Sinabi ng Panginoon sa Pahayag 2:25-26: “Gayon ma’y ang nasa inyo’y panghawakan ninyong matibay hanggang sa ako’y pumariyan. At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa.”
Ang mga sitas na ito ay bahagi ng sulat sa simbahan sa Thyatira. Isang huwad na gurong nagngangalang Jezebel ang nangunguna sa pagligaw sa mga mananampalataya roon. Ang paghawakan ninyong matibay ay nasa konteksto ng panganib na dulot ng pagliligaw ng mga huwad na guro.
Ang mga mananampalatayang may pakikisama sa Diyos ay nangangailangang manghawak sa kung anong mayroon sila. Ang mga matagumpay, nanaig na mga Cristiano ay maghaharing kasama ni Cristo sa buhay na darating. Ngunit kailangan nilang manatiling matagumpay sa pamamagitan ng paghahawak nang matibay.
Sinulat ni Jamieson, Fausset at Brown,
Panghawakan ninyong matibay– huwag ninyong bitiwan, gaano man kasigasig ang mga huwad na gurong bunuin ito palayo sa iyo.
Ako’y pumariyan– kung kailan ang iyong pakikipagbuno sa kasamaan ay magtatapos. Ang Griyego ay nagpapahiwatig ng kawalan ng katiyakan kung kailan Siya darating (Commentary on the Whole Bible, Vol 2, p. 558).
Komento ni Lenski, “Ang manghawak dito [Salita ng Diyos] nang buong tibay laban sa lahat ng maling doktrina at mapanganib na gawain ang ating nag-iisang pasanin” (Revelation, p. 121).
Si Vacendak ay may nakatutulong na pahayag:
Pinangakuan ng Panginoon ang mga mananampalatayang matibay na tumindig na Siya ay hindi na “magpapasan ng ibang pasan,” samakatuwid, hindi na magbibigay ng karagdagang instruksiyon. Kailangan lamang nilang magpatuloy sa kung ano ang kanilang ginagawa- ang manindigan laban sa huwad na aral at “manghawak nang matibay” hanggang si Cristo ay bumalik (isang reperensiya sa Rapture ng Simbahan).
2:26. Ang pangako ni Cristo sa mga mananampalatayang nagtagumpay (tingnan ang komento sa 2:7)- sa kanilang “nag-ingat ng Kaniyang mga gawa hanggang sa katapusan” ng kanilang mga buhay- ay kahanga-hanga. Bibigyan Niya sila ng “kapangyarihan sa mga bansa.” Ang mga mananampalatayang nakikinig at sumusunod sa Salita ng Diyos ay bibigyan ng karapatang maghari sa mga bansa kasama ni Cristo (cf Roma 8:17; 2 Tim 2:12) (“Revelation” sa TGNTC, p. 1265).
Kailangan nating manghawak nang matibay sa tamang doktrina at sa nagreresultang tamang gawi na dumadaloy mula rito. Ito ay totoo noong unang siglo. Totoo pa rin ito ngayon. Sa katotohanan, marahil mas imperatibong manghawak nang matibay ngayon dahil sa pagkalat ng mga huwad na aral na laganap na ngayon.
Manatiling nakapokus sa biyaya.


