Una, ang salitang araw ay mahalaga sa panimula ng kasaysayan. Nagbabanggit ang Genesis 1 ng anim na araw ng paglalang at ang ikapitong araw ng pahinga. Ang konsepto ng LT ng pahinga ay nakadepende sa lingo ng paglalang.
Nagdedebate ang mga teologo kung ang mga ito ay mga araw na may 24-oras o pitong periodong hindi tiyak ang haba.
Maraming naniniwalang napatunayan ng agham na ang mundo ay bilyong taon na ang edad, at ang tao ay mahigit isandaang libong taon na ang gulang. Hind ako naniniwala rito dahil ang pinakanatural na basa ng Genes 1 ay nagsasabing ang mga ito ay anim na araw ng paglalang na may 24-oras ang bawat araw. Ang ekspresyong “gabi at umaga” ay nagpapakitang ang binabanggit ni Moises ay literal na mga araw.
Sang-ayon man kayo sa akin o hindi, mahalagang maunawaan mong nilalang ng Diyos ang langit, ang lupa, ang mga halaman, ang mga hayop at ang ating mga magulang. Ang salitang araw ay mahalaga sa pagkaunawang ito.i
Ikalawa, ang salitang araw ay mahalaga sa pagkaunawa ng mga huling araw ng kasaysayan ng tao sa ating kapanahunan.
Ang araw ni Cristo, ang araw ni Jesucristo, ang araw ng Panginoong Jesus, at ang araw ng ating Panginoong Jesucristo ay tumutukoy lahat sa nalalapit na Hukuman ni Cristo.
Ang araw ni Cristo ay ginamit ng tatlong ulit sa BT: Fil 1:10; 2:16; 2 Tes 2:2 (MT). Ang unang dalawa ay malinaw na tumutukoy sa Hukuman ni Cristo (Bema). Marahil kasama sa ikatlo ang Rapture at Bema.
Ang araw ni Jesucristo ay ginamit lamang minsan sa Fil 1:6. Ito ay tumutukoy din sa Bema.
Pansining ang araw ni Cristo at ang araw ni Jesucristo ay masusumpungan nang maikatlong beses sa Filipos. Maraming komentarista ang hindi nauunawaan ang Filipos dahil sa kanilang maling pagkaunawa kung ano ang araw na ito.
Ang araw ng Panginoong Jesus ay ginamit nang makalawa, sa 1 Cor 5:5 at 2 Cor 1:14. Ang 1 Corinto 5:5 ay tumutukoy sa espirituwal na kalusugan sa Bema. Kung ang isang mananampalataya ay maayos ang tugon sa disiplina ng Diyos, siya ay makababalik sa pakikisama sa Diyos at magiging malusog espirituwal. Hangga’t siya ay may pakikisama sa Diyos sa sandaling maganap ang Rapture, o kung siya ay mamatay, siya ay malusog espirituwal sa Bema. Ang 2 Corinto 1:14 ay akma rin sa Bema.
Ang araw ng ating Panginoong Jesucristo ay patungkol din sa Bema. Tingnan ang 1 Cor 1:8.
Ang araw (hemera) na walang anumang kasama ay minsang ginagamit pantukoy sa Bema. Tingnan ang 1 Cor 3:13; 4:3; 2 Tim 1:12; 4:8 (tingnan din ang Juan 8:56; Heb 10:25).
Ikatlo, ang araw ng Panginoon ay nagbibigay sa ating kaalaman tungkol sa mga kahatulan at pagpapala sa nakalipas at sa hinaharap.
Ang ekspresyong ito ay ginamit nang labimpitong beses ng mga propeta sa LT (tatlong beses sa Isaias, minsan sa Jeremias, makalawa sa Ezekiel, apat na ulit sa Joel, tatlong beses sa Amos, minsan sa Obadias, makalawa sa Sofonias, at minsan sa Zacarias), ngunit tatlong ulit lamang sa BT (Gawa 2:20; 1 Tes 5:2; 2 Ped 3:10).
Ang ilan sa mga reperensiya sa LT patungkol sa araw ng Panginoon ay natupad noong 400 na tahimik na mga taon: Isaias 13:6-22; Ezekiel 30:2-19; Joel 1:15; 3:14; Amos 5:18-20; Sofonias 1:14-18. Hinayag ang paghuhukom laban sa mga bansang Gentil, kabilang na ang Babilonia, Edom, Egipto, at Filistia. Ang Israel din ay nakaranas ng paghatol nang ito ay malayo sa Panginoon.
Ang ibang gamit ng ang araw ng Panginoon ay tumutukoy sa Ikalawang Pagparito ng Mesias kapag Kaniyang hinatulan ang mga bansang Gentil at niligtas ang Israel mula sa kapahamakan.
Ang lahat ng reperensiya sa Araw ng Panginoon ay pangunahing patungkol sa Israel. Ito ay oras ng paghuhukom sa mga kaaway ng Diyos na susundan ng pagpapala para sa Israel.
Ang araw ng Panginoon sa hinaharap ay minsang tumutukoy sa Rapture, minsan sa Ikalawang Pagbabalik, at minsan sa pagkawasak ng kasalukuyang langit at lupa pagkatapos ng Milenyo. Ang konteksto ang naghahayag kung alin ang ibig sabihin. Sa kahulihulihan ang araw ng Panginoon ay mula sa Rapture hanggang sa pagkawasak ng langit at lupa at sa paglalang ng bagong langit at lupa.
Ikaapat, ang salitang araw ay nagsasabi sa ating iba ang karanasan ng Diyos ng araw kumpara sa atin. Sinabi ni Pedro, “….na ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw” (2 Pedro 3:8). Komento ni Hodges, “Ang punto ni Pedro ay ang ,mahaba’ at ‘maikli’ sa tao ay hindi ‘mahaba’ o ‘maikli’ sa Panginoon. Samakatuwid, ang tila ‘pagkaantala’ ng Ikalawang Pagparito ay ganuon lamang sa paninging pantao” (1&2 Peter and Jude, p. 150).
Maraming nagpupunto na ang 2 Ped 3:8 ay base sa Awit 90:4, “ Sapagka’t isang libong taon sa iyong paningin ay parang kahapon lamang nang makaraan, at parang pagpupuyat sa gabi.” Nasumpungan ko ang isang kahalihalinang mungkahi ni Neyrey. Tinuro niya ang Gen 2:!7, “ sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka,” at sinabing ang araw na iyan ay tumagal ng 930 taon (Gen 5:5). Sinipi niya ang midrash ng mga Judio na nagbanggit ng Gen 2:!7 at nagsasabing, “at hindi ba binigyan Mo siya ng isang araw Mo, at ito ay isanlibong taon?”ii
Ang Milenyo ay magtatagal ng 1,000 taon. Ito ang magiging unang dibinong araw ng walang hanggang kaharian!
Manatiling nakapokus sa biyaya.
__________________
- Siya ng apala, paano magkakaroon ng liwanag bago ang paglalang ng araw sa ikaapat na araw? Tingnan ang Pah 21:23 para sa sagot. Kung kaya nating lumikha ng liwanag gamit ang kuryente at bumbilya, kayang kaya rin ng Diyos na gumawa ng liwanag. Hindi Niya kailangan ang araw o buwan upang paliwanagan ang mundo. Makakalikha Siya ng liwanag.
- Jerome Neyrey, 2 Peter, Jude, p. 238.