Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Isang Equation Sa Matematika

Isang Equation Sa Matematika

January 28, 2025 by Ken Yates in Ang Tinig ng Biyaya

Napakatagal na, ngunit nang ako ay nasa kolehiyo, marami akong kinuhang kursong matematika. Nalimutan ko na ang 90 porsiyento ng tinuro sa akin, ngunit bahagya kong naaalala ang isang bagay. Maaari kang magdagdag sa isang bahagi ng equation sa matematika basta magdaragdag ka rin ng kaparehong numero sa kabilang bahagi. Kailangan mong magdagdag ng parehong halaga sa bawat bahagi.

Halimbawa, sinusubukan nating alamin kung ano ang X (marahil bubuhayin nito ang napakaraming bangungot para sa karamihang nagbabasa nito). Ang equation ay maaaring:

X – 3 = 3Y + 5

Upang malaman kung ano ang X, maaari tayong magdagdag ng 3 sa parehong bahagi ng equation. Magmumukha itong:

X – 3 (+ 3) = 3Y + 5 (+ 3)

Iiwan tayo nito ng sagot na:

X = 3Y + 8

Kamakailan, napansin kong si Pedro ay gumamit ng kaparehong equation sa 2 Ped 1:5-11. Ginamit niya pa nga ang terminong matematikal na dagdag. Sa isang bahagi ng equation ay ang ating pananampalataya. Sa kabilang bahagi ng equation ay ang ating pagpasok sa kaharian ng Diyos. Maaari nating isulat ang equation bilang

Pananampalataya = Pagpasok sa kaharian

Sinasabi ng equation na itong ang sinumang nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan (pananampalataya) ay mamumuhay kasama ni Cristo magpakailan man (pagpasok sa kaharian). Sa Kaniyang pagbalik, ang mananampalataya ay papasok sa Kaniyang kaharian magpakailan man.

Ngunti sinabi ni Pedrong maaaring magdagdag ang mananampalataya sa kaniyang pananampalataya (v5). Iniisip kong marahil ang nasa isip ni Pedro ang mga dati niyang klase sa matematika. Sinasabi niyang bilang mananampalataya tayo ay maaaring magdagdag sa kaliwang bahagi ng equation. Nilista ni Pedro ang maaari nating idagdag: kagalingan, kaalaman, pagpipigil, pagtitiis, kabanalan, mabuting kalooban sa kapatid, at pag-ibig.

Sinabi ng apostol na kung idaragdag natin ang mga bagay na ito sa ating pananampalataya (ang kaliwang bahagi ng equation), ang Panginoon ay magdaragdag din sa kanang bahagi. Sinalin ng NKJV ang sinabi ni Pedro na ang ating pagpasok sa kaharian ay “will be supplied” (“ipamamahagi”) (v11). Ang salitang ipamamahagi ay kapareho ng ginamit sa v11. Malinaw na matematika ang nasa isip ni Pedro!

Sinasabi ni Pedrong kapag tayo ay nagdagdag sa ating pananampalataya, ang Panginoon ay magdaragdag sa ating pagpasok sa kaharian. Ngunit dito bumagsak ang matematika. Hindi ko alam kung gaano kahusay si Pedro sa alhebra, ngunit hindi niya sinunod ang mga alituntunin nito. Kapag nagdagdag ka ng mga bagay, dapat sila ay magkapareho. Sa 2 Ped 1:5-11, ang mga bagay na dinagdag ay hindi magkapareho.

Gusto ni Pedrong magdagdag tayo ng ilang malalaking bagay sa ating pananampalataya (kagalingan, kaalaman, pagpipigil atbp). Hindi madaling gawin ang mga bagay na ito.

Inaasahan nating ang Panginoon ay magdaragdag ng katumbas na malalaking bagay sa Kaniyang bahagi ng equation. Kung idaragdag natin ang mga bagay na ito sa ating pananampalataya, ano naman ang idaragdag ng Panginoon sa ating pagpasok sa kaharian? Ang nasumpungan natin ay hindi magkaparehong halaga.

Mas marami ang Kaniyang dinagdag. Napakarami.

Ang paraan ng pagkasabi ni Pedro ay ipinamamahaging sagana ang ating pagpasok sa kaharian. Ang salita ay nangangahulugang “mayaman.” Anumang idagdag natin sa ating pananampalataya, ang Kaniyang idaragdag ay mas malaki at nakahihigit dito.

Bumagsak ang matematika ni Pedro. Sinasabi niyang anumang gawin natin para sa Panginoon ay gagantimpalaan sa mundong darating. Marahil iniisip nating ang ating ginagawa ay malaki at mahirap. Ngunit kapag ginantimpalaan Niya tayo sa mga bagay na ating ginawa para sa Kaniya, hindi sila magkatumbas. Ang kanang bahagi ng equation ay mas malaki. Ang Kaniyang gantimpala sa mga bagay na ginawa sa Kaniyang pangalan ay higit pa sa anumang gawin natin.

Ito ay pangit na matematika pero mabuting balita para sa tapat na mananampalataya.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Ken_Y

by Ken Yates

Ken Yates (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Editor of the Journal of the Grace Evangelical Society and GES’s East Coast and International speaker. His latest book is Mark: Lessons in Discipleship.

Recently Added

December 5, 2025

What Will a Resurrected and Glorified Body Be Like?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are going to talk about believers “with the Lord” after this current...
December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...
December 4, 2025

What Is Annihilationism and What Is Universalism?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling will continue the topic of Eschatology. More specifically, this episode focuses on...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram