Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Apat Na Napakatagumpay Na Babaeng Magsasaka (Lukas 8:8)

Apat Na Napakatagumpay Na Babaeng Magsasaka (Lukas 8:8)

May 20, 2025 by Ken Yates in Ang Tinig ng Biyaya

Ipinakita ng Lukas 8:4-15 ang bersiyon ni Lukas ng talinhaga ng apat na lupa. Karamihan sa mga mambabasa ng blog na ito ang pamilyar sa talinhagang tinuro ng Panginoon. Isa sa pagkakaiba sa pagitan ng bersiyon ni Lukas at ng bersiyon ni Marcos ay makikita sa Lukas 8:8. Sinabi ni Marcos na ang lupa ay nagbunga ng makatatlumpo, maka-animnapu at maka-isandaan. Sinabi lamang ni Lukas na tig-iisandaan.

Sa aking pagkaunawa, hindi pa narinig ang ganitong ani. Walang magsasaka sa unang siglo ang umaasa ng aning kagaya nito. Wala pang nakaranas nito. Ang punto ng talinhaga ay ang tapat na mananampalatayang umaasa sa at nagtatrabaho para sa darating na kaharian ay gagantimpalaan nang higit sa kaniyang iniisip. Hindi naglalaro si Lukas. Binanggit niya lamang ang pinakamalaking aning binigay ng Panginoon.

Kung babanggitin natin ito sa modernong termino, tinuturo ni Jesus na ang ilang mananampalataya ay magiging Elon Musk ng Kaniyang kaharian. Sila ay magiging napakayaman at makapangyarihan.

Ngunit sino sila? Alam natin mula sa talinhaga na sila ay ang mga nagtiis ng oposisyun dahil sa kanilang katapatan sa Panginoon. Hindi sila namuhay para sa sanlibutang ito, kundi para sa sanlibutang darating. Sa isang salita, sila ang mga umiibig sa Panginoon at sa Kaniyang kaharian.

Kapag ating pinagmunihan ang mga eternal na kayamanan at kapangyarihang ito, marahil iniisip nating hindi tayo maaaring maging bahagi ng grupong ito. kung paanong hindi iisipin ng isang magsasaka sa unang siglo ang ganitong iisandaaning ani, tayo ay natutuksong maniwala na ang Panginoon ay nilalarawan ang ibang tao. Ang mga taong ito ay ang mga bantog na Cristianong pinunong nababasa natin sa mga balita at may matagumpay na ministri, sumulat ng mga mabentang aklat, at may mga PhD sa kanilang mga pangalan.

Ngunit kung titingnan natin nang mas malapitan ang konteksto, sinasabi ni Lukas na hindi ganito ang sitwasyon. Bago ang talinhagang ito, pinakilala tayo ni Lukas sa apat na babae.

Ang una ay ang isang kilalang makasalanan (7:36-50). Lumapit siya sa Panginoon at hinugasan ang Kaniyang mga paa ng kaniyang luha at kaniyang buhok. Ginawa niya ito kahit siya ay nahaharap sa pangungutya ng mga naroroon. Pinunasan niya ang Panginoon ng mamahaling pabango kahit magastos ito para sa kaniya.

Sinabi ng Panginoong nagawa niya ang kaniyang ginawa dahil siya ay “umibig nang malaki” (7:47)- iniibig niya Siya. Ngunit ang kaniyang kilos ay nagpapakita ring hindi niya iniibig ang mga bagay ng sanlibutang ito.

Pagkatapos kinuwento sa atin ni Lukas ang tatlo pang mga babae: Si Maria Magdalena, si Joanna at si Susana (8:1-3). Si Maria ay inalilihan ng napakaraming demonyo at pinalaya siya ng Panginoon mula sa mga ito. Maliwanag na si Joanna ay may sapat na pribilehiyo upang mag-ikot-ikot sa mga sirkulo ng pulitikal na kapangyarihan. Ngunit iniwan niya ang pribilehiyong ito upang sumunod kay Cristo. Wala tayong alam tungkol kay Susana.

Ang pagkakapareho ng tatlong babaeng ito ay iniibig nila ang Panginoon. Nagbigay sila ng kanilang oras at pinansiyal na bagay upang mapalapit sa Kaniya at matugunan ang pangangailangan ng Panginoon at Kaniyang mga alagad. Kahit matapos ng Kaniyang kamatayan, nakita si Maria at Joanang naglilingkod sa Kaniya sa Kaniyang libingan (24:9-10). Binanggit ni Lukas na “may ibang mga babae” sa libingan. Sa tingin ko kasama ng mga ito si Susana.

Sa aking palagay, sa pagbanggit ng tatlong babeng ito pagkatapos ng babaeng nagpahid sa mga paa ng Panginoon, gusto ni Lukas na makita natin sila sa parehong liwanag. Wala silang pakialam sa kung ano ang iniisip ng sanlibutan, o kung anong halaga ang katumbas. Gusto nilang paglingkuran ang Panginoon. Bakit? Sapagkat sila may ay “umibig nang malaki.” Iniibig nila Siya. Naghihintay sila sa Kaniyang parating na kaharian at hindi nila iniibig ang mga bagay ng sanlibutang ito.

Hindi sila pinapahalagahan ng sanlibutan. Pinapalagay ng sanlibutang sila ay mga mangmang. Ngunit sa pananaw ng Panginoon, sila ay may mabuti at timtimang puso (8:15). Tunay na sila ay mga halimbawa para sa atin.

Anong uri ng espirituwal na magsasaka ang mayroong napakalaking ani sa kaharian? Sino ang mga Elon Musk ng sanlibutang iyan?

Sinasabi sa atin ni Lukas: mga taong kagaya ng apat na babaeng magsasakang ito. pag dating sa ani sa eternal na kaharian ni Cristo, sila ay mga napakatagumpay na magsasaka. Sila ay nagtatanim ng mga binhi para sa eternal na gantimpala.

Maaari tayong maging kagaya nila.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Ken_Y

by Ken Yates

Ken Yates (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Editor of the Journal of the Grace Evangelical Society and GES’s East Coast and International speaker. His latest book is Mark: Lessons in Discipleship.

Recently Added

December 5, 2025

What Will a Resurrected and Glorified Body Be Like?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are going to talk about believers “with the Lord” after this current...
December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...
December 4, 2025

What Is Annihilationism and What Is Universalism?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling will continue the topic of Eschatology. More specifically, this episode focuses on...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram