Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Kapag Ang Teolohiya Ay Hindi Lapat

Kapag Ang Teolohiya Ay Hindi Lapat

February 4, 2025 by Ken Yates in Ang Tinig ng Biyaya

Bilang isang dating chaplain sa military, at bilang isang sibilyang kasalukuyang naggugugol ng maraming oras sa pagtalakay ng teolohiya sa iba, mayroon ako laging nasasalubong na teolohiya, higit sa iba pa. Ang iba ay tinatawag itong Calvinismo. Ang iba ay tinatawag itong Lordship Salvation.

Anumang pangalan ang itawag dito, isa sa mga aral nito ay ang tunay na mananampalataya ay susunod sa Panginoon. Oo, sasabihin nila, maaaring matisod ang isang mananampalataya paminsan-minsan. Ngunit pansamantala lamang ang mga kabiguang ito. Hindi ba lahat ay nagkakasala. Hindi sila magpapakasama nang husto o magpapatuloy nang matagal. Walang nagpaliwanag kung gaano kasama ang “masama” o gaano katagal ang “matagal,” pero ang basikong punto ay pareho: Ang tunay na mananampalataya ay gagawin ang inutos ng Panginoong gawin nila. Ito ang uri ng buhay na isasapamuhay ng bawat Cristiano.

Namamangha ako na ang mga nanghahawak sa teolohiyang ito ay hindi nakikita ang mga problema rito. Ito ay nangangailangan ng malaking bahagi ng panlilinlang sa sarili; kailangang maging bulag ang isang tao sa dami ng kasalanan sa kaniyang buhay. Kailangan niyang sabihing ang kaniyang kasalanan ay hindi masyadong masama at hindi siya nakibaka rito nang matagal. Pinaaalala nito sa akin ang isang pinunong Iraqi nang may digmaan sa kaniyang bansa. Pinapanayam siya habang nasusunog ang bansa sa paligid niya. Ngunit sinabi niya sa mamamahayag na ang lahat ay maigi at dudurugin ng Irag ang US at kaalyado nito. Nangyari ito mahigit tatlumpong taon na ang nakaraan, ngunit hanggang ngayon tampulan pa rin siya ng biro. Siya ay naging kasabihan para sa isang taong walang alam sa kung anong nangyayari sa kaniyang paligid.

Marahil lahat tayo ay makakaugnay sa sitwasyong ito. Maaari nating linlangin ang ating mga sarili at maging bulag sa mga salungatan sa ating mga buhay. Makikita natin ang mga gusto nating makita ngunit babalewalain ang mga gusto nating balewalain. Mabuti na lamang at karamihan sa mga bagay na ito ay hindi kasinlala ng mga sitwasyong may kinalaman sa digmaan!

Subalit minsan, napipilitan tayong makita ang ayaw nating makita. Ginagawa ito ng Kasulatan para sa atin. Ito ay higit na totoo kapag tayo ay nanghahawak sa maling teolohiya.

Isang punto ay ang Lukas 6:46. Kung sinasabi ng isang taong lahat ng Cristiano ay susunod sa Panginoon, ang mga salita ni Cristo ay sampal sa kaniyang mukha. Kausap ng Hari ang Kaniyang mga alagad (v20). Sinasabihan Niya silang gawin ang ilang mga bagay (v21-45). Marahil ang ilan sa mga mananampalatayang ito ay iniisip na ginagawa nila ang lahat ng mga bagay na ito. Marahil iniisip nilang bagama’t paminsan-minsan sila ay napapamali, hindi ito masyadong masama o hindi sila nagkakasala nang matagal.

Ngunit inaalis ng Panginoon ang mga panlilinlang natin sa ating sarili. Sinabi niya, “Bakit ninyo akong tinatawag na ‘Panginoon, Panginoon,’ kung hindi naman ninyo ginagawa ang Aking sinasabi?”

May ililinaw pa ba Siya na ang mga mananampalataya ay maaaring sumuway sa Kaniya? Kapag binasa natin ang mga bagay na Kaniyang pinag-utos na gawin sa Lukas 6:21-45, malinaw na maraming mananampalataya ang hindi gumagawa ng Kaniyang pinag-uutos. Sinabi Niya sa kanila (bukod sa iba pang bagay) na maging mapagkumbaba, na magalak kapag sila ay dumaraan sa paghihirap sa buhay, na mahalin ang kanilang mga kaaway, na ipanalangin ang nagmamalupit sa kanila, na patawarin ang mga nagkasala sa kanila, na huwag maging mapagpuna ng iba, at na makita ang ibang mas maiigi kaysa kanilang mga sarili.

Sino ang makakatingin sa listahang ito at magsasabing, “Sagot ko ang lahat ng mga ito. Hindi ako masyadong masama. Kapag ako ay napapamali, hindi ko ito ginagawa nang matagal”? Hindi ko maiwasang makita ang larawan ng pinunong Iraqi na nagsasabing, “Ang lahat ay maigi,” samantalang ang Baghdad ay nasusunog hanggang lupa.

Hindi awtomatikong namumuhay ang mga Cristiano ng maka-Diyos na pamumuhay. Kung ito ang sinasabi ng iyong teolohiya, magmasid ka sa paligid. Masusumpungan mong sinusuksok mo ang iyong nakikita sa iyong buhay at sa buhay ng iba sa iyong teolohiya. Ikaw ay isang malaking tampulan ng biro gaya ng pinunong Iraqi.

Kung nanampalataya ka kay Jesus para sa buhay na walang hanggan, taglay mo ang kahanga-hangang kaloob na ito. Ngunit ang pagsunod sa Kaniya ay hind awtomatiko. Siya na mismo ang nagsabi nito sa Kaniyang mga alagad. Lumapit ka sa Kaniya at humingi ng Kaniyang biyaya at lakas upang makapamuhay ng isang buhay na nakapupuri sa Kaniya. Kung gagawin mo ito, makikita mo ang mga bagay kung ano ba talaga ang mga ito.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Ken_Y

by Ken Yates

Ken Yates (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Editor of the Journal of the Grace Evangelical Society and GES’s East Coast and International speaker. His latest book is Mark: Lessons in Discipleship.

Recently Added

December 5, 2025

What Will a Resurrected and Glorified Body Be Like?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are going to talk about believers “with the Lord” after this current...
December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...
December 4, 2025

What Is Annihilationism and What Is Universalism?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling will continue the topic of Eschatology. More specifically, this episode focuses on...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram