Sa Ingles, mayroon tayong parirala, “Ituon ang iyong mata sa bola.” Bilang mga likas na tagapagsalita ng lenggwahe, alam natin kung ano ang ibig nitong sabihin. Ang “bola” ay ang mahalaga. Ang parirala ay nagbababala sa ating huwag malingat sa pangunahing layon. Halimbawa, kung ang isang politiko ay tumatakbo para sa isang pwesto, ang kaniyang mga kagawad ay paaalalahanan siyang ituon ang mata sa bola. Ang layon ay ang mahalal. Maraming bagay ang maaaring mangyari sa kampanya na hindi mahalaga. Huwag mong ituon ang iyong isipan sa mga bagay na walang epekto sa pagwawagi ng halalan.
Sa Mateo 6:22-23, ginamit ng Panginoon ang isang pariralang may halos kaparehong kahulugan. Sinabi Niyang ang mata ang “ilawan ng katawan.” Sa aking palagay, nakukuha natin ang pangunahing kahulugan ng sinasabi ni Cristo na ingatan kung saan nakapokus ang ating mga mata. Ano ba ang pinagtutuunan na ating mga mata? Sinabi Niyang ang ating mata ay maaaring “mabuti” o “masama.” Maaari tayong magpokus sa mabuti o sa masama.
Gamit ang ating pariralang Ingles, sinasabi ng Panginoong ituon natin ang ating mata sa bola, na tinatawag Niyang “mabuting” bagay. Ngunit ano ang mabuti?
Sa tingin ko karamihan sa mundo ng mga Evangeliko ang magsasabing ito ay “ang tumungo sa Langit.” Ito dapat ang ating pokus. Huwag nating hayaang malingat tayo sa layong ito.
Ito ay mali. Alam na ng mananampalatayang siya ay papasok sa kaharian ng Diyos. Walang dahilan upang gawin pa itong layon.
Higit na Biblikal, natanto ng ilang sinasabi ng Panginoon sa mga alagad na mamuhay para sa darating na mundo. Hindi sila dapat mag-alala sa mga bagay ng mundong ito, dahil ito ay lilipas. Malinaw na ito ang konteksto. Sa mga nakaraang sitas, sinabi ni Jesus na huwag magtipon ng kayamanan sa lupa (v19-21). Sa mga sitas na sumunod, sinabi Niyang huwag mahalin ang kasalukuyang mundong ito (v24). Sa madaling salita, sinasabi ni Jesus na ang pokus ay dapat nasa mundong darating. Ito ang bolang dapat nating bantayan.
Samantalang lahat ng mga ito ay totoo, sa tingin ko napaka-general nito. May sinasabi ang Panginoon na higit pa sa pagsabing ang mundong ito ay pansamantala at tayo ay mamumuhay sa walang hanggang kaharian. Naniniwala akong napakaespisipiko ng Panginoon sa kung ano ang mabuting “bola.” Ito ay mga gantimpala.
Ang mga sitas na ito ay masusumpungan sa Sermon sa Bundok (Mat 5:1-7:27). Isa sa mga layon, kung hindi man siyang pangunahing layon, ng sermon ay ituro sa mananampalataya ang mga gantimpala sa mundong darating. Nagsimula ang sermon sa ideyang iyan (5:3-12). Ito ay nagtapos din sa parehong tema (7:24-27). Malaking bahagi ng sermon ay naglalarawan sa uri ng buhay na gagantimpalaan sa pagbabalik ng Panginoon.
Nais ng Panginoon, at Kaniya itong gagawin, na gantimpalaan ang mga mananampalatayang tapat na sumusunod sa Kaniya. Magigi silang dakila sa Kaniyang kaharian. Ito ang bolang gusto ng Panginoon na tutukan ng ating mga mata.
Ang nakalulungkot na katotohanan ay maraming tao, kabilang na ang mga mananampalataya, ang tinatakwil ito. Sinasabi nilang dapat tayong maging tapat sa Pangioon dahil lamang sa iniibig natin Siya. Ito lamang ang tanging motibasyong kailangan natin. Ang pamumuhay para sa mga gantimpala ay sinasabing makasarili. Walang mga gantimpala sa kaharian.
Marami ang magdadagdag na kahit pa may mga gantimpala sa kaharian, ito ay hindi mahalagang paksa. Subalit sa konteksto ng Sermon sa Bundok, ito ay binigyang-diin ng Panginoon. Sinabihan Niya ang mga alagad na magtipon ng kayamanan sa langit (v20). Hindi sila dapat magtipon ng kayamanan sa lupa (v19). Dapat silang magpokus sa kayamanang kanilang tinitipon sa mundong darating. Dito dapat nakatuon ang kanilang mga mata (v22-23).
Kung ikaw ang tipo ng taong hindi naniniwala sa mga gantimpala sa darating na kaharian, inalis mo ang iyong mata sa bola. Gusto nating lahat na marinig mula sa Panginoon na tayo ay Kaniyang mga tapat na lingkod. Lahat ng mananampalataya ay mamumuhay na kasama ni Cristo. Dapat nating gustuhing magharing kasama Niya.
Sinabi Niya- kung aking malayang maisasalin” “Magtipon kayo sa inyong mga sarili ng kayamanan sa Aking kaharian! Hanapin ninyo ang mga gantimpalang nanggagaling sa Akin.” Tinuro Niya ito sa maraming lugar. Sa Mat 6:22-23, sinabi Niya ito sa pinakamalapit na paraang magagawa ng isang mananampalataya, “Ituon ang iyong mgata sa bola!”