Noong 2000, ang pelikulang Gladiator ay pinalabas. Nakatuon sa katapusan ng ikalawang siglo, bida rito si Russell Crowe bilang Maximus Meridius, na naging trahikong bayani matapos maging matagumpay na heneral sa Hukbong Romano.
Ang pelikula ay nagsimula sa tugatog ng tagumpay. Pinangunahan ni Maximus ang kaniyang mga sundalo sa isang digmaan laban sa mga paganong tribong Aleman. Sa isipan ni Maximus, ng kaniyang mga sundalo, at ng mga mamamayan ng Roma, ang mga miyembro ng mga tribong ito ay mga taong kwestiyonable ang moralidad na pumipigil sa kaayusan at sibilidad na inaalok ng Roma sa mundo. Ito ay marahas na labanan, at ang heneral ay nilarawan bilang isang lalaking nagmamalasakit sa kaniyang mga sundalo at matapang na pinangungunahan sila sa giyera habang nakikibahagi sa kanilang kasakitan.
Paano imomotiba ng isang pinunong militar ang kaniyang mga sundalo sa sitwasyong ito? Ano ang kaniyang sasabihin sa kanila? Nagbigay siya ng isang talumpati sa kaniyang mga nasasakupang pinuno bago siya dumiretso sa labanan. Gusto niyang harapin nila nang may tapang ang mga hindi sibilisadong kaaway sa kabilang ibayo ng kagubatan. Ang motibasyon nila sa paggawa ito ay mabubuod sa kaniyang panghuling mga salita: “Alalahanin ninyo: Anumang gawin natin sa buhay na ito ay umaalingawngaw sa eternidad.”
Sinabi ni Maximus sa kaniyang mga tauhan na kung gagawin nila ang kanilang trabaho at mapatay sa digmaan, gigising sila sa Bukid ng Elysia. Ito ay reperensiya sa sa Griyegong konsepto ng buhay pagkatapos ng buhay na ito. Ang mga bukid na ito ay mga lugar kung saan ang mga bayaning may birtud ay mananahan magpakailan man. Ito ay isang espesyal na lugar ng kapurihan kung saan ang mga tapat na gumawa ng matuwid, anuman ang kapalit, ay gagantimpalaan sa kakaibang paraan.
Ang talumpati ni Maximus ay ginamit ang mga eternal na gantimpala bilang motibasyon sa kaniyang mga tauhan ng maging handang magsakripisyo. Hindi ko alam kung ang mga sundalo sa mga lehiyong Romano ay naniniwalang ang Bukid ng Elysia ay tunay na lugar. Maaaring hindi tamas a kasaysayan ang pelikula. Ang mga salita ni Maximus ay tiyak na hindi tama Biblikal! Ngunit kung ang mga sundalong ito ay naniwala sa ganitong lugar at ganitong mga gantimpala, ito ay isang makapangyarihang motibasyon upang harapin ang mga kasakitan at panganib.
Kailangan nating aminin na ang ganitong ideya ng mga gantimpala ay lohikal. Kung ang sinumang tao ay naniniwala sa buhay pagkatapos ng buhay na ito at naniniwala sa mga diyos na matuwid, matuwid lamang na ang mabubuting gawa ay gagantimpalaan. Ang isang sundalo sa ilalim ni Maximus, na lumbalaban sa niyebe sa malayong lupain upang magdala ng kaayusan at kapayapaan sa isang mundo ng kaguluhan, ay tatratuhin ng mga diyos higit kaysa isang lalaking nanatili sa kaaliwan at kagaanan. Iisipin ng matapang na sundalong ito na siya ay bibigyan ng espesyal na mana sa pinakamagandang bahagi ng mundong darating. Sa pelikula, ang talumpati ni Maximus ay may tamang epekto. Bukal sa loob na sumugod ang mga sundalong Romano sa giyera.
Siyempre, hindi natin dapat kundin ang ating teolohiya mula sa isang pelikulang gaya ng Gladiator, o mula sa mga manunulang Griyego o sa kung anuman ang iniisip ng isang heneral na Romano. Ngunit ang BT ay naguturong may mga gantimpala sa eternal na kahariang itatatag ni Cristo. Sinumang nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan ay nasa kahariang ito. Subalit, ang mga tapat na naglingkod sa Kania, ay may karagdagang espesyal na mga gantimpala at mana sa kahariang ito.
Ang mga nasa kilusang Free Grace ay sinusulong ang ganitong ideya ng mga gantimpala. Masusumpungan natin ito sa Kasulatan (Mat 5:12; Rom 8:17; 1 Cor 3:10-15; 2 Cor 5:10; Pah 22:12; atbp). Subalit, kinikilala nating maraming Ebanghelikong tinatakwil ang turong ito. Bagama’t ito ay masusumpungan sa mga salita ni Cristo at ng mga apostol, iginigiit nilang hindi tinuturo ng Biblia ang konseptong ito.
Aaminin kong nalilito ako nito. Hindi ko maunawaan kung bakit hindi nila nakikita ang malinaw na nakasulat sa mga pahina ng BT. Natanto kongi to ay dahil sa kanilang mga tradisyun at sa kung ano ang itinuro sa kanila. Tila baga may piring ang kanilang mga mata.
Ngunit isa pang bagay na nakalilito sa akin tungkol sa paksang ito ay ang taong nagsasabing: “Hindi ako naniniwala sa mga gantimpala dahil wala itong saysay.” Ang pahayag na ito ay madalas na sinusundan ng paliwanag tungkol sa katarungan ng Diyos. Hindi Siya lilikha ng anumang pagkakaiba sa Kaniyang bayan sa Kaniyang kaharian. Hindi ito makatarungan. Ang lahat ay pantay-pantay sa isang perpektong kaharian.
Sa basiko, ang mga nanghahawak sa posisyung ito ay ginigiit na ang mga eternal na gantimpala ay ilohikal.
Ang mga argumentong kagaya nito ay manggagaling lamang sa kabulagang dulot ng mga tradisyong relihiyoso at ng pagtangging tanggaping literal ang mga salita ng Kasulatan. Ang pinakamahalagang konsiderasyon ay sinasabihan tayo ni Jesus at ng Kaniyang Salita na ang mga gantimpala ay realidad sa mundong darating. Ngunit maaari rin nating idagdag na ang mga gantimpalang gay anito ay malinaw na lohikal. Ang mga ito ay napakalohikal na kahit ang isang piksiyunal na bayaning Romano sa isang pelikula, na nabubulagan ng paniniwalang pagano, ay naihayag ang isang maliwanag na katotohanan.