay hindi mabibigo sa moralidad, o kung oo man, hindi malala. Kung ang taong ito ay “nahulog” sa mahabang panahon, nagpapakita lamang itong siya ay huwad na professor (hanggang salita lamang), ayon sa kanilang teolohiya.
Ang mga nakakaunawa ng biyaya ng Diyos ay batid na ang ganitong teolohiya ay walang saysay. Tinuturo ng Bibliang ang isang mananampalataya ay maaaring mabigo sa kaniyang Cristianong pamumuhay- at maaari siyang mabigo sa loob ng mahabang panahon. Kabilang dito ang mga mananampalatayang dati ay namumuhay nag matuwid sa pagsunod sa Panginoon.
Si Demas ay isang bantog na halimbawa. Siya ay naging tapat na lingkod ng simbahan, kamanggagawa ni Pablo sa kaniyang mga misyonaryong paglalakbay. Ngunit inibig niya ang sanlibutan at iniwan si Pablo nang sandaling kailangang kailangan niya si Demas (2 Tim 4:10). Sinulat din ni Pablo na ang maturong mananampalataya ay maaaring mahulog (2 Pedro 2:22).
Ang mga mananampalatayang nahulog ay hindi maiwawala ang kanilang buhay na walang hanggan. Ngunit ano ang kapalit? Ang mga mambabasa ng blog na ito ay dagling maibibigay ang Biblikal na sagot. Ang mga mananampalatayang ito ay maiwawala ang kanilang mga gantimpala at mapapailalim sa disiplina ng Diyos sa kanilang mga buhay. Lahat ng ito ay totoo.
Ngunit may isa pang konsekwensiya ng kabiguang ito. Hindi natin ito madalas mabanggit. Ang ganitong mga kabiguang moral ay may negatibong epekto sa ibang mananampalataya. Gagamitin ko ang salitang dismaya, ngunit ang ibang salita ay gagana rin.
Nang iwan ni Demas si Pablo at tumungo sa Tesalonika, ano sa tingin inyo ang inisip ng mga mananampalataya sa lunsod na iyan nang siya ay makita? Kung alam nilang siya ay matapat na naglilingkod sa Panginoon, siya ay magiging isang malaking dismaya sa kanila. Ang mga hindi mananampalatayang alam ang kaniyang nakalipas ay ituturo si Demas at kukutyain ang mga mananampalataya sa Tesalonika. Sasabihin ng mga hindi mananampalatayang sa wakas nakita ni Demas ang liwanag at pinakitang kahangalan ang mamuhay nang matuwid. Sasabihin nilang hangal si Demas sa kaniyang pagsunod kay Pablo sa kung saan-saan. Ang implikasyon ay ang mga mananampalataya sa Tesalonikang naglilingkod sa Panginoon ay mga hangal din. May pribilehiyo pa nga si Demas na maglingkod kasama ni Pablo. Ang mga hindi mananampalataya ay sasabihing karunungan ang iwan ang ganiyang uri ng buhay. Mahirap para sa mga mananampalataya sa Tesalonikang tumugon sa ganitong mga obserbasyon.
Ganito rin ang sinabi ni Solomon sa Kaw 25:25-26. Pinansin niya kung ano ang malamig na tubig sa pagod na tao. Ngunit may isa pang uri ng tubig. Ano kaya ang kapareho ng pag-inom ng nalabusaw na tubig o tubig mula sa maruming sapa?
Kinumpara ni Solomon ang dalawa. Sinabi niyang ang pag-inom ng dalisay at malamig na tubig ay gaya ng pagtanggap ng mabuting balita. Ito ay nagpapalakas sa atin. Pinasasaya tayo nito.
Ang pag-inom ng maruming tubig ay kabaligtaran. Ito ay tila pagtanggap ng masamang balita. Ngunit espisipiko si Solomon. Sinabi niya kung naong uri ng balita ang nasa kaniyang isipan. Isang masamang balita kapag “ang matuwid na tao na nagbigay daan sa harap ng masama.” Sa isang grapikong ilustrasyon, sinabi ni Solomong kapag nakita nating nahulog ang isang matuwid na tao, ito ay tila pag-inom sa isang maruming balon. Isipin mong naghanap ka ng pagkukunan ng tubig para mapatid ang uhaw upang masumpungan itong marumi. Anong laking pagkadismaya!
May tendensiya tayong mag-akala na ang ating mga espirituwal na buhay ay may epekto lamang sa ating mga sarili. Mali ito. Ang ating buhay ay may epekto sa iba. Ang isang mananampalataya- lalo na ang isang tapat at maturo- na nahulog sa kasalanan ay may negatibong epekto sa ibang mananampalataya. Kasama na rito ang kaniyang pamilya, mga kaibigan at mga miyembro ng kaniyang simbahan. kapag nakita nila ang kabiguan ng kanilang minamahal o kaibigan, ito ay tila pag-inom ng maruming tubig.
Sinabi ng Panginoong ibigin natin ang bawat isa, lalong lalo na ang kapwa mananampalataya. Maaaring hindi natin batid, ngunit ang “hulog” na Cristiano ay hindi umiibig sa iba. Iniisip niya lamang ang kaniyang sarili. Ganito ang ginawa ni Demas.
Ang pinakapunto: May responsabilidad tayo sa ating mga kapatid na lalaki at babae kay Cristo. Hayaan natin ang ating mga buhay na maging malamig na inuming tubig sa isang napakainit na araw. At ganito ang ating buhay kung paglilingkuran natin ang ating mga kapwa mananampalataya at ang ating Panginoon. Huwag natin silang idismaya.


