Sa 1 Timoteo 6:12, sinabi ni Pablo, “Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito’y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi.”
Si Timoteo, gaya ng lahat ng mananampalataya, ay mayroon ng buhay na walang hanggan. Kung ganuon, bakit siya uutusan ni Pablong manghawak dito? At ano ang ibig sabihin ito?
Tinatawagan siya ni Pablong panghawakan ang posibilidad ng buong potensiyal na kapunuan ng buhay na walang hanggan. Ikumpara sa v19 kung saan si Timoteo ay inutusang sabihin sa mga mayayamang mananampalatayang “mangagtipon sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, upang sila’y makapanangan sa buhay na tunay na buhay.” Ang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating ay tumutukoy sa masaganang eternal na karanasan.
Kailangan nating manghawak sa pangako ng walang hanggang gantimpala kung gusto nating matamo ang mga ito.
Sa kaniyang komentaryo sa mga sulat ni Pablo kay Timoteo at Tito, sinulat ni Arichea at Hatton:
Ang pagtatagumpay sa paligsahan ay nilarawan bilang “pananangan” ng gantimpala na buhay na walang hanggan (para rito tingnan ang v16). Ang larawan dito ay ang nagwagi sa isang paligsahan na binigyan ng tropeo ng kampiyon. Ang manghawak ng buhay na walang hanggan ay isang paraan ng pagsabing “magwagi ng buhay na walang hanggan bilang gantimpala ng iyong tagumpay” (p. 154).
Hindi ko alam kung nauunawaan nila ang gantimpala bilang kapunuan ng buhay magpakailan man o pagpasok sa kaharian magpakailan man. Maaaring naniniwala sila sa Lordship salvation. Ngunit malinaw na naniniwala si Pablong ang pangkasalukuyang pagmamay-ari ng buhay na walang hanggan ay simple at sa pamamagitan lamang ng pananampalataya (1 Tim 1:16) at ang kapunuan ng buhay na walang hanggan ay isang gantimpala.
Komento ni Liftin:
Kailangang ibigay ni Timoteo ang kaniyang lahat ng lakas para sa pinakamahalagang pakikibakang ito, ang pakikipagbaka upang mapalago ang pananampalataya. Nangangailangan ito ng ganap na pag-aangkin (cf. “manangan” sa v19) sa lahat ng oras ng katotohanang taglay niya ang buhay na walang hanggan. (Ang mga salita ni Pablo, “Manangan… buhay na walang hanggan ay hindi nagmumungkahing si Timoteo ay maaaring matamo ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng kaniyang pagpapagal) (“1 Timothy,” sa TBKC, p. 747).i
Ang komento ni Larson ay nakatutulong:
Ang buhay na walang hanggang pinasok ng isang mananampalataya ay hindi lamang simpleng pag-asa sa hinaharap; ito rin ay pangkasalukuyang realidad. Pinananangan natin ang buhay na walang hanggang ito kaapg tayo ay namumuhay sa kapangyarihan at pagpapahalaga ng walang hanggang kaharian ng Diyos. Hindi natin mararanasan ang kabuuan ng dominyon ni Cristo hanggan sa Siya ay bumalik upang maghari sa buong mundol. Ngunit ang uri ng buhay na walang hanggang ito ay maaari pa ring maabot sa ngayon. Hinahawakan natin ito sa sandaling ating inayos ang ating pang-araw-araw na pamumuhay nang may harmoniya sa Diyos at Kaniyang Espiritu (1-2 Thessalonians, 1-2 Timothy, Titus, & Philemon, p. 247).
Ito ang iilang pasahe ng nagbabanggit ng buhay na walang hanggan bilang posibleng gantimpala sa hinaharap para sa pagtitiis sa tapat na paglilingkod. Bilang halimbawa, tingnan ang Mateo 19:29 at Gal 6:7-9. Kung gaano kapuno ang ating karanasan ng buhay na walang hanggan ngayon at magpakailan pa man ay nakakundisyon sa ating pananangan sa buhay na walang hanggan, na nangangahulugang pamumuhay sa paraang ayon sa mga pagpapahalaga ng buhay na darating (1 Tim 6:19).
Manangan sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananatiling nakapokus sa biyaya.
________
i Samantalang nauunawaan ko ang pagnanais ni Liftin na ipagtanggol ang mensahe ng Juan 3:16, ang mga salitang ito ay tunay na nagmumungkahing maaaring matamo ni Timoteo ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng kaniyang mga pagpapagal, ngunit hindi sa diwang simpleng pag-aari lamang ng buhay na ito. Binabanggit ni Pablo ang pangangailangang manangan sa buhay na walang hanggan upang ito ay matamasa nang may higit na kasaganaan.


