Sa Lukas 6:12-15, ang Panginoon ay pumili ng labindalawang lalaki upang kaniyang maging malapit na sirkulo ng mga alagad. Sa unang tingin, tila ang mga ito ay walang kinalaman sa aklat. Sa katotohanan, tila wala sila sa lugar. Ang Panginoon ay mahimalang nagpapagaling sa mga taong may iba’t ibang karamdaman at nakikipagbuno sa mga pinunong panrelihiyon na sumasalungat sa Kaniya (5:12-6:11). Matapos piliin ang Labindalawa, marami pa Siyang pinagaling na tao (6:17-19). Sa tila pagkaputol ng kwento, binigay ni Lukas ang mga pangalan ng Labindalawa. Sa anong layon?
Higit pa riyan, bakit kailangang magtalaga ang Panginoon ng labindalawang lalaki upang maging Kaniyang alagad? Sa Kaniyang pagtuturo at sa Kaniyang kapangyarihan, pinakita Niyang kaya Niyang gawin ang bagay na sinugo sa Kaniya ng Ama. Hindi Niya kailangan ang kanilang tulong. Sa katotohanan, kapag binasa natin ang Evangelio, makikita nating ang mga lalaking ito ay hindi ang pinakamatalas na kutsilyo sa taguan
Wala akong alam sa mga kotse. Kung may isa akong kaibigan na maestro mekaniko at may kotse na kailangang ayusin, walang saysay na ipatawag ako ng kaibigan ko upang “tulungan” siyang ayusin ang kotse. Hindi niya kailangan ang aking tulong. Tila ganito ang ginawa ng Panginoon dito.
Subalit, kapag tiningnan natin ang mas malawak na konteksto, makikita natin kung bakit tinawag ng Panginoon ang labindalawang lalaking ito at bakit Niya ito ginawa sa puntong ito ng Kaniyang ministri. Matapos ng Kaniyang huling interaksiyon sa mga punong panrelihiyon, bago niya pinili ang Labindalawa, ang mga pinuno ay “napuno ng galit” at nag-usap kung ano ang gagawin nila sa Panginoon (v11). Idinagdag ni Marcos na gusto nilang patayin Siya (Marcos 3:6).
Ang mga pinunong ito ang mangunguna sa bansa upang itakwil at patayin si Cristo. Siyempre, alam ito ng Panginoon. Alam Niyang kailangan Niya ang mga alagad upang magpatuloy ng Kaniyang gawain kapag Siya ay wala na. kahit bago mamatay ang Panginoon, ang mga lalaking ito ay sinugo sa bansang Israel upang ipahayag ang pagdating ni Cristo (Lukas 9:1-6).
Sa madaling salita, ang mga lalaking ito ang magpapatuloy ng gawain ng Panginoon. Sila ang magiging Kaniyang mga kamay, mga paa at bibig. Kahit nang Siya ay kasama pa nila, ang Panginoon ay hindi kayang mapasalahat ng dako ng bansa upang ipahayag ang mabuting balita ng dumarating na kaharian. Kaya pinarami Niya ang pagpapahayag ng mensaheng iyan ng makalabindalawa. Nang Siya ay umakyat sa Ama matapos ang pagkabuhay na maguli at wala na sa lupa sa pisikal, ang mga lalaking ito ang magdadala ng Kaniyang mensahe sa hangganan ng mga lupa.
Ang Labindalawa ay isang kakaibang grupo ng mga tao. Wala ngayon ang bahagi ng kanilang grupo. Mayroon silang kakaibang mensahe at ministri sa bansang Israel. Uupo sila sa mga espisipikong trono upang maging hukom sa Israel sa mundong darating. Ang kanilang gawain ay ang bumuo sa pundasyon ng Iglesia (Mat 19:28; Ef 2:2). Walang mga apostol ngayon!
Ngunit kapareho nila tayo sa ilang mga bagay. Isa sa mga bagay na ito ay maaari tayong maging mga alagad ni Cristo. Maipagpapatuloy natin ang Kaniyang gawain sa ating paglilingkod sa Kaniya sa panahon at lugar na ating pinanahanan. Nasa atin ang Kaniyang Salita, at maipapahayag ito kapag may pagkakataon. Maisasabi natin sa iba ang alok ng buhay na walang hanggan bilang isang regalong hindi maiwawala sa pamamagitan ng pagsampalataya kay Cristo lamang para rito. Mapaglilingkuran natin ang Kaniyang Katawan gamit ang mga espirituwal na kaloob na binigay sa ating mananampalataya. Kapag ginawa natin ang mga ito, tayo ay Kaniyang mga kamay, mga paa at tinig.
Ang Labindalawa ay pinili upang ipagpatuloy ang gawain ng Panginoon sa isang marahas na mundo na nagtakwil sa Kaniya. Bilang mga mananampalataya, ito ay totoo rin sa atin. Sila ay may pribilehiyo nito. Ganuon din tayo.