Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Mabubuhay Ba Ang Lahat Magpakailan Man?

Mabubuhay Ba Ang Lahat Magpakailan Man?

March 18, 2025 by Ken Yates in Ang Tinig ng Biyaya

Kamakailan may napanood akong balita tungkol sa isang bilyonaryong nagngangalang Bryan Johnson. Inaangkin niyang maaari tayong mabuhay magpakailan man. Hindi ko alam kung naniniwala siyang ang isang tao ay literal na mabubuhay magpakailan man, ngunit tiyak siyang maaari nating pahabain ang ating pisikal na buhay. Siguro naniniwala siyang ang mga pag-unlad sa agham sa hinaharap ay magbibigay sa tao ng kakayahang magkaroon ng pisikal na imortalidad. Marahil iniisip niyang ang Artificial Intelligence ang susi sa pag-abot ng goal na ito.

Si Johnson ay debotong disipulo ng kaniyang pinangangaral. Milyong dolyar ang kaniyang inubos sa napakaistriktong pagkain, na tinatanggihan ang lahat na uri ng karne, carbs at tinapay. Ang lahat niyang pagkain ay organiko. Sa pamamagitan ng nutritional scientists, dinebelop niya ang karamihan sa kaniyang mga kinakain, kabilang na ang mga likidong suplementa. Nagtayo siya ng mga gymnasium sa kaniyang mga bahay upang palakasin ang bawat bahagi ng kaniyang katawan at sumusunod sa intensibong rehimen ng ehersisyon. Nagdebelop siya ng espesipikong iskedyul ng pagtulog at tinakwil niya ang kaniyang tinatawag na “legalistikong paniniwalang panrelihiyon,” na siyang dahilan upang maiwasan niya ang istres. Patuloy siyang nagpapailalim sa mga medikal na pagsusuri upang sukatin ang kaniyang kalagayan. Inaangkin niyang siya ang pinakanasuri at pinakamalusog na tao sa mundo. Upang patunayan ang tagumpay ng kaniyang ginagawa, nagpakita siya ng mga larawan niya walong taon na ang nakalipas kumpara ngayon. Tila bumabata siya habang siya ay tumatanda. Halos limapung taon na siya ngunit ang mga pagsusuring medikal ay nagpapakitang ang kaniyang mga organo ay para sa isang lalaking edad bente.

Wala akong pag-aalinlangang marami ang mahihikayat na sumunod sa halimbawa ni Johnson. Ngunit kakaunti lamang ang may salapi at oras upang gawin ang kaniyang ginawa. Ang karamihan sa mga tao ay hindi bilyonaryo. May trabaho silang dapat puntahan at pamilyang dapat buhayin. Hindi sila makapagtatayo ng mga gymnasium, makagugugol ng sampung oras kada araw upang mag-ehersisyo, magsuring medikal sa kanilang mga sarili, o magkaroon ng espesiyal na pagkain upang baligtarin ang proseso ng pagtanda.

Sa isang banda, masasabi nating maganda ang ginagawa ni Johnson. Maraming Amerikano ang hindi malusog. Malaking kabutihan ang maidudulot sa atin kung aalagaan natin ang ating mga sarili. Ngunit ang buong buhay ni Johnson ay isang misyon ng mangmang. Ang tao ay hindi kailan man mabubuhay sa mga katawang ito. Marahil ang kagaya ni Johnson ay maaaring mabuhay nang mahaba kaysa karamihan. Marahil mabubuhay siya nang 130 taong gulang. Subalit, kung mayroon siya kahit isang genetikong mutasyon na daan-daan kundi man libo-libo ay nakasasama sa tao, maaaring mas maikli pa kaysa karaniwan ang kaniyang buhay. Ang pareho ay totoo rin kung siya ay naaksidente o naging biktima ng giyera o sakit.

Kung hindi muna darating ang Panginoon, mamamatay si Johnson. Ganuon din tayong lahat (1 Cor 15:22). Ang kapalaluang magtutulak sa isang taong iba ang isipan ay lagpas sa tsart. Naalala ko ang hangal na pagnanasa ni Adan at Eva na maging kagaya ng Diyos (Gen 3:5).

Sa katotohanan ang ating pangkasalukuyang katawang pisikal ay hindi magtatagal. Lahat ng tamang pagkain, suplementa, AI at ehersisyo ay hindi mababago ang katotohanang ito. Ito ay batid ng lahat at tanging isipang binulag ng kapalaluan ang nag-iisip ng iba. Kung ang Panginoon ay hindi agad dumating, matatanto niya ito. Ang nakalulungkot ay hindi nauunawaan ni Johnson na lahat tayo ay mabubuhay nga magpakailan man pero hindi gaya ng kaniyang iniisip. Hindi ko alam kung paano ito, pero ang mga hindi mananampalataya ay magkakaroon ng katawan ng kamatayan at mabubuhay magpakailan man sa lawa ng apoy. Ang mananampalataya ay may kaloob ng buhay na walang hanggan mula kay Cristo at mabubuhay sa Kaniyang kaharian sa isang maluwalhating katawan magpakailan man.

Marami sa atin ang makikinabang sa tamang pagkain at pagtulog. Maramit sa atin ang makikinabang sa pagiging mas aktibo. Ngunit panatilihin nating nakabaon ang ating mga paa sa realidad. Ang ating tanging pag-asa ng eternidad ay nakasalalay sa Kaniyang sumupil sa kamatayan para sa atin at nangako sa atin ng Kaniyang buhay kung mananampalataya tayo sa Kaniya para rito. Hindi lamang ito ang realidad, ngunit ito ay mas maigi kaysa sa alternatibong kahangalan ng pag-ubos ng milyong dolyar sa pagnanais na iwasan ang hindi maiiwasan.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Ken_Y

by Ken Yates

Ken Yates (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Editor of the Journal of the Grace Evangelical Society and GES’s East Coast and International speaker. His latest book is Mark: Lessons in Discipleship.

Recently Added

December 5, 2025

What Will a Resurrected and Glorified Body Be Like?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are going to talk about believers “with the Lord” after this current...
December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...
December 4, 2025

What Is Annihilationism and What Is Universalism?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling will continue the topic of Eschatology. More specifically, this episode focuses on...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram